Ang tamaraw (Bubalus mindorensis; dating Anoa mindorensis) ay isang bovine (wangis-baka). Kabilang ang ungguladong mamalyang ito sa pamilyang Bovidae na endemiko sa pulo ng Mindoro sa Pilipinas, bagaman pinaniniwalaan din na namuhay ito sa pulo ng Luzon. Unang natagpuan sa buong Mindoro, mula kapatagan hanggang sa kabundukan (2000 metro sa ibabaw ng antas ng dagat), ngunit dahil sa paglawak ng tirahan ng mga tao, pangangaso at pagtrotroso, may iilan lamang ang natira sa mga walang nakatira at madamong lugar, kaya nanganganib na ngayon ito. Salungat sa karaniwang paniniwala at nakaraang klasipikasyon, hindi sub-uri ang tamaraw ng kalabaw, na mas malaki lamang ng kaunti. May mga ilang pagkakaiba ito sa kalabaw: ang tamaraw ay mas mabuhok ng kaunti, may mga maliwanag na marka sa kanyang mukha at may mas maikling mga sungay na parang titik V. Ito ang pinakamalaking katutubong panlupang mamalya sa bansa. Tinuturing na pambansang simbolo ng Pilipinas ang tamaraw. Makikita ang larawan ng tamaraw sa mga baryang Piso noong 1980 hanggang sa unang bahagi ng 1990. May anyong pangkaraniwan sa pamilyang kinabibilangan nito (ang Bovidae) ang Bubalus mindorensis. May siksik, mabigat na kayarian, wangis-bakang katawan, apat na mga hitang nagtatapos sa mga unguladong paa at isang maliit, nasusungayang ulo sa hangganan ng maliit na leeg. May maliit ito at masiksik kung ihahambing sa Asyatikong pantubig na kalabaw (Bubalus bubalis).
Si Napoleon I, na ipinanganak bilang Napoleone di Buonaparte at nakikilala rin bilang Napoleon Bonaparte (15 Agosto 1769 - 5 Mayo 1821), ay ang unang emperador ng Unang Imperyong Pranses ng Pransiya, ang unang hari ng Italya, ang tagapamagitan ng Kumpederasyong Suwiso at unang tagapagtanggol ng Kumpederasyon sa Rhine. Ang kanyang mga nagawa ay nagdulot ng napakalaking pagbabago sa politika ng Europa sa ika-19 na siglo.
Inimbistiga ng gabinete ng Pangulo ng Pilipinas na si Rodrigo Duterte ang isang isang email na inihahayag diumano ang tangkang pabagsakin ang administrayong Duterte.