David

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Si Haring David o David ben Yishay [nangangahulugang "David na anak ni Isai"] (Ebreo: דוד בן ישי) ay isa sa mga magigiting na hari ng Israel.[1] Sa katunayan, siya ang ikalawa at isa sa mga pinakatanyag na hari ng mga Israelita at isang taong pinakamadalas na binabanggit sa Tanakh at sa Bibliya. Itinuturing din siyang isang propeta sa pananampalatayang Islam. Kaugnay sa Tanakh at sa Bibliya, sinabing nangako ang Diyos na pamumunuan ng mga kasapi ng mag-anak ni David ang isang kahariang magtatagal magpasawalanghanggan. Sinasabi pa rin na isinilang si Hesus mula sa angkan ni David at nilarawan pang si Hesus ang "Anak ni David" na mamumuno sa kaharian ng Diyos nang magpasawalanghanggan.[1]

Sa Islam[baguhin | baguhin ang batayan]

Sa Koran at sa Islamikong tradisyon, si David ay kilala bilang Dawud at isa sa mga propeta ng Islam, na kung kanino ang Zabur ("Mga Salmo") ay ipinakita ng Diyos (Allah). Ang Islamikong pananaw ay nagtataglay ng maraming katangian mula sa kasaysayang Hudyo ng buhay ni David, tulad ng labanan nila ng higanteng si Goliath (Galut), ngunit itinatakwil ang paglalarawan sa kaniya ng Bibliya bilang isang mangangalunya at mamamatay-tao - ang pagtatakwil na ito ay dahil sa kabutihan ng mga Propeta ng Diyos ayon sa Islam (kapuna-puna, ngunit mababakas sa karaniwang pagkakamaling-tao) at sa diwa ng ismah, o ang pagiging walang-sala ng mga propeta. Ayon sa ilang mga Islamikong tradisyon[2] siya ay hindi taga-Judah, kundi ay taga-Levi at Aron. panahon ni david hanggang sa kanyang kamatayan

Tingnan din[baguhin | baguhin ang batayan]

Sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. 1.0 1.1 The Committee on Bible Translation (1984). "David". The New Testament, God's Word, The Holy Bible, New International Version (NIV). International Bible Society, Colorado, USA. 
  2. Behar al Anvar V:13 P:440, Tafseer Al-Qomi V:1 P:82, The story of Prophets of Jazayeri Page 331



KasaysayanBibliyaPananampalataya Ang lathalaing ito na tungkol sa Kasaysayan, Bibliya at Pananampalataya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.