Ang Lungsod ng Maynila (Opisyal: City of Manila), kilala bilang Maynila, ay ang kabiserang lungsod ng Pilipinas na isa sa 17 lungsod at munisipalidad na bumubuo ng Kalakhang Maynila. Matatagpuan ang lungsod sa baybayin ng Look ng Maynila na nasa kanlurang bahagi ng pambansang punong rehiyon na matatagpuan sa kanlurang bahagi ng Luzon, isa ito sa mga sentro ng negosyo ng umuunlad na kalakhang pook na tinitirahan ng humigit sa 19 na milyong katao. Ang Maynila, na sumasakop ng 38.55 na kuwadrado ng kilometro, ay ang pangalawang pinakamalaking lungsod ng Pilipinas, na may humigit-kumulang na 1.6 milyong kataong naninirahan. Pero ang kalapit na lungsod, ang Lungsod Quezon, ang dating kabisera ng bansa, ay mas matao. Ang kalakhang pook ay ang pangalawang pinakamalaki sa Timog-silangang Asya. Ang Maynila ay may 900 na kilometro ang layo mula sa Hongkong, 2,400 na kilometro ang layo mula sa Singgapur at mas marami ng 2,100 na kilometro ang layo sa hilagang-silangan mula sa Kuala Lumpur. Ang Ilog Pasig ang humahati sa lungsod ng dalawa. Sa depositong alubyal ng Ilog Pasig at Look ng Maynila nakapwesto ang nakakaraming sinasakupan ng lungsod na gawa mula sa tubig.
Isang pagpapakamatay sa pagpapasabog kasunod ng isang konsiyerto ni Ariana Grande sa Manchester Arena sa United Kingdom ay ikinamatay ng 22 katao at ikinasugat ng higit sa 100 iba pa.
... na ang unang Estasyong daangbakal ng Tutuban(nakalarawan) ay isa na ngayong bahagi ng gusaling pamilihan ng Tutuban Centermall, habang ang Gusaling Ehekutibo ng PNR ay nagsisilbing kasalukuyang Estasyon ng Tutuban?
... na ang Estasyon ng Himpilang Sentral ng LRT-1 ay matatagpuan sa dating kinaroroonan ng isang planta ng pagpo-proseso ng yelo noong panahon ng pananakop ng mga Amerikano?
... na ang lungsod ng Mendoza sa Arhentina ay isang pangunahing sentro ng paggawa ng alak sa nabanggit na bansa?