Ang global warming ba ang sinasabing papatay sa lahat ng mga nilalang sa mundo?
Ang global warming ba ang sinasabing papatay sa lahat ng mga nilalang sa mundo? Alamin ang sagot ni
Bro. Eli Soriano ayon sa Biblia.
SAGOT:
Alam ninyo, ang global warming na sinasabi ng siyentipiko is caused by too much carbon dioxide in the atmosphere. It is caused by too much carbon dioxide and pollutants in the atmosphere. Mayroon pong bahagi ng global warming na sinasabi sa Biblia, pero hindi ang global warming lang ang pinaka-final na papatay sa mga tao sa lupa. Mayroon pong sinasabi sa Biblia, na magkakaroon ng warming talaga sa earth. Basahin natin,
Sister Luz, ang
Apocalipsis 16:9 –
APOCALIPSIS 16:9
ANG DATING BIBLIA
At nangasunog ang mga tao sa matinding init: at sila'y namusong sa pangalan ng
Dios na may kapangyarihan sa mga salot na ito; at hindi sila nangagsisi upang siya'y luwalhatiin.
Mayroong matinding init na mararanasan ang mga taong masasama. I hope hindi kami kasali roon.
Kasi ang mga tunay na lingkod ng Dios, ang mga
Cristiano, bago maranasan iyan ay aalisin muna ng Dios dito sa lupa. Pag dumating ang matinding init sa mundo, ang mga tao ay mamumusong sa Dios, mumurahin nila ang Panginoon at hindi sila magsisisi sa kanilang mga kasalanan.
Kaya, they will be heading to destruction. Mayroon pong ganiyang sentido sa Biblia, na makakaranas ang mundo ng matinding init.
Pero hindi po iyan ang tanging mararanasan ng tao sa mundo. Kasi, mayroon pong iba’t ibang epekto ang global warming.
Kung sinasabi man nating global warming, akala natin ay mag-iinit. Hindi po. Mayroon namang mamamatay sa lamig. Kasi, ang global warming po ay tumutunaw ng naka-stock na yelo sa
North and South pole of the earth. Kaya ngayon, mayroong mga lugar na napakalamig. Mayroong mga tinatawag na cold wave. Mayroon namang tinatawag na heat wave. It is because of global warming. Magkakaroon din po ng pagtaas ang mga dagat. Kaya ang mga low lying areas of the earth, kagaya halimbawa ng
Holland, nanganganib iyan na kapag natunaw na nang natunaw ang mga yelo because of global warming. Natunaw ang mga yelo natin sa North and South pole, eh ang mangyayari po ay maraming mga parte ng mundo ay lulubog, ang mga mababa.
Isa sa mga alam kong pinakamababa ay ang Holland. Ang ibig lang pong sabihin, maraming epekto ang global warming. At marami pong mamamatay na tao sa iba’t ibang epekto ng global warming. Kagaya nga halimbawa ng pollution, kapatid. Ang pollution na iyan na nanggaling sa ating mga pinapakawalang
CFC, ang chlorofluorocarbon, galing sa refrigerator, galing sa mga air-conditioner ng sasakyan, ng mga bahay. Pag nasisira, naaalis ang Freon, tumatakas iyon. Bawat isang molecules ng CFC, nakakasira ng
100,
000 molecule ng ozone. Kaya nga ngayon po ang ating ozone layer of the atmosphere of the earth ay may butas na po sa may
Antarctica.
Ang ibig sabihin, talagang there are those who have practically destroyed the atmosphere, not only the earth, but the immediate atmosphere of the earth is being destroyed by some humans. Siguro, mayroon na rin tayong kasalanan doon, ang pagkakatapon-tapon natin ng mga plastic, sisindihan ang mga plastic.
Sindi nang sindi ng mga
kung anu-anong mga sinisidihan natin, ang mga fossil fuels na iyan. Iyan po ang nagpaparami ng carbon dioxide sa ating atmosphere. Iyan po ang nagpapasira ng ating ozone layer at saka nag-i-introduce ng global warming. Ito pong lahat ng ito, kapatid, ay nakasulat sa Biblia.
Pero hindi ang epekto lang ng global warming, kagaya ng paniwala ng iba ay ang maiinit. Hindi po. Magkakaroon po ng extremes in temperature: cold and hot. Magkakaroon po niyan sa buong mundo. At nararanasan na po sa ibang parte ng mundo ngayon ang mga extremes in temperature. Mayroon nang mga abnormal extremes ngayon sa iba’t ibang panig ng mundo.
Dito lang po sa kinalalagyan ko ngayon. Sinasabi nila rito, na hindi naman daw talagang ganito rito. Dapat daw pagpasok ng November ay summer na dito. Ang sinasabi ng mga tao rito, parang abnormal na, hindi na kagaya ng dati, sabi ng matatanda.
Lahat po ng mga iyan ay nasa Biblia, kapatid. Kaya ako ay naniniwala sa Biblia, sapagka’t inihula ng Biblia iyan, na darating ang lahat ng mga ito, magko-cause ng mga salot, magko-cause ng mga sakit. Kasi alam ninyo, ang mga mikrobiyo, ang mga virus, ang mga bacteria, nagta-thrive din iyan depende sa mga weather conditions. Kaya ngayon ay mapapansin ninyo, may mga salot sa iba’t ibang panig ng mundo.
Nasa klima rin iyan kung minsan, ang pag growth ng viruses at bacteria. Kaya may kasunod ang mga extreme temperatures, may kasunod po iyan na mga salot. Lahat po ng mga iyan ay nasa Biblia.
Proving that the word of God is true.