Napiling artikulo
Si Ariadna Thalía Sodi Miranda Mottola, higit na kilala bilang Thalía lamang, ay isang mang-aawit at aktres mula sa Mehikong nagantimpalaan ng Latin Grammy. Isa siya sa mga kilalang aktres sa telebisyon, at nakapagbenta ng halos 20 milyong album sa buong mundo. Nang namatay ang kanyang ama sa sakit na diyabetis, nang siya ay limang taon pa lamang, si Thalía ay hindi man lamang nakapagnigkas ng kahit isang salita nang isang taon. Nag-alala ang kanyang pamilya sa kanyang katayuan, na naging dahilan sa pagpapatingin sa kanya sa isang sikologo. Idolo niya si Nadia Comaneci, isang sikat na himnasta. Kaya si Thalía ay nag-ambisyong maging isang gymnast. Maraming nakakapagsabing mayroong alitan sina Thalía at Paulina Rubio, ang dating kasamahan ni Thalía noong sila ay miyembro pa ng grupong Timbiriche. Nagsimula ang kwentong ito nang ang dalawa ay, hindi umano, nag-away bago magsimula ang isang pagtatanghal, ito raw ay dahil masyadong maganda raw si Thalía kaysa kay Paulinang nagdulot naman ng pagkainggit niya kay Thalía. Nagtambal sina Thalía at Eduardo Capetillo, isang dating miyembro ng Timbiriche, sa telenobelang Marimar. Habang namatay naman ang kanyang nobyong dapat papakasalan niya nang si Alfredo Díaz Ordaz, ang gumawa ng una niyang dalawang album, noong Disyembre 16, 1993. Ito ang naging dahilan sa paghiwalay ni Thalía sa Timbiriche, at pagiging malayo sa balitang ito noong panahon ng Marimar.
Napiling larawan
Si Napoleon I, na ipinanganak bilang Napoleone di Buonaparte at nakikilala rin bilang Napoleon Bonaparte (15 Agosto 1769 - 5 Mayo 1821), ay ang unang emperador ng Unang Imperyong Pranses ng Pransiya, ang unang hari ng Italya, ang tagapamagitan ng Kumpederasyong Suwiso at unang tagapagtanggol ng Kumpederasyon sa Rhine. Ang kanyang mga nagawa ay nagdulot ng napakalaking pagbabago sa politika ng Europa sa ika-19 na siglo.
May-akda ng larawan: Jacques-Louis David
|
Mga kasalukuyang pangyayari
- Pumanaw sa edad na 74 ang tanyag na boksingero at pilantropong si Muhammad Ali.
- Sa isinagawang halalang pampanguluhan sa Pilipinas, nanguna at kinalauna'y ipinroklama si Rodrigo Duterte (nakalarawan) bilang ika-16 na Pangulo ng Pilipinas.
- Inanunsiyo ng Pandaigdigang Organisasyon sa Kalusugan na nagtapos na ang epidemyang birus na Ebola sa kanlurang bahagi ng kontinenteng Aprika.
- Si German Moreno, isang tanyag na aktor, tagapaglibang, komedyante at punong-abala sa telebisyon, ay binawian ng buhay sa edad na 82.
- Isinagawa ng Hilagang Korea ang kanilang ikaapat na pagsubok ng nukleyar na sinasabi nilang ginamitan ng idrohinong bomba.
- Kinoronahan bilang Miss Universe ang kinatawan ng Pilipinas na si Pia Wurtzbach sa ika-64 na edisyon ng patimpalak, dahilan upang siya ang maging ikatlong Pilipinang nanalo ng nasabing titulo.
- Natuklasan ang mga bahagi ng napinsalang barkong pandigmang Hapones na Musashi sa Dagat Sibuyan sa Romblon.
- Mga pumanaw sa taong ito: Renato Corona (29 Abril), Banharn Silpa-archa (23 Abril), Antonio Cabangon-Chua (11 Marso), Jovito Salonga (10 Marso), Francis Pasion (6 Marso)
Alam ba ninyo
Mula sa mga pinakabagong artikulo ng Wikipedia:
- ... na si Tim Cone ay kilalang gumagamit ng estilong tatsulok na opensa sa larong basketbol?
- ... na ang sakit na Ebola ay isang karamdaman na dulot ng isang birus (nakalarawan)?
- ... na ang alkohol na amyl ay isa sa 8 mga alkohol na may pormulang C5H11OH?
- ... na ang alkali ay ang matubig na solusyon na mayroong halaga ng pH na mahigit sa pito?
- ... na ang organismong aerobiko ay mga mikrobyo na nabubuhay, namamalagi at lumalaki sa isang kapaligirang may oksiheno?
- ... na ang epinephrine at ang adrenalin ay iisang hormone lamang?
- ... na si Scott Bradlee ay isang piyanistang kumpositor na lumikha ng mga bidyong sumikat at lumaganap sa YouTube?
|