Makasaysayang pagpapatrol sa EDSA Shrine
*Bahagi ng
OBB (opening billboard) at logo ng
TV Patrol, 1991-1993
*Patikim at link sa mga pagbabalita ng TV Patrol sa
EDSA Shrine (I-click ang video para mapanood nang buo):
(1-2)
EDSA Dos, dalawang bahagi (Enero 19,
2001)
Erap, nanawagan ng snap elections sa huling gabi ng EDSA Dos
Matapos pigilin ng
Senado ang pagbukas ng ikalawang sobre na ebidensiya sana sa impeachment trial ni Pangulong
Joseph Estrada, libu-libo ang dumagsa sa EDSA Shrine bilang protesta.
Sa loob ng 4 na araw, mauulit ang
People Power ng
1986, at hahantong itong muli sa isang palitan ng kapangyarihan.
Sa huling gabi ng tinaguriang EDSA Dos, sunud-sunod ang mga biglaang pangyayari na sumabay sa special coverage ng TV Patrol.
Pinutol ang live report ni
Karen Davila sa
Ortigas flyover ng live press conference ng pagbitiw ni
Philippine National Police NCR Director Edgar Aglipay, na binantayan ni reporter
Ronald Estella.
Nang umagang iyon nag-atras na ng suporta kay Estrada sina
Defense Secretary Orlando Mercado,
Armed Forces Chief of Staff Gen. Angelo Reyes, at ilang heneral.
Kasabay ng pagbitiw ni Aglipay, nagpakita si Estrada sa telebisyon upang manawagan ng snap elections
kung saan hindi siya tatakbo.
EDSA Dos: Lacson, nag-atras ng suporta kay Estrada
Sa pagpatuloy ng coverage ng TV Patrol ng EDSA Dos, ilang miyembro ng oposisyon na kinapanayam sa EDSA Shrine ang bumira sa pagtawag ni Pangulong Joseph Estrada ng snap elections sa gitna ng mga protesta laban dito.
Alma nina Sen.
Sergio Osmeña III at
Albay Rep.
Edcel Lagman, unconstitutional ito at may opisyal pa namang kasunod sa line of succession.
Sunod namang nagbitiw sa administrasyon si Philippine National Police
Chief Panfilo Lacson, na hinatid nang live sa TV Patrol.
Matapos ang mga breaking news na ito, natuloy din ang live na ulat ni Karen Davila mula sa Ortigas flyover ng reaksyon ng mga raliyista sa mensahe ni Estrada.
(3)
EDSA Tres (Abril 26, 2001)
Estrada supporters dumagsa sa
EDSA pagkaaresto sa kanya
Tatlong buwan matapos mapatalsik sa puwesto si Pangulong Joseph Estrada, inaresto naman siya dahil sa kasong plunder.
Sinalubong ito ng libu-libong galit na supporter ni Erap na nagpalipas ng gabi sa EDSA Shrine bilang protesta. Isang pagbabaligtad ng nagawa ng EDSA Dos ang nais nilang gawin--maibalik sa pagkapangulo si Erap.
Sa ikalawang araw ng vigil, binigyan ng bird's eye view ang mga manonood ng TV Patrol sa pamamagitan ng
Sky Patrol na naghatid ng mga live na kuha sa lugar. Iniulat ni
Ricky Velasco ang lagay ng trapikong naapektuhan dahil sa mga protesta.
Live naman mula sa EDSA, pinulsuhan ni
Doris Bigornia ang sentimyento ng mga Erap loyalists, na nagsabing hindi patas ang pakikitungo sa kanila ng mga awtoridad at ng media.
Inulat ni
Ces Drilon ang pahayag ng
El Shaddai na tumangging may kinalaman ito sa mga protesta.
Ilang mga kandidato sa napipintong halalan 2001 at ilang artista na sumusuporta kay Erap ang humarap din sa mga raliyista noong magdamag. Sinundan naman ito ni Jing Castañeda.
In-upload ang video na ito bilang bahagi ng ika-25 anibersaryo ng TV Patrol.