Ehipto
Republika Arabo ng Ehipto
جمهورية مصر العربية (Arabe)
Ǧumhūriyyat Miṣr al-ʿArabiyyah |
||||||
---|---|---|---|---|---|---|
|
||||||
Pambansang Awit:
Aking bansa, aking bansa, aking bansa |
||||||
Kabisera (at pinakamalaking lungsod) |
Cairo 30°2′N 31°13′E / 30.033°N 31.217°E |
|||||
Opisyal na wika | Arabo[1] [a] | |||||
Pangkat etniko | 99% Ehipto 0.9% Nubiyano 0.1% Griyego |
|||||
Pangalang- turing |
Taga-Ehipto | |||||
Pamahalaan | Republikang Unitaryong semi-presidensyal |
|||||
- | Pangulo | Abdel Fattah el-Sisi | ||||
- | Punong Ministro | Ibrahim Mahlab | ||||
Pagkakatatag | ||||||
- | Pormal na Kasanrinlan mula sa Imperyo ng Ottoman | 1867 | ||||
- | Wakas ng protektorado ng Britanya | Pebrero 28 1922 | ||||
- | Pagdeklara ng Republika | Hunyo 18 1953 | ||||
- | Araw ng Rebolusyon | Hulyo 23 1952 | ||||
- | Kasalukuyang Konstitusyon | Enero 18, 2014 | ||||
Lawak | ||||||
- | Kabuuan | 1,002,450 km2 (30th) 387,048 sq mi |
||||
- | Katubigan (%) | 0.632 | ||||
Populasyon | ||||||
- | Pagtataya ng Setyembre, 2010 | 79,089,650 | ||||
- | Senso ng 2006 | 76,699,427 | ||||
- | Kakapalan | 82.3/km2 (120th) 214.4/sq mi |
||||
KGK (KLP) | Pagtataya ng 2010 | |||||
- | Kabuuan | $496.604 billion[2] | ||||
- | Per capita | $6,347[2] | ||||
KGK (nominal) | Pagtataya ng 2010 | |||||
- | Kabuuan | $215.845 billion[2] | ||||
- | Per capita | $2,758[2] | ||||
Gini (1999–00) | 34.5 (medium) | |||||
TKT (2010) | 0.620[3] (medium) (101st) | |||||
Salipi | Egyptian pound (EGP ) |
|||||
Pook ng oras | EET (UTC+2) | |||||
- | Tag-araw (DST) | EEST (UTC+3) | ||||
Nagmamaneho sa | right | |||||
Internet TLD | .eg, مصر. | |||||
Kodigong pantawag | +20 | |||||
^ a. Arabic is the official language;[1] spoken languages & varieties are: Egyptian Arabic, Sa'idi Arabic, Eastern Egyptian Bedawi Arabic, Sudanese Arabic, Domari, Nobiin, Beja & Siwi. Main taught foreign languages are English, French, German & Italian. ^ b.Currently de facto Head of state and Head of government |
Ang Republikang Arabo ng Ehipto[4], (Arabo: جمهوريّة مصرالعربيّة, Ǧumhuriyat Misr al-ˁArabiyah; internasyunal: Arab Republic of Egypt) karaniwang kilala bilang Ehipto (Arabo: مصر, Misr o Masr sa dyalektong Ehipsiyo; internasyonal: Egypt), ay isang republika sa hilagang-silangang Aprika at maliit na bahagi ng timog-kanlurang Asya.
May sukat na 1,020,000 km², hinahanggan ang Egypt ng Libya sa kanluran, Dagat Mediterraneo sa hilaga, Israel sa hilagang-silangan, Dagat Pula sa silangan, at Sudan sa timog.
Ang Ehipto ang pinaka-mataong bansa sa Aprika at sa Gitnang Silangan. Nakatira ang karamihan ng mga 76 milyong katao ng Ehipto sa hindi hihigit sa isang kilometro ang layo mula sa pampang nga Ilog Nile (mga 40,000 km²), kung saan dito lamang matatagpuan ang lupang agrikultural na maaaring mapagtatamnan ng halaman. Ang disyerto ng Sahara ang malalaking bahagi ng lupa nito at madalang lamang ang may nakatira. Sa kasalukuyan, nasa urban ang karamihan ng mga taga-Ehipto, nakatira sa mga matataong lugar katulad ng Cairo, ang pinakamalaking lungsod sa Aprika, at Alexandria.
Lubos na kilala ang Ehipto sa kanyang sinaunang kabihasnan at ilang sa mga nakakamanghang lumang bantayog, kabilang ang Mga Piramide ng Giza, ang Templo ng Karnak at ang Lambak ng mga Hari; naglalaman ang katimogang lungsod ng Luxor ng isang malaking bilang ng mga lumang artifact. Ngayon, malawak na itinuturing ang Ehipto bilang isang pangunahing politikal at kultural na sentro ng Arabo at Gitnang Silangang mga rehiyon.
Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]
tite
- ↑ 1.0 1.1 Ayon sa Artikulo lg. 2 ng Konstitusyon ng Ehipto: “Ang Islam ay ang Relihiyon ng Estado. Arabo ay ang opisyal na wika, at ang Sharia ay ang pangunahing pinagmulan ng pagsasabatas.”
- ↑ 2.0 2.1 2.2 2.3 "Egypt". International Monetary Fund. http://www.imf.org/external/pubs/ft/weo/2010/01/weodata/weorept.aspx?sy=2007&ey=2010&scsm=1&ssd=1&sort=country&ds=.&br=1&c=469&s=NGDPD%2CNGDPDPC%2CPPPGDP%2CPPPPC%2CLP&grp=0&a=&pr.x=75&pr.y=6. Hinango noong 2010-04-21.
- ↑ "Human Development Report 2010". United Nations. 2010. http://hdr.undp.org/en/media/HDR_2010_EN_Table1.pdf. Hinango noong 5 Nobyembre 2010.
- ↑ "Ehipto". English, Leo James. Tagalog-English Dictionary (Talahulugang Tagalog-Ingles). 1990.
May kaugnay na midya ang Wikimedia Commons ukol sa artikulong: |
|
|
|