Usec
Rolando Recomono "Tanim
Bala" explanation
Information for all our kababayan
..
Giniit nitong Miyerkules ni
Secretary Joseph Emilio Abaya ng
Department of Transportation and Communications na ang isyu ng umano'y laglag-bala sa
NAIA at ilang airports sa bansa ay pinalaki lamang ng husto o "blown out of proportion.”
Sa isang press conference, sinabi ni
Abaya na 0.004 porsyento lamang ang mga may kasong nahulihan na may dalang bala sa kabuuang 53.3 milyong airline passengers na dumadaan sa mga airport sa bansa noong nakaraang taon.
Sa kabuuang 53.5 milyon, 24.2 milyon ang dumadaan sa pamamagitan ng
Ninoy Aquino International Airport (NAIA) complex.
“It appears cases have been blown out of proportion,” ayon kay Abaya.
Ayon sa mga ulat sa media: 1,394 na mga kaso ang naitala noong
2015; 1,
813 in 2014; 2,184 in
2013; at 1,
214 in
2012.
Hinarap ni Abaya, kasama sina
Manila International Airport Authority (
MIAA)
General Manager Jose Angel Honrado,
Office for
Transportation Undersecretary (
OTS)
Administrator Rolando Recomono, at
Philippine National Police-Aviation
Security Group (PNP-ASG)
Director Francisco Balagtas ang media sa isang pulong-balitaan sa NAIA.
Ayon kay Abaya, binabalanse ng pamahalaan ang pagtugon sa seguridad ng mga pasahero at ang pagpataas ng mababang moral ng airport personnel sa paghahanap ng solusyon sa tinatawag ng "laglag bala modus."
“It is incumbent upon us to look into the allegations and to make a determination of what actually happened. We cannot let these incidents slide. At stake is the safety and
peace of mind of each and every
Filipino,” ayon kay Abaya.
Binigyang-pansin ni Abaya ang dalawang kaso
kung saan inamin ng dalawang pasahero na aksidenteng nadala nila ang bala na nakumpiska mula sa kanila sa loob ng NAIA.
Gayunpaman, sinabi niyang iniimbestigahan na ng
DOTC ang mga alegasyon na sinasadya ng airport personnel ang pagtanim ng bala sa mga bag nga mga pasahero upang makapangutong sa mga biktima.
Aniya, “We’re trying to balance three priorities:
1) the response of the government to ensure security of people brought about by terrorism and illegal activities;
2) our bosses' rights are not trampled upon and not taken advantage of; [but]
3) we cannot simply demonize the people to whom we entrust our safety.”
Ayon naman kay Recomono, ang mga natagpuang bala sa mga bag ng ilang pasahero ay karaniwan lamang na mga pangyayari sa NAIA, na mula pa noong 2008, marami nang naitalang nahulihan na may bala na dala-dala ang ilang pasahero.
Kaya umano may mga ganitong kaso dahil ginagawa ng ilang mga Filipino ang bala bilang “anting-anting” laban sa masasamang espirito. —
LBG,
GMA News
- published: 26 Nov 2015
- views: 213