Londres

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Para sa ibang gamit, tingnan ang London (paglilinaw).
London

Ang Londres, Kalakhang Londres o London[1] ay ang de facto na kabisera ng Inglatera at ng UK. Nakatayo ito sa Ilog Thames sa timog silangan Gran Britanya, mahigit-kumulang dalawang milenyo nang isang mahalagang paninirahan. Ang London sa kasalukuyan ang isa sa mga pinakamahahalagang sentrong pangkalakalan, finance, at pangkultura,[2] at ang impluwensiya nito sa politika, edukasyon, libangan, midiya, fasyon, at sining ay lahat nag-aambag sa status nito bilang isa sa mga pangunahing pandaigdigang lungsod. Itinatag ito ng mga Romano, at pinangalan nilang Londinium.[5]Ang ancient core ng London na Lungsod ng London ay nananatili pa rin sa 1.12-square-mile (2.9 km2) na hangganang medyebal nito at noong 2011 nagkaroon ito ng resident population na 7,375, dahilan para maging pinakamaliit na lungsod sa Inglatera.

Bilang kabisera[baguhin | baguhin ang batayan]

'Di tulad ng ibang mga kabisera, ang status ng London bilang kapital ng Reino Unido ay hindi magpakailanmang iginawad o pinagtibay nang opisyal—pabatas man o sa anyong nakasulat. Ang katayuan nito bilang kabisera ay naitatag lámang sa pamamagitan ng kumbensiyon o kinagawian, ginagawa ang katayuan nito bilang de facto na kapital bahagi ng di-sulat na saligang batas ng UK.

Tingnan din[baguhin | baguhin ang batayan]

Talasanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. "London, Londres, ulung-bayan o kabisera/capital ng Inglatera/England". English, Leo James. Tagalog-English Dictionary (Talahulugang Tagalog-Ingles). 1990. 
  2. Z/Yen Limited (Nobyembre 2005). "The Competitive Position of London as a Global Financial Centre" (PDF). CityOfLondon.gov.uk. http://www.cityoflondon.gov.uk/NR/rdonlyres/131B4294-698B-4FAF-9758-080CCE86A36C/0/BC_RS_compposition_FR.pdf. Hinango noong 2006-09-17. 



Inglatera Ang lathalaing ito na tungkol sa Inglatera ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.