Ang alkimiya ay isang sinaunang mala-agham na may elemento ng kimika, pisika, astrolohiya, sining, semiotika, metalurhiya, medisina, mistisismo, at relihiyon. Tatlo ang pangunahing layunin ng maraming alkimiko. Isa sa pinakakilala rito ay ang layuning makagawa ng ginto o ng pilak mula sa ano mang karaniwang metal sa pamamagitan ng transmutasyon (pagbabagong-anyo). Sinubukan din nilang gumawa ng isang tanging gamot na makapagpapagaling sa lahat ng sakit at magpapahaba ng buhay. Isa rito ay ang paggamit ng bato ng pilosopo. Ang maalamat na batong ito, na maaaring ring pulbos o likido, ay may katangian daw gawin ang dalawang nasabi. Ang paglalang ng buhay ng tao ang ikatlong layunin nito. Sinasabing ang alkimiya ang siyang pinagmulan ng makabagong agham ng kimika bago ang pormulasasyon ng makaagham na pamamaraan. Ang salitang alkimiya ay mula sa salitang Arabe na al-kīmiya o al-khīmiya (الكيمياء or الخيمياء), na maaring binuo mula sa pantukoy na al- at salitang Griyegong khumeia (χυμεία) na may kahulugang "humubog", "maghinang", "humulma" at iba pa (mula sa khumatos, "na siyang ibinuhos, isang kinapal na metal"). Ang isa pang sinasabing pinagmulan ng salitang Arabeng al-kīmiya ay ang kahulugang literal nito na "agham ng Ehipto" na galing sa salitang Coptico na kēme. Ang salitang Coptico ay galing naman sa salitang Demotico kmỉ, na galing naman sa lumang Ehipsyong salitang kmt na tumutukoy sa bansa o kulay na "itim".
Si Napoleon I, na ipinanganak bilang Napoleone di Buonaparte at nakikilala rin bilang Napoleon Bonaparte (15 Agosto 1769 - 5 Mayo 1821), ay ang unang emperador ng Unang Imperyong Pranses ng Pransiya, ang unang hari ng Italya, ang tagapamagitan ng Kumpederasyong Suwiso at unang tagapagtanggol ng Kumpederasyon sa Rhine. Ang kanyang mga nagawa ay nagdulot ng napakalaking pagbabago sa politika ng Europa sa ika-19 na siglo.
Kinoronahan bilang Miss Universe ang kinatawan ng Pilipinas na si Pia Wurtzbach sa ika-64 na edisyon ng patimpalak, dahilan upang siya ang maging ikatlong Pilipinang nanalo ng nasabing titulo.