Pagkain

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Pagkain at inumin)
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Tungkol sa pagkain na isang sustansiya ang artikulong ito. Tingnan ang pagkain (aktibidad) para sa impormasyon tungkol sa pagkain bilang isang aktibidad.

Ang pagkain ay anumang sustansiya na karaniwang kinakain o iniinom ng mga may buhay na organismo. Kabilang sa katagang pagkain ang mga likido na inumin. Isa sa mga pangunahing pinagkukunan ng enerhiya at ng nutrisyon para sa mga hayop, at karaniwan galing ito sa mga ibang hayop o halaman. Agham ng pagkain ang tawag sa pag-aaral ng pagkain. Ang World Food Day ay ipinagdiriwang taon-taon tuwing Oktubre 16.

Kahulugan ayon sa batas[baguhin | baguhin ang batayan]

Sa batas ng pagkain sa Kanlurang mundo, mayroong kinikilalang apat na kategorya na bagay bilang pagkain:

  • kahit anong sustansiya o produkto, kahit na prinoseso, bahagdan lamang prinoseso, o hindi prinoseso, inakala, o inaasahan na kainin ng tao kahit na may nutrisyunal na halaga o wala.
  • tubig at ibang mga inumin
  • nginunguyang gum



Pagkain Ang lathalaing ito na tungkol sa Pagkain ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.