Napiling artikulo
Ang MariMar ay isang Pilipinong palabas na ipinalabas sa GMA Network noong Agosto 13, 2007 hanggang Marso 14, 2008 na pinagbibidahan nina Marian Rivera bilang MariMar, Dingdong Dantes bilang Sergio Santibañez, at Katrina Halili bilang Angelika Santibañez. Isinagawa ito ng GMA Network sa Pilipinas mula sa orihinal na palabas sa Mehiko na may kaparehong pamagat, ngunit may mga pagbabago sa balangkas. Pinagbidahan nina Thalía at Eduardo Capetillo ang naunang serye, na isa ring muling pagsasagawa ng seryeng LaVeganza, na nagmula din sa TeleVisa. Ang orihinal na MariMar mula sa Mexico ay ipinalabas noong taong 1997 sa RPN. Ito ay mabilis na tinangkilik ng mga Pilipino, at nagkaroon ng antas na umabot hanggang 50%. Ang seryeng ito ng Mehiko ang nagbigay kay Thalía ng kasikatan sa Pilipinas upang tangkilikin muli ng mga Pilipino ang iba pa niyang palabas tulad ng Maria Mercedes, Maria La del Barrio, at Rosalinda na umabot sa 75% na grado, na sinasabing pinakamataas na grado ng palabas sa Pilipinas. Sa unang gabing ipinalabas ang MariMar noong Agosto 13, 2007, nakakuha ng mataas na marka ang palabas na mayroong 36.6% (ayon sa pagsusuri sa Kalakhang Maynila). Matapos ang isang buwan, noong Setyembre 13, 2007, nakakuha ito ng 39.3% na marka, lagpas sa 38.3% nakuha nila sa unang linggo. Noong Oktubre 5, 2007, nakuha na nila ang 40% marka. Noong Oktubre 26, 2007, nakuha naman nila ang 44.6% marka sa Kalakhang Maynila. Noong Nobyembre 19, 2007, nakuha na nila ang 49.5% marka, malapit sa markang 50% nakuha ng Mehikanong telenobelang MariMar ni Thalía.
Napiling larawan
Si Napoleon I, na ipinanganak bilang Napoleone di Buonaparte at nakikilala rin bilang Napoleon Bonaparte (15 Agosto 1769 - 5 Mayo 1821), ay ang unang emperador ng Unang Imperyong Pranses ng Pransiya, ang unang hari ng Italya, ang tagapamagitan ng Kumpederasyong Suwiso at unang tagapagtanggol ng Kumpederasyon sa Rhine. Ang kanyang mga nagawa ay nagdulot ng napakalaking pagbabago sa politika ng Europa sa ika-19 na siglo.
May-akda ng larawan: Jacques-Louis David
|
Mga kasalukuyang pangyayari
- Pumanaw sa edad na 74 ang tanyag na boksingero at pilantropong si Muhammad Ali.
- Sa isinagawang halalang pampanguluhan sa Pilipinas, nanguna at kinalauna'y ipinroklama si Rodrigo Duterte (nakalarawan) bilang ika-16 na Pangulo ng Pilipinas.
- Inanunsiyo ng Pandaigdigang Organisasyon sa Kalusugan na nagtapos na ang epidemyang birus na Ebola sa kanlurang bahagi ng kontinenteng Aprika.
- Si German Moreno, isang tanyag na aktor, tagapaglibang, komedyante at punong-abala sa telebisyon, ay binawian ng buhay sa edad na 82.
- Isinagawa ng Hilagang Korea ang kanilang ikaapat na pagsubok ng nukleyar na sinasabi nilang ginamitan ng idrohinong bomba.
- Kinoronahan bilang Miss Universe ang kinatawan ng Pilipinas na si Pia Wurtzbach sa ika-64 na edisyon ng patimpalak, dahilan upang siya ang maging ikatlong Pilipinang nanalo ng nasabing titulo.
- Natuklasan ang mga bahagi ng napinsalang barkong pandigmang Hapones na Musashi sa Dagat Sibuyan sa Romblon.
- Mga pumanaw sa taong ito: Miriam Defensor–Santiago (29 Setyembre), Shimon Peres (28 Setyembre), Joy Viado (10 Setyembre), Phyllis Schlafly (5 Setyembre), Islam Karimov (2 Setyembre)
Alam ba ninyo
Mula sa mga pinakabagong artikulo ng Wikipedia:
- ... na si Tim Cone ay kilalang gumagamit ng estilong tatsulok na opensa sa larong basketbol?
- ... na ang sakit na Ebola ay isang karamdaman na dulot ng isang birus (nakalarawan)?
- ... na ang alkohol na amyl ay isa sa 8 mga alkohol na may pormulang C5H11OH?
- ... na ang alkali ay ang matubig na solusyon na mayroong halaga ng pH na mahigit sa pito?
- ... na ang organismong aerobiko ay mga mikrobyo na nabubuhay, namamalagi at lumalaki sa isang kapaligirang may oksiheno?
- ... na ang epinephrine at ang adrenalin ay iisang hormone lamang?
- ... na si Scott Bradlee ay isang piyanistang kumpositor na lumikha ng mga bidyong sumikat at lumaganap sa YouTube?
|