Kape

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Tungkol sa kape bilang inumin ang artikulong ito. Para sa ibang gamit, tingnan Kape (paglilinaw)
Bourbon Coffee.jpg
Ang kape sa anyong inumin.

Ang kape (Ingles: coffee) ay isang inumin madalas na isinisilbing mainit, hinahanda mula sa mga nilutong buto ng halamang kape. Ang kape ang pangalawang pinakakaraniwang kinakalakal na komodidad sa buong mundo, sumunod sa petrolyo. May kabuuang 6.7 milyon tonelada ng kape ang ginagawa bawat taon noong 1998-2000, tinatayang tataas ito sa 7 milyong tonelada bawat taon sa 2010.[1] Ang kape ang pangunahing pinagkukunan ng caffeine, isang stimulant. Patuloy na inaaral at pinag-uusapan ng malawakan ang kanyang potensiyal na pakinabang at hadlang.

Gamit ng salita[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang salitang kape ay tumutukoy sa isang uri ng mga buto o butil, puno, kulay (kulay-kape) o inumin.[2]

Mga paraan ng paghahanda ng kape[baguhin | baguhin ang batayan]

Maraming paraan ng paghahanda ng kape, at hindi lahat ay dumaraan sa proseso ng brewing na siyang karaniwang ginagawa. Halimbawaang kapeng Turko, na tanyag sa mga bansa sa Gitnang Silangan. Ang pagkulo ng pinulbos na kape sa ibrik, isang natatanging lalagyan, ang paraan ng paggawa ng kapeng ito.

Ang pag-brew ng kape ay iba-iba rin, depende sa tradisyon ng isang bansa. Tanyag sa ngayon ang awtomatikong pagpatak na pag-brew, gamit ang mga panggawa ng kape (coffee maker). Kapuna-puna ang amoy kuryenteng lasa ng kape lalo na sa mga mumurahing awtomatikong panggawa ng kape.

Para sa mga mahihilig sa kape, mainam ang manu-manong paghanda ng kape. Nariyan ang paraang manwal na pagpatak, kung saan pinakukuluan muna ang tubig bago ibuhos ng dahan-dahan sa carafe. Mas mainam ito dahil kontrolado ng gumagawa ang kanyang kape. Sikat din ang French press o Coffee Plunger. Mas matapang at mas malasa ang nagagawa nitong kape dahil nasasama sa inumin ang langis at bango mula sa mga katas ng beans. Iyon nga lamang, hindi ganoon kalinaw at kalinis ang nagagawang kape gamit ang paraan na ito.

Sikat rin ang mga 'percolator at makinang pang-espresso na mas nakakagawa ng matapang na kape. Gumagamit ng kaparaanang vacuum ang espresso at makinang lalagyan ng mocha. Ang pinakasimpleng paggawa ng kape ay ibuhos ang mainit na tubig sa giniling na kape at hayaang lumubog ang mga ground.

Nariyan din ang madaliang kape (instant coffee), na maaaring pulbo o likido. Pero ang lasa nito, bagamat pwedeng dagdagan ang tapang, ay kulang sa aroma di tulad sa kapeng brewed.

Masarap din ang malamig na kape. Nauso ang pagbebenta ng malamig na kape sa mga coffee shops. Nilalagyan ng wip cream at kung anu-anong disenyong pampaakit.

Alternatibong kape[baguhin | baguhin ang batayan]

Maaari ring gumawa ng inuming "kape" mula sa tinustang mga butil ng BEANS (kapeng bigas).

Mga talasanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. http://www.fao.org/docrep/006/y5143e/y5143e0v.htm
  2. Diksiyunaryong Tagalog-Ingles ni Leo James English, Kongregasyon ng Kabanalbanalang Tagapag-ligtas, Maynila, ipinamamahagi ng National Book Store, may 1583 na mga dahon, ISBN 971-91055-0-X