Mabuhay!
|
|
Ang Wikibooks ay isang ambagang proyekto sa pagkagawa ng isang koleksyon ng mga libre at malayang-kontentong pang-araling aklat na pwede mong baguhin. Nagsimula ang proyektong ito noong Hulyo 25, 2006. Sa kasalukuyan, mayroong 793 mga pahinang na nasa wikang Tagalog. Pwede kang mag-eksperimento sa sandbox at mag-bisita ng aming Kapihan upang matingnan kung paano ka pwedeng lumahok sa pagsulong ng Wikibooks. |
|
Mga bagong aklat
|
Kasalukuyang mayroong tatlong aklat at ilang daang pahinang nalathala sa wikibooks.
Dahil bago lang ang Wikibooks na ito, mayroon nang mga proyekto para sa pagsulong ng proyektong ito:
- Mag-ambag ng bagong kaalaman o magsimula ng bagong pahina o aklat
- Magbago ng artikulo o aklat (pagbabaybay, pagaayos ng balarila, donasyon)
- Magpalawig ng mga stub
|
|
|
Napiling aklat
Ang Florante at Laura [flo'ran̪t̪ɛ 'at 'laʊra] ay isang aklat na isinulat sa awit ni Francisco Balagtas. Ito ay nangangahulugang ang mga taludtod nito ay naglalaman ng 12 pantig, habang ang mga saknong naman nito ay naglalaman ng 4 na taludtod. Nagsisimula ang salaysay nito mula sa isang binatang naghihirap na nakagapos sa isang puno ng higera, hanggang sa isang masayang pagtatapos at pagkamatay ng Konde Adolfo, ang pangunahing kontrabida sa salaysay.
Ang awit ay pinanahon sa bandang ika-15 siglo, ang panahon ng pananakop ng Imperyong Otomano sa Kaharian ng Albanya. At isa sa mga katangian nito ang paggamit ng mga makalumang salita sa Tagalog, at ang pag-aalis ng letrang "i" sa ilang mga pandiwa, paghihiwalay ng pang-akop mula sa inaangkupan nitong mga salita, at pagdaragdag ng mga salitang karaniwang hindi ginagagamit, katulad ng dagdag na pantangi, upang upang mapagkasya sa 12 pantig.
|