Panghimagas

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Ang panghimagas, matamis, o minatamis (Ingles: dessert) ay karaniwang matamis na putahe na nagtatapos sa pagkain ng pananghalian o ng hapunan. Ang pagkain na bumubuo sa putahe o kurso ay kinabibilangan ng, ngunit hindi hanggang dito lamang, ng mga pagkain matatamis. Mayroong isang malawak na kasamu't sarian ng mga panghimagas na maaaring kabilangan ng mga keyk (mamon), mga cookie, mga biskuwit, mga pastelerya, mga sorbetes, mga pastel )[[empanada), mga puding at mga kendi. Ang mga prutas ay karaniwan ding natatagpuan sa mga putahe ng panghimagas dahil sa likas na katamisan ng mga ito. Maraming mga kultura ang mayroong pansarili nilang mga kakaibang anyo ng kahalintulad na mga panghimagas sa buong mundo, katulad ng sa Rusya na ang maraming mga pagkaing pang-agahan na katulad ng blint, oladi, a] syrniki ay maaaring isilbi na mayroong pulut-pukyutan at halea upang maging mga panghimagas. Ang hindi mahigpit na kahulugan ng "putaheng panghimagas" ay maaaring ilapat sa maraming mga pagkain.[1] Sa ilang mga bansa, ang mga keso na katulad ng kesong Brie at prutas ay inihahain bilang panghimagas. Ang ilang mga panghimagas ay napapalamutian (nadedekorasyunan), katulad ng mga keyk na pangkaarawan. Ang iba naman ay payak, katulad ng pudding. Maraming mga panghimagas ang hinuhurno (niluluto sa loob ng isang hurnuhan). Mayroon namang ibang mga panghimagas na isinsilbing mayroong binating krema bilang pamatong. Kung minsan ang panghimagas ay tinatawag ding pamutat na may kahulugang "panggilid na pagkain" o "pagkaing palamuti" na kasama ng nakaplatong pangunahing pagkain o putahe.

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. Delp, Valorie. "History of Desserts". Love to Know Gourmet. Love to Know Corp.. http://gourmet.lovetoknow.com/History_of_Desserts. Hinango noong 18 Oktubre 2012. 


Pagkain Ang lathalaing ito na tungkol sa Pagkain ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.