eBay
Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Ang eBay ay ang website na nag-uugnay sa mga mamimili at mga tindero. Ang paraan ng pagtitinda ay kadalasang sa paraang batilyar o auction. Nag-uumpisa ang batilyar sa eBay sa pamamagitan ng paglilista (listing) ng produkto at sinusundan naman ng pagpapataasan ng hirit o bid ng mga mamimili. Ang may pinakamataas na hirit ay siyang magwawagi at magkakaroon ng karapatang bumili sa nasabing produkto.
Mga kawing panlabas[baguhin | baguhin ang batayan]
Ang lathalaing ito na tungkol sa Internet at Kompyuter ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.