Ang M [malaking anyo] o m [maliit na anyo] (makabagong bigkas: /em/, makalumang bigkas: /ma/) ay ang ikalabing-tatlong titik ng alpabetong Romano. Ito rin ang panlabing-tatlong titik sa modernong alpabetong Tagalog. Ito ang pangsampung titik sa dating abakadang Tagalog.[1]
Ang sumasagisag sa tunog ng titik na M (bigkas: /ma/) sa sinaunang baybayin o alibata ng Pilipinas.