Pasismo

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Ang Pasismo (mula sa Italyanong fascismo na binibigkas na [fa·shíz·mo]), kapag malaking titik, ay ang dating awtoritaryang kilusang politikal na namayani sa Italya mula 1922 hanggang 1943 sa ilalim ng pamumuno ni Benito Mussolini. Kumalat sa buong Europa ang mga katulad na kilusang pampolitika sa pagitang ng Unang Digmaang Pandaigdig at Ikalawang Digmaang Pandaigdig at kinuha ang mga ilang anyo ng Nazismo at pasismong klerikal. Pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ginagamit sa pangkalahatan ang neopasismo upang isalarawan ang mga kilusan na may nakitang katangian ng pagiging pasista.

Iniuri ang pasismo sa pamamagitan ng mga pagsubok ng estado na ipataw ang pagpipigil sa lahat ng aspeto ng buhay. Maraming iskolar na binibilang ang pasismo na bahagi ng, o kasama sa koalisyon, sukdulang makakanan na politika. Ngunit di matapos ang debate at argumento ng mga nasa akademya sa kahulugan ng pasismo. Malinaw na may elemento ng parehong kaliwa at kanang ideolohiya ang pagsulong na Pasismo.

Pinahaba ang kahulugan ng makabagong kolokyal na gamit ng salita sa mga katagang pasismo at neopasismo na tumutukoy sa kahit anong totalitaryong pananaw sa kahit na anong uri ng ideolohiyang pampolitika, bagaman nalulungkot ang mga iskolar dito. Ginagamit minsan ang salitang "pasista" sa isang hiperbolikong dagnay na pampolitika.

Bilang sistemang pampolitika, tumuturing ito sa isang sistemang nagtatampok, pumupuri, dumarakila, nag-aangat ng antas o uri, o nagpapatingkad ng nasyon at lahi o lipi, na hindi nagpapahintulot ng pagkalaban o oposisyon, at nagpapanatili ng pagtaban o kontrol sa lahat ng mga aspeto ng mga buhay ng mga mamamayan ng bansang nasa ilalim ng ganitong sistema.[1]

Nagmula ang salitang "pasismo" sa salitang Italyo na fascio, na ibig sabihin ay "bigkis", na parang sa politika o militanteng grupo o sa isang bansa, ngunit nagmula din sa fasces (mga baras na binigkis sa palibot ng palakol), na naging simbolo ng lumang Roma sa awtoridad ng mga mahistrado. Nakilala ang Italyanong 'Fascisti' bilang Mga Itim na Baro para sa istilo ng uniporme na nilalagay sa itim na baro (Tingnan din: kulay pampolitika).

Kadalasang nasa kapital na "P" ang Pasismong Italyano, dahil ito ang magulang ng pangkalahatang pasismo (maliit na "p"). Tinuturing na modelo ng ibang anyo ng pasismo ang Italyanong Pasismo, sa kabila noon mayroon pa ring di pagsangayon sa kung anong aspeto ng kayarian, taktika, kultura at ideolohiya ang kinakatawan ng "pinakamababang pasista".

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. "Fascism". Hammond Quick & Easy Notebook Reference Atlas & Webster Dictionary. Hammond, ISBN 0843709227. , pahina 56.