Robotiks

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Ang Robotiks ay ang sanga ng inhenyeriyang mekanikal, inhenyeriyang elektrikal, at aghan pangkompyuter na may kaugnayan sa pagdi-disenyo, pagbuo, pagpapatakbo, at pag-gamit ng mga robot, kabilang narin ang pangkompyuter na sistema para sa kanilang kontrol, pagresponde, at pagpo-proseso ng impormasyon.

Ang mga teknolohiyang ito ay may kaugnayan sa mga makinang automatic na maaaring pumalit sa posisyon ng tao sa mga delikadong kapaligiran maging sa pagma-manupaktura ng ilang mga bagay o hindi kaya'y gayahin ang hitsura, pag-uugali maging ang pag-iisip ng isang tao. Karamihan sa mga robot ng kasalukuyang panahon ay nilika hango sa iba't ibang aspeto ng kalikasan na nag-aambag sa larangan ng bio-inspired na robotiks.

Ang konsepto ng pagbuo ng mga makinang kayang kumilos nang mag-isa ay nagsimula pa noong panahong klasikal, ngunit ang pananaliksik sa kagalingan at posibleng mga gamit ng mga robot ay umusbong lamang sa umpisa ng ika dalawampung siglo.