2010

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Dantaon: ika-20 dantaon - ika-21 dantaon - ika-22 dantaon
Dekada: Dekada 1980  Dekada 1990  Dekada 2000  - Dekada 2010 -  Dekada 2020  Dekada 2030  Dekada 2040
Taon: 2007 2008 2009 - 2010 - 2011 2012 2013

Ang 2010 ay isang taon sa kalendaryong Gregorian.

Kaganapan[baguhin | baguhin ang batayan]

Enero[baguhin | baguhin ang batayan]

Pebrero[baguhin | baguhin ang batayan]

  • Pebrero 3 -- Nasawi ang tatlong mga sundalong Amerikano, kasama ang apat na Pakistani, sa isang suicide bombing attack sa Pakistan.
  • Pebrero 11 -- Pagkatapos ng pitong buwan ng matinding labanan, nagkasundo ang pamahalaan ng Yemen at rebeldeng Houthi sa isang tigil-putukan.[2][3]
  • Pebrero 12 - 28 -- Ginanap ang 2010 Winter Olympics sa Vancouver at Whistler sa British Columbia, Canada.
  • Pebrero 12 -- Inilunsad ang multi-country offensive sa Afghanistan kung saan sinalakay ng libu-libong tropang Amerikano, Afghan, at Briton, sa bilang na 6,000, ang lungsod ng Marja sa pagtatangkang wasakin ang huling kuta ng Taliban.
  • Pebrero 15 -- Nadakip ang punong militar komandante ng Taliban na si Mullah Abdul Ghani Baradar sa Karachi, Pakistan sa isang lihim na joint operation ng intelligence force ng Amerika at Pakistan.
  • Pebrero 22 -- Inilunsad ng Special Forces ng Estados Unidos ang NATO airstrike sa Kabul, Afghanistan, na umasinta sa mga manghihimagsik, at aksidenteng pumatay ng 27 sibilyang Afghan.

Marso[baguhin | baguhin ang batayan]

  • Marso 7 -- Idinaos ang Halalan Parlamentaryo sa Iraq, kung saan nakakuha ang Iraqi National Movement, na pinamumunuan nidating punong ministro Ayad Allawi ng pinakamaraming boto at ng 91 sa 325 upuan sa Parlamento, batay sa pinakahuling resulta nito noong Marso 29. Naganap rin sa bansa ang pagsabog ng dalawang bomba sa kasagsagan ng halalan na pumatay ng hindi bababa sa 38 katao.
  • Marso 14 -- Estados Unidosː Sinimulan ng opisyal ng U.S. Defense Department na si Michael Furlong ang isang grupo ng mga kontratista upang subaybayan at pumatay ng mga militante sa Pakistan at Afghanistan.
  • March 24 -- Nagkasundo ang Estados Unidos at Russia na ibaba ang limitasyon sa pinalawak na mga strategic warhead at launcher ng 25% at 50%, ayon sa pagkakasunod, at ipatupad rin ang isang bagong inspection regime.
  • Marso 29 -- Russiaː Hiwalay na pinasabog ng dalawang babaeng suicide bombers ang mga bomba sa dalawang Moscow subways stations sa loob lang ng ilang minuto, na ikinasawi ng hindi bababa sa 39 na katao.

Abril[baguhin | baguhin ang batayan]

  • Abril 4 -- Sinagip ng rescue crew ang 34 kataong kabilang sa mga nakulong sa binahang minahan ng karbon sa Tsina mula noong Marso 28.
  • Abril 5 -- Naglunsad ang mga militante ng isang pag-atake sa Konsulado ng Estados Unidos sa Pakistan. Anim na Pakistani ang nasawi at 20 ang nasugatan. Hindi bababa sa limang suicide bomber ang nagsagawa ang pag-atake. Inako ni Azam Tariq, tagapagsalita ng Pakistani Taliban, ang responsibilidad sa pag-atake, na aniya'y ganti sa missile strike ng Amerika at mga operasyong militar ng Pakistan sa lugar.
  • Abril 7 -- Nilisan ni Pangulong Kurmanbek Bakiyev ng Kyrgyzstan ang kabiserang Bishkek sa gitna ng malagim na mga protesta at demonstrasyon. Humaili sa kapangyarihan bilang acting president ang dating foreign minister Roza Otunbayeva, na gumaganap bilang pinuno ng oposisyon. Halos 70 tao ang namatay at higit sa 400 nasugatan sa girian ng hukbo ng pamahalaan at demonstrador sa mga lansangan, na nag-ugat sa matinding pagtaas sa mga presyo ng bilihin at katiwalian sa pamahalaan.
  • Abril 8 -- Nilagdaan nina Pangulo Barack Obama ng Estados Unidos at Pangulo Dmitry Medvedev ng Russia ang kasunduan sa pagbabawas ng armas at nagkasundong kumilos sa nagkaisang anyo laban sa banta ng programang nukleyar ng Iran, na ang kasunduang ito ay tinawag na New Start.

Mayo[baguhin | baguhin ang batayan]

  • Mayo 1 -- Binigyan ng pinansiyal na suporta ng European Union ang Greece na naharap sa malubhang pinansiyal na paghihirap o pagkabangkarote. Bunsod nito, libu-libo ang nagmartsa sa Athens at iba pang mga lungsod upang tutulan ang plano ng pamahalaan upang bawasan ang paggasta para sa pampublikong-sektor.
  • Mayo 3 -- Inalok ng Punong Ministro ng Thailand na si Abhisit Vejjajiva na magdaos ng maagang halalan na isa sa mga pangunahing pangangailangan ng mga raliyista na tapat sa dating punong ministro Thaksin Shinawatra, na tinawag na mga red shirt, ngunit tinanggihan nila ito.
  • Mayo 5 -- New York, Estados Unidosː Ibinenta ang painting na "Nude, Green Leaves and Bust" ni Pablo Picasso sa halagang $106.5 milyon, isang bagong tala sa pagsusubasta ng mga likhang sining.
  • Mayo 11 -- Nahalal bilang Punong Ministro ng Britanya si David Cameron matapos magbitiw si Gordon Brown, na inihayag ng huli noong Mayo 10.
  • Mayo 19
    • Nagtapos sa isang madugong military crackdown at dispersal ng Red Shirt movement ang serye ng mga protesta sa Bangkok, Thailand, na nagsimula pa noong Abril, na humantong sa pagkamatay ng 91 at mahigit sa 1,800 ang nasugatan.[4][5][6][7]
    • Nagkasundo ang Estados Unidos, Russia, China, at iba pang bansa na magpataw ang ikaapat na hanay ng mga parusa sa nuclear program ng Iran, sa isang pagtatangka upang ihinto ang bansa mula sa pagpapasagana ng uranium.
  • Mayo 31 -- Siyam na tao ang namatay matapos lusubin ng isang Israeli commando navy ang munting plota ng cargo ships at mga pampasaherong bangka, na pawang pro-Palestinian, na tutungong Gaza upang magbigay ng tulong at mga suplay sa lugar.

Hunyo[baguhin | baguhin ang batayan]

  • Hunyo 1 -- Siyam na buwan lamang sa kanyang termino bilang Punong Ministro ng Japan, ipinahayag ni Yukio Hatoyama ang kanyang pagbibitiw sa tungkulin, ika-apat na punong ministro ng bansa na nagbitiw sa loob lamang ng apat na taon.
  • Hunyo 9 -- Pandaigdigː Ipinasa ng U.N. Security Council ang isa pang hanay ng mga ipapataw na parusa laban sa programang nukleyar ng Iran sa pag-asang mapigilan pa ito.
  • Hunyo 11 - Hulyo 11 -- Ginanap ang 2010 FIFA World Cup sa Johannesburg, Timog Aprika. Nagwagi rito ang Spain kontra Netherlands, 1-0, kung saan nakapuntos sa bandang huli ang una sa ika-129 minuto sa overtime ang una na nagpanalo ng kanilang titulo, Hulyo 11.
  • Hunyo 13 -- Natuklasan ng Estados Unidos ang higit sa $1 trilyon sa mga mapagkukunang mineral sa mga bundok ng Afghanistan, na napakahigit pa kaysa inaasahan o dating tantiya.
  • Hunyo 17 -- Tumindi ang mga labanan sa lansangan sa pagitan ng etnikong Kyrgyz at mga minoryang Uzbek sa lungsod ng Osh, Kyrgyzstan na nag-iwan ng hindi bababa sa 200 katao ang namatay. Tumaas pa ang bilang nito sa 2,000, Hunyo 24.
  • Hunyo 20
    • Tatlong Australian Commandos at isang kawal ng Estados Unidos ang nasawi sa pagbagsak ng isang helicopter crash sa baku-bakong lupain sa hilagang Kandahar, Afghanistan.
    • Estados Unidosː Sa isang sorpresang tagumpay, nagwagi si Graeme McDowell sa golf na U.S. Open sa Pebble Beach Golf Links sa California.

Hulyo[baguhin | baguhin ang batayan]

  • Hulyo 3 -- Nagwagi ng titulo ang Amerikanong tennis champ na si Serena Williams sa Women's Wimbledon final.
  • Hulyo 9 -- Nagkasundo ang Estados Unidos at ng Russia na sumasang-ayon at ipatupad ang palitan ng mga nahuling ispiya, matapos madiskubre at ibilanggo ang 10 Rusong ispiya na nagpapanggap bilang sibilyan sa Estados Unidos.
  • Hulyo 11 -- Namatay ang hindi bababa sa 70 sa isinagawang mga pambobomba sa grupo ng mga tagahanga ng soccer sa Uganda, na inako ng Shabab, isang grupo ng rebolusyonaryong Islamiko insurgent group mula Somalia.
  • Hulyo 24 -- Namatay ang 21 katao ay namatay at 500 pa ang nasugatan sa stampede sa isang music festival sa Germany na tinawag na Love Parade.
  • Hulyo 25
    • Pandaigdigː Isiniwalat sa publiko ng WikiLeaks, isang samahan na naghahanap at naglalathala ng mga sensitibo o mga lihim na datos ng pamahalaan, ang 77,000 lihim na talaksan ng militar ng Estados Unidos ng Amerika tungkol sa kaugnayan nito sa Digmaan sa Afghanistan.
    • Franceː Nagwagi si Alberto Contador sa Tour de France.
  • Hulyo -- Isang Solar Eklipse ay naganap.

Agosto[baguhin | baguhin ang batayan]

  • Agosto 17 -- Iraqː Binomba ng sucide bomber ang isang Iraqi Army recruiting office, na pumatay ng hindi bababa sa 48 mga bagong kaanib na hukbo at mga sundalo, at 120 iba pa ang nasugatan. 
  • Agosto 18 -- Inihayag ng State Department ng Estados Unidos na dadagdagan nito ang presensya ng mga sibilyan kontratista sa taong 2011 habang naghahanda ang militar na iwanan ang bansa.
  • Agosto 30 -- Mehikoː Nadakip si Edgar Valdez Villareal, alyas "El Barbie," notoryus na drug kingpin, ng Mexican Federal Police malapit sa Lungsod ng Mexico.[8][9]

Setyembre[baguhin | baguhin ang batayan]

  • Setyembre -- Mehikoː Sinibak ng Ciudad Juárez ang 400 tiwaling opisyal ng pulisya kaugnay ng digmaan kontra-droga sa bansa.
  • Setyembre 12 -- Nakalaya sa piyansang $500,000 ang babaeng Amerikanong hiker na si Sarah Shourd, na nabilanggo sa Iran sa kasong paniniktik sa loob ng higit isang taon , kasama ang dalawang lalaking Amerikano na kaibigan nitong sina Shane Bauer at Joshua Fattal.
  • Setyembre 28 -- Hilagang Koreaː Pinasigasig ng Pyongyang ang pagtitipon upang markahan ang ika-65 anibersaryo ng makapangyarihang Partido Komunista kung saan binasbasan si Kim Jong Un bilang kahalili ng kanyang ama, na noo'y may sakit, na si Kim Jong Il.

Oktubre[baguhin | baguhin ang batayan]

  • Oktubre 11 -- Afghanistanː Pinaniniwalaang aksidenteng nasawi ang Britong aid worker na si Linda Norgrove, isang bihag ng Taliban, sa isang rescue raid ng Amerika.
  • Oktubre 17 -- Vaticanː Kanonisasyon ni Pope Benedict XVI sa anim na bagong hirang na mga Santo sa St. Peter's Squareː
    • André Bessette, isang French-Canadian na layko ng Congregation of Holy Cross mula sa Canada.
    • Candida Maria of Jesus, isang madre at guro mula sa Espanya.
    • Mary MacKillop, isang Romano Katolikong madre na mula sa Australya na isa sa mga tagapagtatag ng Sisters of St Joseph of the Sacred Heart (mga Josephites) na isang kongregasyon ng mga madre.
    • Giulia Salzano, isang Romano Katolikong madre mula sa Italya na tagapagtatag ng Catechetical Sisters of the Sacred Heart of Jesus.
    • Stanisław Kazimierczyk, isang Romano Katolikong canon regular, theologian at mangangaral mula sa Poland.
    • Camilla Battista da Varano, isang prinsesa, at madre at abbess ng Order of Saint Clare mula sa Italya.
  • Oktubre 19
    • Franceː Nagsagawa ng malawakang welga ang mga nasa 1.1-3.5 milyong tao (pinakamarami sa taong ito) na tumututol sa isang plano na madagdagan ang gulang ng pagreretiro nang dalawang taon,[10] bahagi ng serye ng mga welga na nagsimula noong unang bahagi ng taon.
    • Mehikoː Nasamsam ng Mexican security force sa bayan sa hangganan ng Tijuana, ang 105 tonelada ng marijuana na tinangkang ipupuslit patungong Estados Unidos, na may tinatayang halagang $340 milyon, noo'y ang pinakaalaking pot bust sa bansa as nakaipas na mga taon.[11]
    • Nagkita ang nangungunang mga kasapi ng Taliban sa Afghanistan, at si Pangulong Hamid Karzai at ang kanyang mga tagapayo, upang talakayin ang pagwawakas ng siyam na taong digmaan sa bansa.
  • Oktubre, kalagitnaan -- United Kingdomː Ipinahayag ng bagong pamahalaang Conservative sa London ang $128 bilyon na pagtapyas sa badyet, na nagduot ng kalituhan sa publiko.[12]
  • Oktubre 22 -- Pandaigdigː Isiniwalat naman ng WikiLeaks ang itinuring na pinakamalaking nauuuring pagbubunyag na militar sa kasaysayan. Idinokumento ng 391,832 ulat na tinawag na The Iraq War Logs ang digmaan at pananakop sa Iraq, mula 2004 hanggang 2009 tulad ng sinabi ng mga sundalo ng Hukbo ng Estados Unidos.[13]
  • Oktubre 29 -- Natagpuan ang hinihinalang package na naglalaman ng mga gamit sa pampasabog, sa isang eroplano na nagmula sa Yemen at patungong Estados Unidos.
  • Oktubre 31 -- Iraqː Namatay ang 58 katao at marami pa ang sugatan sa pagsalakay ng mga kasapi ng Al Qaeda sa isang simbahan sa Baghdad.

Nobyembre[baguhin | baguhin ang batayan]

  • Nobyembre 8 -- Ipinahayag ni Pangulong Obama ang suporta ng Indya para sa permanenteng upuan nito sa United Nations Security Council.
  • Nobyembre 13 -- Pinalaya ang democracy icon na si Aung San Suu Kyi mula sa house arrest sa Myanmar.
  • Nobyembre 16 -- Britanyaː Nagkasundong magpakasal si Prinsipe William kay Kate Middleton.
  • Nobyembre 22 -- Inihayag ni Punong Ministro Brian Cowen ng Ireland na bubuwagin niya ang kanyang pamahalaan at magdadaos ng isang bagong halalan matapos ang pagpasa ng 2011 budget.
  • Nobyembre 23 -- Inilunsad ng Hilagang Korea ang pagpapakawala ng artillery sa Isla ng Yeonpyeong, Timog Korea, na ikinasawi ng apat na taga-Timog Korea na kinabibilangan ng dalawang sibilyan at dalawang marines. Labinwalong iba pa ang nasugatan.
  • Nobyembre 28 -- Pandaigdigː Isiniwalat naman ng WikiLeaks ang higit sa 200,000 U.S. diplomatic cables sa isang maliit na bilang ng mga media outlet. Ipinakita nito ang mga dating lihim na impormasyon sa intelligence gathering at istratehiyang pampulitika at militar ng Amerika.[14]

Disyembre[baguhin | baguhin ang batayan]

  • Disyembre 2 -- Naipanalo ang Russia ang imbitasyon nito bilang host para sa 2018 World Cup, habang gagampanan ng Qatar ang mga tungkuling host para sa pandaigdigang soccer tournament sa 2022, ang unang bansa sa Gitnang Silangan para sa tournament.
  • Disyembre 6 -- Inaresto ng pulisya ng Britanya ang tagapagtatag ng WikiLeaks na si Julian Assange, isang dating mamamahayag na mula sa Australia, sa London dahil sa di-umano'y sexual assaults sa Sweden, na ayon sa kanyang mga abogado, ang mga kaso ay inimbento lamang para masira ang kanyang reputasyon.
  • Disyembre 21 -- Total Lunar eklipse ay naganap.

Sakuna[baguhin | baguhin ang batayan]

Lindol[baguhin | baguhin ang batayan]

  • Enero 12 -- Niyanig ng 7.0-magnitude na lindol ang Haiti, na puminsala sa kabisera ng bansa, ang Port-au-Prince. Nasa 316,000 ang kumpirmadong nasawi.
  • Pebrero 27 – Niyanig ng 8.8 kalakhang lindol ang Tsile, na nagbunsod ng mga tsunami sa Pasipiko at kumitil ng umaabot sa 708 katao[15], bagama't ayon sa tala ng United States Geological Survey, ang bilang ng kumpirmadong nasawi ay 547.
  • Abril 4 -- Niyanig ng 7.2 kalakhang lindol ang mga estado ng Baja California, Mehiko at California, Estados Unidos, sa lalim na 10 km at sinasabing nagtagal ng isang minuto,[16] na ikinasawi ng dalawang tao.
  • Abril 14 -- Niyanig ng 6.9-magnitude na lindol ang katimugang bahagi ng lalawigan ng Qinghai, China, na ikinasawi ng 2,968 katao at nasa 10,000 ang sugatan.
  • Setyembre 3 -- Niyanig ng 7.1 kalakhang lindol ang lungsod ng Christchurch, Australia, na nagbunsod ng malawakang pinsala.
  • Oktubre 25 --  Ang lindol na may lakas na 7.8-magnitude at ang ibinungang tsunami sa dalampasigan ng Sumatra at Isla ng Mentawai (Rehiyon ng Kepulauan Mentawai) sa Indonesia. Bilang ng kumpirmadong nasawi ay 503.

Mga Pagputok ng Bulkan[baguhin | baguhin ang batayan]

  • Marso 20 -- Icelandː Eyjafjallajökull, unang yugto ng pagsabog. Abril 14, ang volcanic ash mula sa isa sa mga pagsabog sa ilalim ng Mount Eyjafjallajökull, ang ice cap sa naturang bansa, ay nagbunga ng ash clouds, at nagsimulang gumambala ng paglalakbay sa himpapawid sa buong hilaga at kanlurang Europa.
  • Oktubre 26 - Disyembre -- Indonesiaː Nagsimula rin ang ilang linggong pagputok ng Bulkang Merapi sa gitnang Java na pumatay ng mahigit sa 130 katao at nakaapekto sa mga nasa 300,000 mga tao.

Pagbaha[baguhin | baguhin ang batayan]

  • Mayo 3 -- Estados Unidosː Nasawi ang hindi bababa sa 24 katao sa matinding pagbaha sa mga bahagi ng Tennessee (nagsimula noong Abril 30), Kentucky, at Mississippi, matapos ang dalawang araw ng matinding pag-ulan.
  • Mayo 10 -- Tsina: 1,500 katao ang nasawi sa mga pagbaha.
  • Hunyo 11 -- Estados Unidosː Hindi bababa sa 16 mga tao ang nasawi at dose-dosena ang nawawala matapos na hindi inaasahang rumagasa ang baha ang campground sa Arkansas.
  • Hulyo 26 -- Nagsimula ang malawakang pagbaha sa Pakistan matapos ang pag-ulang monsoon na nagdulot ng pag-apaw ng Indus River basin, nagpalubog sa baha ng halos sang-kalima ng bansa at ikinasawi ng nasa 2,000 mga tao. Inanunsyo ng pamahalaan na 20 milyong tao ang naapektuhan ng malawakang pagbaha sa bansa, Agosto 14.

Pagguho ng Lupa[baguhin | baguhin ang batayan]

  • Setyembre 28 -- Gumuho ang lupa sa rehiyon ng Oaxaca sa Mexico kasunod ng mahabang panahon ng malakas na ulan, na naglibing sa daan-daang mga tahanan. Hindi bababa sa 11 katao ang nawawala.

Sunog[baguhin | baguhin ang batayan]

  • Agosto 6 -- Naitalang higit sa 52 tao na ang nasawi sa higit 800 wildfires na kumalat sa ibayo ng Russia at nagsimula noong Hunyo.

Pangkapaligiran[baguhin | baguhin ang batayan]

  • Abril 20 -- Estados Unidosː Sumabog ang oil drilling platform ng Deepwater Horizon sa Gulf of Mexico, na pumatay ng 11 manggagawa. Nagresulta ito sa tinaguriang Horizon oil spill (Gulf Coast oil spill), isa sa mga pinakamalaki sa kasaysayan, na tumagal ng maraming mga buwan.
  • Oktubre 4 -- Sumabog ang isang imbakan ng putik sa Hungary, na nagpakawala ng 200 milyong galon ng nakalalasong putik sa mga kalsada ng tatlong baryo, at ikinasawi ng 8 katao at maraming iba pa ang sugatan.

Aksidente[baguhin | baguhin ang batayan]

  • Marso 26 -- Timog at Hilagang Koreaː Lumubog sa pinag-aagawang teritoryo ng dalawang bansa ang Cheonan, isang barko (corvette) ng hukbong-dagat ng Republika ng Korea, na ikinasawi ng 46 mandaragat. Sa isang pagsisiyasat na isinagawa ng militar ng Timog Korea, lumabas na sinira ang barko sa pamamagitan ng isang torpedo ng Hilagang Korea.
  • Abril 5 -- Estados Unidosː Nasawi ang hindi bababa sa 25 katao at 4 ang nawawala sa pagsabog sa minahan sa West Virginia.
  • Abril 10 -- Nasawi ang 96 katao, kabilang ang Pangulo ng Poland, Lech Kaczynski, at ang kanyang asawa, na lulan ng bumagsak na eroplanong biyahe mula Poland sa Smolensk, Russia, habang sinusubukang lumapag sa makapal na hamog.
  • Mayo 8 -- Russiaː Hindi bababa sa 43 katao aang nasawi sa dalawang pagsabog sa minahan sa lungsod ng Mezhdurechensk, Siberia.
  • Hulyo 18 -- Nasawi ang hindi bababa sa 63 mga tao at sugatan ang higit sa 100 iba pa sa banggaan sa pagitan ng express train at pampasaherong tren sa isang himpilan sa West Bengal, Indya.
  • Hulyo 28 -- Bumagsak ang eroplanong patungong Islamabad, Pakistan sa paanan ng kabundukan ng Himalaya malapit sa kabisera, na ikinasawi ng lahat ng lulang 152 pasahero at mga miyembro ng crew.
  • Agosto 5 - Oktubre 13 -- Chileː Nakulong ang 33 minero sa San José copper mine sa Atacama desert sa bumigay na bahagi ng minahan sa lalim na 2,300 talampakan (700 metro), Agosto 5. Natagpuan at nasagip ang lahat ng mga minero makalipas ang 69 araw (10 linggo), noong Oktubre 12 at 13.
  • Agosto 3 -- Estados Unidosː Sinunog ni Omar Thornton, empleyado,ang warehouse ng pinagtatrabahuang kumpanya na Hartford Distributors sa Manchester, Connecticut, na ikinasawi niya at 8 iba pa.
  • Agosto 10 -- Estados Unidosː Nasawi ang 4 katao, kabilang ang dating Senador na si Ted Stevens, sa pagbagsak ng isang maliit na eroplano sa liblib na lugar sa Alaska.
  • Nobyembre 23 -- Idineklarang patay ang 29 minero na nakulong sa ilalim ng lupa matapos ang pagsabog sa Pike River coal mine sa New Zealand makalipas ang limang araw.
  • Nobyembre 22 -- Hindi bababa sa 300 tao ang namatay at daan-daan pa ang nasugatan sa isang stampede sa panahon ng taunang pista ng tubig sa Cambodia na naganap matapos matakot ang mga tao nang magsiulang gumalaw ang tulay.

Iba Pa[baguhin | baguhin ang batayan]

  • Heat wave sa Rusya
  • Enero 24 -- Nagkaroon ng pagguho sa Andes sa Peru. Tinatayang 26 ang nasawi, 1,900 turista ang stranded at 20,000 residente ng baryo malapit sa Cusco ang nawalan ng tirahan. Nakaapekto rin sa Machu Picchu.
  • Pebrero -- Estados Unidosː Nanalasa ang unang malaking winter storm ng taon, o pagbagsak ng niyebe, na nagpalubog ng dalawang talampakang niyebe sa Washington, D.C.
  • Mayo - Hunyo -- Hilagang Quebec, Canadaː 56 mga sunog sa kagubatan, higit sa 2,300 katao ang inilikas mula sa kanilang mga tahanan.
  • Mayo 31 -- Nilamon ng sinkhole na may 20 metro ang lapad at 204 talampakang malalim, ang isang tatlong-palapag na gusali sa Lungsod ng Guatemala matapos tumama ang Tropical Storm Agatha sa Gitnang Amerika sa ibabaw ng katapusan ng linggo. Ikinasawi ng tatlong tao.
  • Hulyo - Agosto -- Kanlurang Canadaː Mga apoy sa kagubatan, kabilang na ang mga lalawigan ng British Columbia, kung saan halos 40,000 ektarya ng kagubatan ay nawasak, at Alberta.
  • Agosto 23 -- Canadaː Nasunog ang halos 291,700 ektaryang kagubatan sa British Columbia.
  • Agosto 25 - Setyembre -- Hurricane Earl, Nabuo sa karagatan ng Cape Verde Islands noong Agosto 25. Lumakas hanggang Agosto 29, at nanalasa sa hilagang bahagi ng Leeward Islands at puminsala sa lugar. Bumilis noong Setyembre 2. Marami ring nasawi sa New Jersey, Massachusetts at Florida sa Estados Unidos dahil sa mga alon sa dagat. Sa Nova Scotia at Canada kung saan ito tumama sa kalupaan bilang category 1 hurricane, isang tao ang nalunod at daang libong katao ang nawalan ng kuryente.
  • Agosto -- China: 1,765 katao ang nasawi sa mga pagguho ng putik, lupa o pagbagsak ng ga bato bunsog ng matinding pag-ulan at pagbaha.

Kamatayan[baguhin | baguhin ang batayan]

Enero[baguhin | baguhin ang batayan]

  • Enero 1 - Lhasa De Sela, Amerikanong mang-aawit at sumusulat ng kanta (ipinanganak 1972)
  • Enero 4 - Johan Ferrier, ika-1 Presidente ng Suriname (ipinanganak 1910)
  • Enero 4 - Tsutomu Yamaguchi, Isang Hapones na nakaligtas sa atomikong pangbobomba ng Hiroshima at Nagasaki
  • Enero 5 - Kenneth Noland, Amerikanong Abstract Pintor (ipinanganak 1924)
  • Enero 11 -- Miep Gies, Olandes na pilantropo.
  • Enero 13 -- Teddy Pendergrass, African-American na mang-aawit ng R&B and soul.
  • Enero 21 -- Jean Simmons, Britong aktres.
  • Enero 25 -- Ali Hassan al-Majid, Iraqi na politiko at komandante ng militar, binansagang "Chemical Ali" at aide ni Saddam Hussein. (Binitay sa Iraq.)
  • Enero 27
  • Enero 29 -- Tom Brookshier, Aerikanong manlalaro ng football at isang sportscaster.

Pebrero[baguhin | baguhin ang batayan]

  • Pebrero 10 -- Charlie Wilson,  Amerikanong politiko.
  • Pebrero 11 -- Alexander McQueen, Britong fashion designer.
  • Pebrero 12 -- Nodar Kumaritashvili, luger mula sa Republika ng Georgia, (nasawi sa aksidente sa pag-e-ensayo sa 2010 Winter Olympics.) 
  • Pebrero 20 -- Alexander Haig, ika-59 Secretary of State ng United States

Marso[baguhin | baguhin ang batayan]

  • Marso 10 -- Corey Haim, Canadian na aktor.
  • Marso 20 -- Stewart Udall, Amerikanong politiko.

Abril[baguhin | baguhin ang batayan]

  • Abril 10
  • Abril 19 -- Guru, Amerikanong rapper.
  • Abril 20 -- Dorothy Height, Amerikanong civil rights activist.
  • Abril 24 -- Elizabeth Post[18], manunulat tungkol sa etiquette.

Mayo[baguhin | baguhin ang batayan]

  • Mayo 2 -- Lynn Redgrave, Britong aktres.
  • Mayo 9 -- Lena Horne, Amerikanong mang-aawit at aktres.
  • Mayo 28 -- Gary Coleman, Amerikanong aktor, voice artist at komedyante.
  • Mayo 31
    • Chris Haney, Canadian na mamamahayag na lumikha ng board game na "Trivial Pursuit."
    • Mustafa Abu al-Yazid, pinuno at co-founder ng Al Qaeda sa Afghanistan. (Napatay sa isang American drone attack sa Pakistan.)

Hunyo[baguhin | baguhin ang batayan]

  • Hunyo 3 -- Rue McClanahan[19], Amerikanong aktres.
  • Hunyo 4 -- John Wooden, Amerikanong manlalaro ng basketbol.
  • Hunyo 18 -- José Saramago, Portugues na manunulat, Nobel Prize laureate.
  • Hunyo 28 -- Robert Byrd, Amerikanong politiko.

Hulyo[baguhin | baguhin ang batayan]

  • Hulyo 13
    • Vernon Baker[20], Amerikanong sundalo sa U.S Navy
    • George Steinbrenner, Amerikanong negosyante at may-ari ng koponan sa baseball na New York Yankees.

Agosto[baguhin | baguhin ang batayan]

  • Agosto 8 -- Patricia Neal, Amerikanong aktres.
  • Agosto 9 -- Ted Stevens[21], Amerikanong politiko

Setyembre[baguhin | baguhin ang batayan]

  • Setyembre 12 -- Claude Chabrol, Pranses na direktor ng mga pelikula.
  • Setyembre 26 -- Gloria Stuart, Amerikanong aktres.
  • Setyembre 28 -- Arthur Penn, Amerikanong direktor ng mga pelikula.
  • Setyembre 29 -- Tony Curtis, Amerikanong aktor.

Oktubre[baguhin | baguhin ang batayan]

  • Oktubre 16 -- Barbara Billingsley, Amerikanong aktres.
  • Oktubre 19 -- Tom Bosley, Amerikanong aktor.
  • Oktubre 20 -- Bob Guccione, Amerikanong tagapaglathala (Penthouse magazine)

Nobyembre[baguhin | baguhin ang batayan]

  • Nobyembre 4 -- Sparky Anderson, Amerikanong baseball manager.
  • Nobyembre 5 -- Jill Clayburgh, Amerikanong aktres.
  • Nobyembre 28 -- Leslie Nielsen, Canadian-American na aktor.

Disyembre[baguhin | baguhin ang batayan]

  • Disyembre 7 -- Elizabeth Edwards, Amerikanong abogada at maybahay ni John Edwards (dating Amerikanong Senador).
  • Disyembre 15 -- Blake Edwards, Amerikanong direktor ng mga pelikula.

Iba pa

Gantimpalang Nobel[baguhin | baguhin ang batayan]

  • Kimika – Richard F. Heck, Ei-ichi Negishi at Akira Suzuki
  • Agham-Pangkabuhayan – Peter A. Diamond, Dale T. Mortensen at Christopher A. Pissarides
  • Panitikan – Mario Vargas Llosa
  • Pangkapayapaan – Liu Xiaobo (hindi niya nagawang matanggap ang Nobel Peace Prize dahil siya ay hinatulan ng 11 taon ng pagkabilanggo ng awtoridad Intsik.)
  • Pisika – Andre Geim at Konstantin Novoselov
  • Medisina – Robert G. Edwards

Mayoryang mga publikong mga pista[baguhin | baguhin ang batayan]

Sa karagdagan, inoobserbahan ng maraming bansa ang mga pambansang pista opisyal, tulad ng pagkakatatag ng kanilang bansa at araw ng kalayaan. Ito rin ay "espesyal na araw."

Kalendaryong Islam at Hudyoː Ang Kalendaryong Islam ay batay sa pagmamasid sa mga buwan; kaya, ang mga petsang nakasaad ay maaaring mag-iba nang isa o dalawang araw. Lahat ng mga paggunitang Islam at Hudyo ay magsisimula sa paglubog ng araw, sa araw bago ang petsang nakasaad.

Kalendaryong Hindu at Sikhː Mga petsa para sa mga paggunitang Sikh at Hindu ay nalalaman ayon sa petsa ng kanilang pagtalima sa India.

Mga okasyon sa bold ay mga pederal at espesyal na pista na ipinagdiriwang din sa Estados Unidos.

Enero

  • Enero 1 - Araw ng Bagong Taon (ipinagdiriwang sa karamihan ng mga bansa)
  • Enero 1-3 - Ganatan-sai, Bagong Taong Shinto (Kalendaryong Hapon)
  • Enero 5 - Kaarawan ni Guru Gobind Singh Sahib (Kalendaryong Sikh)
  • Enero 6 - Epiphany (Paggunitang Kristiyano)
  • Enero 7 - Pasko (Ortodoks)
  • Enero 14
    • Makar Sakranti (Kalendaryong Hindu)
    • Maghi (Kalendaryong Sikh)
  • Enero 20 - Vasant Panchami (Kalendaryong Hindu)

Pebrero

  • Pebrero 2 - Groundhog Day
  • Pebrero 12 - Maha Shiva Ratri (Kalendaryong Hindu)
  • Pebrero 14
  • Pebrero 16
  • Pebrero 17 - Miyerkules-de-Senisa (Paggunitang Kristiyano)
  • Pebrero 26 - Mawlid al-Nabi, Kaarawan ni Muhammad (Kalendaryong Islam)
  • Pebrero 28
    • Purim, Feast of Lots (Kalendaryong Hudyo)
    • Holi, Isang piesta sa Indiya, hanggang Marso 1 (Kalendaryong Hindu)

Marso

  • Marso 1 - Hola Mohalla (Kalendaryong Sikh)
  • Marso 8 - International Women's Day
  • Marso 15 - The Ides of March
  • Marso 16 - Bagong Taong Hindi (Kalendaryong Hindu)
  • Marso 17 - Araw ni St. Patrick (Pambansang Publikong walang pasukan ng Irlanda, ipinagdiriwang din sa Estados Unidos at iba pang bansa)
  • Marso 21
    • Bagong Taong Baha'i (Kalendaryong Baha'i)
    • Noruz, Bagong Araw (Kalendaryong Zoroastrianismo)
  • Marso 24 - Rama Navami (Kalendaryong Hindu)
  • Marso 28
  • Marso 30 - Unang araw ng Passover, Feast of Unleavened Bread (7 araw, Kalendaryong Hudyo)

Abril

  • Abril 1
  • Abril 2 - Biyernes Santo (Paggunitang Kristiyano)
  • Abril 3 - Sabado de Gloria (Paggunitang Kristiyano)
  • Abril 4 - Pasko ng Pagkabuhay (Paggunitang Kristiyano, ipinagdiriwang ng mga Simbahang Kristiyano sa Kanluran) Pascha (Ortodoks)
  • Abril 7 - World Health Day, anibersaryo ng pagkakatatag ng World Health Organization.
  • Abril 14 - Vaisakhi, paggunita sa pagkasilang ni Khalsa (Kalendaryong Sikh)
  • Abril 22 - World Earth Day

Mayo

  • Mayo 1 - May Day
  • Mayo 8 - V-E (Liberation) Day, Paggunita sa wakas ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig Sa Europa
  • Mayo 9 - Araw ng mga Ina
  • Mayo 13 - Ascension Day (Paggunitang Kristiyano at Ortodoks)
  • Mayo 19 - Unang araw ng Shavuot, Hebrew Pentecost; or Feast of Weeks, or of Harvest, or of First Fruits. (Kalendaryong Hudyo)
  • Mayo 23
    • Pentecost ((Paggunitang Kristiyano, ipinagdiriwang ng mga Simbahang Kristiyano sa Kanluran at Ortodoks)
    • Declaration of the Bab (Kalendaryong Baha'i)
  • Mayo 29 - Ascension of Baha Ullah (Kalendaryong Baha'i)
  • Mayo 30 - Trinity Sunday (Paggunitang Kristiyano)

Hunyo

  • Hunyo 3 - Corpus Christi (Paggunitang Kristiyano)
  • Hunyo 16 - Kamatayan bilang isang martir ni Guru Arjan Dev Sahib (Kalendaryong Sikh)
  • Hunyo 20 - Araw ng mga Ama
  • Hunyo 27 (Huling Linggo ng Hunyo) - International Gay and Lesbian Pride Day

Agosto

  • Agosto 11 - Unang araw ng buwan ng Ramadan (Kalendaryong Islam)

Setyembre

  • Setyembre 9 (8-10) - Unang araw ng Rosh Hashanah, Bagong Taon ng mga Hudyo (Kalendaryong Hudyo)
  • Setyembre 10 - Eid ul-Fitr; Katapusan ng buwan ng Ramadan (Kalendaryong Islam)
  • Setyembre 18 (17-18) - Yom Kippur, Day of Atonement (Kalendaryong Hudyo)
  • Setyembre 22 - Pista ng Buwan (Kalendaryong Intsik)
  • Setyembre 23 - Unang araw ng Sukkot, Feast of Tabernacles, or of the Ingathering (7 araw, Kalendaryong Hudyo)
  • Setyembre 30 - Shemini Atzeret, Assembly of the Eighth Day (Kalendaryong Hudyo)

Oktubre

  • Oktubre 8 - Navaratri (Kalendaryong Hindu)
  • Oktubre 31 - Halloween

Nobyembre

  • Nobyembre 1 - Araw ng mga Patay (Paggunitang Kristiyano)
  • Nobyembre 5 - Diwali (Hindu), Mahavira Nirvana (Jain), o Bandi Chhor Divas (Sikh) (Isang pagdidiriwang ng mga Hindu, Jain at Sikh)
  • Nobyembre 12 - Kaarawan ni Baha Ullah (Kalendaryong Baha'i)
  • Nobyembre 15
    • Eid al-Adha, Pista ng Pag-aalay (Kalendaryong Islam, hanggang ika-16)
    • Shinchi-go-san no hi o 7-5-3 Day (Paggunitang Hapon)
  • Nobyembre 21 - Kaarawan ni Guru Nanak Dev Sahib (Kalendaryong Sikh)
  • Nobyembre 24 - Kamatayan bilang isang martir ni Guru Tegh Bahadur Sahib (Kalendaryong Sikh)
  • Nobyembre 28 - Unang Linggo ng Adbiyento (Paggunitang Kristiyano)

Disyembre

  • Disyembre 2 - Unang araw ng Hanukkah, Festival of Lights (8 araw, Kalendaryong Hudyo)
  • Disyembre 7 - Unang araw ng buwan ng Muharram, Bagong Taon ng mga Muslim (Kalendaryong Islam)
  • Disyembre 12 - Birhen ng Guadalupe
  • Disyembre 25 - Araw ng Pasko (Paggunitang Kristiyano)
  • Disyembre 31- Bisperas ng Bagong Taon

Mga Paggunita sa Ibang Bansa[baguhin | baguhin ang batayan]

Sa Estados Unidos, mayroong sampung pederal na pista na itinakda ng kanilang batas. Apat dito ay itinakda sa petsa (Araw ng Bagong Taon, Araw ng Kalayaan [Hunyo 4], Veterans Day [Nobyembre 11], at Araw ng Pasko). Ang iba pa ay itinakda sa araw ng sanlinggo at buwan: Mga kaarawan nina Martin Luther King, Jr. [Enero 18] at Pangulong George Washington [Pebrero 22], Memorial Day [Mayo 31], Araw ng Paggawa [Setyembre 6], Araw ni Christopher Columbus [Oktubre 11], at Thanksgiving [Nobyembre 25]. Ipinagdiriwang din sa bansa sa 2010 ang mga sumusunod (Tingnan din ang unang bahagi ng Mayoryang mga publikong mga pista

  • Mga paggunitang Islam at Hudyo.
  • Hunyo 14 - Flag Day (unang ginugunita sa Pennsylvania)
  • Nobyembre 2 - Araw ng Halalan (ilang estado sa Estados Unidos)
  • Disyembre 26 - Unang Araw ng Kwanzaa (7 araw, paggunitang Afican-American)
  • Enero 20 - Inauguration Day

Canada

  • Mayo 25 - Paggunita sa Kaarawan ni Reyna Victoria
  • Hulyo 1 - Araw ng Canada
  • Setyembre 6 (Unang Lunes ng Setyembre) - Araw ng Paggawa
  • Oktubre 11 - Thanksgiving Day

Mehiko

  • Mayo 5 - Cinco de Mayo (Mehiko, ipinagdiriwang din sa Estados Unidos)
  • Setyembre 16 - Araw ng Kalayaan

Mga Bansa sa Pasipiko

Hapon

  • Pebrero 11 - National Foundation Day
  • Abril 29 - Green Day
  • Agosto 6 - Araw ng Hiroshima
  • Setyembre 15 - Respect-for-the-Aged Day

Europa

  • Marso 25 - Araw ng Kalayaan (Gresya)

Tsina

  • Abril 5 - Qingming, Pagpupuri sa mga patay.

Timog Korea

  • Agosto (full moon day of 8th lunar month) - Chusok, pista ng pag-aani

Daylight Saving Time (piling mga bansa) - mula Marso 14 hanggang Disyembre 7

Mga Panahon para sa Hilagang Hating-globo, 2010[baguhin | baguhin ang batayan]

  • Vernal Equinox: Marso 20, 1:32 P.M. EDT (17:32 UT*), Pumapasok ang araw sa tanda ng Aries; simula ng tagsibol.
  • Summer Solstice: Hunyo 21, 7:28 AM EDT (11:28 UT*), Pumapasok ang araw sa tanda ng Cancer; simula ng tag-init.
  • Autumnal Equinox: Setyembre 22, 11:09 P.M. EDT (03:09 UT*), Pumapasok ang araw sa tanda ng Libra; simula ng taglagas.
  • Winter Solstice: Disyembre 21, 6:38 PM EST (23:38 UT*), Pumapasok ang araw sa tanda ng Capricorn; simula ng taglamig.

*Universal time (UT), na kilala rin bilang Greenwich mean time (GMT).

Sa bansang Hapon, Ipinagdiriwang ang mga sumusunodː

  • Vernal Equinox Day, Marso 21-22
  • Autumnal Equinox Day: Setyembre 23-24, bilang papuri as kanilang mga ninuno

2010 sa Iba Pang Kalendaryo[baguhin | baguhin ang batayan]

  • Kalendaryong Gregoryanoː 2010; MMX
  • Kalendaryong Islamː A.H. 1431-1432
  • Kalendaryong Hinduː
    • Vikram Samvatː 2066–2067
    • Shaka Samvatː 1932–1933
    • Kali Yugaː 5111–5112
  • Kalendaryong Sikh (Nanaksashi)ː 542
  • Kalendaryong Tsinoː 4707-4708
  • Kalendaryong Buddhistaː 2554
  • Kalendaryong Haponː Heisei 22
  • Kalendaryong Baha'iː 166-167

Talasanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. "Yemen (2004 – first combat deaths)" Project Ploughshares. Mayo 2016. Hinango Agosto 31, 2016.
  2. "Yemen announces cease-fire with rebels" CNN.com. Pebrero 12, 2010. Hinango Agosto 31, 2016.
  3. "Yemen’s Government Agrees to a Cease-Fire With Rebel Forces" The New York Times. Pebrero 11, 2010. Hinango Agosto 31, 2016.
  4. "Thailand’s 2010 Red Shirt Protests and the Government Crackdown" HRW. Mayo 3, 2011. Hinango Agosto 31, 2016.
  5. "Bangkok like war zone as military cracks down on protesters" CNN.com. Mayo 20, 2010. Hinango Agosto 31, 2016.
  6. "Thailand protests: crackdown against redshirts - as it happened" The Guardian. Mayo 19, 2010. Hinango Agosto 31, 2016.
  7. "On Bangkok's Bloody Streets, a Crackdown Breaks Protests" TIME. Mayo 19, 2010. Hinango Agosto 31, 2016.
  8. "Edgar Valdez captured" Daily Mail Online. Setyembre 1, 2010. Hinango Agosto 31, 2016.
  9. "U.S. Student Became Mexican Drug Kingpin" The New York Times. Setyembre 8, 2010. Hinango Agosto 31, 2016.
  10. "French police frustrated by new strike blockades" BBC News. Oktubre 20, 2010. Hinango Agosto 31, 2016.
  11. "Huge marijuana seizure in Mexico" The Guardian. Oktubre 19, 2010. Hinango Agosto 31, 2016.
  12. "Spending Review 2010: George Osborne wields the axe" BBC News. Oktubre 20, 2010. Hinango Agosto 31, 2016.
  13. "Baghdad War Diary" WikiLeaks.
  14. "US embassy cables leak sparks global diplomatic crisis" The Guardian. Nobyembre 28, 2010. Hinango Agosto 31, 2016.
  15. Death toll from Chile earthquake toll jumps to 708
  16. "Strong 6.9 quake jolts Baja California, Mexico". Yahoo.com. 2010-04-04. Sininop mula sa orihinal na pahina noong 2010-04-07. http://web.archive.org/web/20100407225203/news.yahoo.com/s/nm/20100404/us_nm/us_quake_mexico. Hinango noong 2010-04-04. 
  17. "'Designing Women' star Dixie Carter dies at age 70" EW.com. Abril 10, 2010. Hinango Setyembre 2, 2016.
  18. "Elizabeth Lindley Post, Etiquette Author, Successor to Emily Post, Dies at 89" PR Newswire. Abril 25, 2010. Hinango Agosto 31, 2016.
  19. "Rue McClanahan, Actress and Golden Girl, Dies at 76". The New York Times. Hunyo 3, 2010. Hinango Agosto 31, 2016.
  20. "Vernon Baker Biography." Infoplease.
  21. "Former Sen. Ted Stevens dies in plane crash" NBC News. Agosto 10, 2010. Hinango Setyembre 2, 2016.



Taon Ang lathalaing ito na tungkol sa Taon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.