[Chorus: Jay Durias]
Ang buong akala ko ikaw ang siyang nakalaan
Para sa'kin mga dalangin ko'y pinakinggan
Nagkamali ako sa mga pangako mo
Buong akala ko ikaw ang siyang sa akin ay nakalaan
[Gloc 9]
Minahal na kita nang makita kita
Ang pagtingin ko sayo ay higit sa iba
Kinapalan ang mukha niligawan kita
Kahit ako ay alangan sa mata ng iba
Gabi-gabi ang laman ng dasal ay ikaw
Kahit na anong mangyari ako'y di bumitaw
Sa pangarap na sa tuwing merong gabing maginaw
Ang aking kayakap ay walang iba kungdi ikaw
Kaya't ganun na lamang ang aking saya nung ako ay
Nagpaalam ngunit hinawakan mong aking kamay
At sinabi sa'kin sa hangin parang tinangay
Nang minahal mo ako pwede na kong mamatay
Ako'y nagsikap upang maibigay sa'yo ang langit
Karanyaan sa buhay at mamahaling gamit
Kahit minsa'y nagtatalo sayo'y di kayang magalit
Bawat hakbang palayo ako'y patakbong lumalapit
Upang di magka-agwat ay nagpasobra ng sapat
Ang lahat kinasabwat handa kong gawin ang lahat
Nang ang pag-ibig natin sa isa't-isa'y hindi lumabo
Parang tubig sa baso kahit na putik ang ihalo
[Chorus: Jay Durias]
Ang buong akala ko ikaw ang siyang nakalaan
Para sa'kin mga dalangin ko'y pinakinggan
Nagkamali ako sa mga pangako mo
Buong akala ko ikaw ang siyang sa akin ay nakalaan
[Gloc 9]
Lagi kang ginagabi ang huli kagabi
Madalis na magising wala ka saking tabi
Pero di naman siguro, baka guni-guni ko lamang to
Walang lang to, siya'y may pinapabili
Bagong damit bagong alahas, mahal basta ikaw
Dagdagan mo pa ng prutas, mangga basta hilaw
Sa mumurahing bagoong malalim na sinasawsaw
Kahit tila malansa ang lasa ay ayos lang daw
Ako ay medyo natuwa, di kaya sana naman
Na ang sinapupunan ng aking mahal nagkalaman
Ngunit nag-aalangan di ko mapag-alaman
Huling beses na nagtabi parang ang hirap tandaan
Isang araw ay dinugo halos lahat ay isumpa mo
Di ko lubos maisip, di ko alam kung pano
Unti-unting nagbago dinuduro mo pa ko
Bulungan sa telepono harap-harapan sa mukha ko
Umuwi ng maaga ingay na tagos sa dingding
Huling-huli sa akto sa'kin binaling ang tingin
Hindi na kita mahal sabay hubad ng yong singsing
Ako'y binalot ng galit at nagdilim ang paningin
[Chorus: Jay Durias]
Ang buong akala ko ikaw ang siyang nakalaan
Para sa'kin mga dalangin ko'y pinakinggan
Nagkamali ako sa mga pangako mo
Buong akala ko ikaw ang siyang sa akin ay nakalaan
[Gloc 9]
Ako'y bumunot ng baril na dinala kaya pala
Kahit walang dahilan magagamit ko pala
Parang namamagang singaw, buong dugong nakabara
Lahat ay gustong isigaw ngunit kumalso ang panga
Pinilingan ang mata, tinalian ang kamay
Minartilyo sa paa sige tumakbo kang pilay
Kahit kayo ay mag-ingay, sige todo bigay
Di na rin naman pwedeng maging testigo si Inday
Inunahan ko na siya bago pa mangyari to
Wala kayong kamalay-malay kung gano kagrabe to
Lahat ng galit at pait ay di kayang masabi ko
Sa idudulot kong sakit na nakaka-imbalido
Kasing kulay na ng talong ang mga kutis niyo ngayon
Mga dumudugong kuko na may pakong nakabaon
Buhok niyong ginunting ko ay isinilid ko sa bayong
Sisilaban hanggang magbaga na parang Bulkang Mayon
Lumamig na ang luhang galing sayo at tumilig
Sa kalaguyo mo na mayroong kutsilyo sa dibdib
Daliri ko'y nasa gatilyo sabay subo sa bibig
Lyrics:
Lord You seem so far away
A million miles or more it feels today
And though I haven't lost my faith
I must confess right now
That it's hard for me to pray
But I don't know what to say
And I don't know where to start
But as You give the grace
With all that's in my heart
Chorus:
I will sing I will praise
Even in my darkest hour
Through the sorrow and the pain
I will sing I will praise
Lift my hands to honor You
Because Your Word is true
I will sing
Lord it's hard for me to see
All the thoughts and plans You have for me
But I will put my trust in You
Knowing that You died to set me free
But I don't know what to say
And I don't know where to start
But as You give grace
With all that's in my heart
(Mangarap ka)
Kung ikaw ay mangangarap
Mangarap ng mataas
Kung isang suntok na lamang ay pinakamalakas
(Sayo'y magtiwala ka)
(Mangarap ka)
Kung ikaw ay mangangarap
Mangarap ng mataas
Kung isang suntok na lamang ay pinakamalakas
Hndi ko alam ang gagawin sa susunod na kanta ko
Parang wala akong maisip sa pang apat na CD ko
Kahit medyo nalilito, sige susubukan ko
Uy, salamat nga pala sana hindi pirata 'to
Alas dos ng umaga ngayon ako'y nag iisa
Pang anim, pito, o walo nang natapos na kanta
Dito sa album na tatawagin kong matrikula
Alam kong magtatanong ka kaya sasabihin ko na
Hindi ito pamabayad sa eskwela upang makapag aral
Ito'y pambayad sa buhay parang mabigat na bakal,
Na pasan pasan kung tawagin natin ay pagsubok
Para bang naka akda hanggang sa huling tuldok
Mga tula na ang tawag ko ay sagot sa panalangin
Ang salita'y alam ko na kahit na hindi ko isipin
Parang may nagbubulong na isang makatang anghel
Sakay na sa bansang puro banyaga ang laman
Pati ang laman ng utak ng mga walang pakialam
At ang sakayang ito'y parang bansang hindi pantay-pantay
May nakaupo ng maluwag at may halos malaglag na ang bayag
Nakikipagsiksikan sa bungad
Sa pag-abot ng pamasahe ay tamad
At ang mga bagong sakay ay sa dulo mapadpad
pa'no ngayon tayo uunlad?
Bumabagal
Umusog ka kung nais mong magtagal
O baka di na maabutan ang iyong kaarawan
Sasakay ka ba sa bansang halos walang patutunguhan?
Sapagkat ang mga nagmamaneho'y interesado sa pamasahe mo lang
Kaya't bumaba ka na hangga't gising ka pa
Baka lumagpas sa'n ka pa mapunta
Nakanamp* dahan-dahan!
'Di ko makita ang dinadaanan para pumara
Marahil ay iniisip nyo kung anong klaseng awitin ang inyong maririnig
Mga kakaibang awiting hango sa buhay ng isang tao na kung tawagin ay si GLOC 9
Lalalalala..
Nagsimula ang lahat ng aking hawakan
Ang lapis at papel
Ako si Aristotle
Sang estudyante na tulad lang ng iba
Walang magarang gamit o pera
Ganun lang talaga ang buhay
Ngunit nang ako'y nagsimulang tumula
Ang lahat ay nabigla
Ako ang nasa gitna
At nalaman ko ang landas na aking dapat tahakin
Sinimula kong hanapin ang buhay na para sakin
Ngunit di naging madali ang napili kong kapitan
Parang sumakay ng bus na siksikan sa may Dapitan
Puno ng pawis at luha
Ang sakin ay bumababa
At natatabunan pilitin ko mang bumangon
Di naglaon ay puno na ng latay aking likod
Parang nasa mikroponong lumalakad ng paluhod
Pero di ako nagpatalo
Kahit ano pang sabihin ng mga tao
Di naman nakakilala sakin eh!
Sakin ay makinig ng inyong malaman
Ang bawat nilalaman ng aking isipan
Sakin ay makinig ng inyong malaman
Lalalalala...
Di nyo alam kung ano ba ang pinagdaanan ni GLOC
Masahol pa sa kalsadang na punungpuno ng lubak
Umiiyak habang patuloy na nanalangin
Sumulat pa ng sumulat pinilit paring aralin
Ng sa ngayon ay may makapansin saking boses
Na parang binanggit mo ang pangalan ni Gaby Lopez (patay)
Di naglaon ay parang unti-unting nararating
Ako'y biniyayaan ng dalawang buhay kong hiling
Ngayon ay wala ng makakapigil
Ako ay nanggigigil
Gusto mong magrap
Ako ang titser at ikaw ang pupil
Tama na ang pagalingan
Tama na ang paligsahan
Eto ang album ko
May bago kang pag-aaralan
Sino ang amo mo
Sabihin sa kanya to
Di uubra lahat ang /uhugin/ na liriko
Sa aking mga kaibigan
Ako'y nagpapasalamat
Lagi nyong isipin na hindi masama ang mangarap
Sakin ay makinig ng inyong malaman
Ang bawat nilalaman ng aking isipan
Sakin ay makinig ng inyong malaman
Lalalalala...
Sakin ay makinig ng inyong malaman
Ang bawat nilalaman ng aking isipan
Sakin ay makinig ng inyong malaman
Lalalalala...
Lalalalala
Lalalalala
Lalalalala
Haha
[Featuring: Gab Chee Kee of Parokya ni Edgar]
[Gab Chee Kee:]
Mula nang makilala ka di na ako nakawala
Saan saan ng dumaan hindi pa rin kita natatakasan
Kahit saan ang magpunta parang ikaw ang nakikita
At kung ako'y mapatingin bigla na lang naglalaho
Na parang hangin
[Chorus: Gab Chee Kee]
Lagi kitang daladala
Kahit nasan ka ngayon sa bawat pagkakataon
Iniisip pa rin kita
Kahit nasaan ka pa lagi kitang daladala
[Gloc-9]
Ikaw ang lagi kong kasama kahit saan pumunta
Kahit saan makarating kung nandun ako narun ka
Sa may Quiapo sa Lawton papunta ng Luneta
Naglalakad sa Roxas Boulevard sa may kuneta
Astro Dome dire-diretso sa may Baclaran
Sa simbahan tuhod ang gamit-gamit sa nilakaran
Na sahig pagkatapos sumakay ng bus na medyo
Siksikan at mainit pamaypay lang ang remedyo
Mama para sa tabi bababa na po kami
Bumili ng malamig kasi nauhaw na kami
Habang kami nag-aabang sa ilalim ng Alabang
Ang tanghalian ay manggang sinawsaw lang sa alamang
Dinaanan ang Sucat pagkatapos Bicutan
Biglang may sumigaw na babae sabi nadukutan
Kahit anong gawin nyo basta okay lang ako
Kasi kasama ko lagi ang pinakamamahal ko
[Chorus: Gab Chee Kee]
[Gloc-9]
Nang sumapit ang gabi dumaan sa may Ayala
Gusto mo maghapunan? Sige mayamaya na
Ituro mo lang sa akin kung meron ka nang napili
Sa Greenbelt o Glorietta gamitin mo ang 'yong daliri
Bakit wala kang kibo galit ka pa rin ba sa akin?
May liham ako sa'yo eto subukan mong basahin
Sa loob ng MRT kasi ang traffic sa EDSA
Makakaupo ka rin pagdating sa Araneta
Bumaba sa Quezon Ave., uy may shooting sa flyover
Paborito mong artista na palaging nasa cover
Wala ka bang makita kasi ang daming tao
Sige halika dito may naisip akong plano
Kumapit ka lang sa akin wag na wag kang bibitaw
Teka medyo mataas wag na wag kang sisigaw
Kahit anong gawing nyo basta okay lang ako
Kasi kasama ko dito ang pinakamamahal ko
[Chorus: Gab Chee Kee]
[Gloc-9]
Nakita na nila ako kasalan mo kasi
Ako'y pinagpalit nahuli kita nung isang gabi
Napa-aga ang pagdating at sa butas ng dingding
Aking nalaman na ang iyong budhi ay maitim
Parang sugat na may asin mahal bakit mo naatim
Ako'y niloko, tinoyo, tinoyo naging malagim
Wag mo nang isipin yon dahil di na siya babalik
Di na rin gigising yon kahit pa sa isang halik
Di na tayo maglalayo hindi na maghihiwalay
Dahil kalahati ng aking buhay ay nasa yong kamay
Patawarin mo ako kung sinaktan man kita
Pero matapos ang lahat ay hinagkan naman kita
Halika sumama ka sa'kin sabay tayong tatalon
Hindi ka ba naiinitan sa loob ng pantalon
Di ka sa'kin mawawala kahit na sinong pumusta
Kasama ng isang singsing ikaw ay nasa aking bulsa kaya
Mula pa noong pagkabata ako ang syang kinukutsa sa tambayan ng mayayabang at my laman ang bulsa habang ang mga katulad ko'y pinipilit na makaahon laging laman ng mga tawanan kailan ba makakabangon sa mga panghuhusga na kanilang mga mata pinilit kong hindi lumuha sa harapan ng iba ginamit ang mga pangil at kahit yan ang sinapit ay di ko mapapayagan tuluyan akong malait at maubusan ng lupang aking pwedeng tapakan aking pwedeng lakaran aking pwedeng tamnan ng mga binhing sa kalaunan ay aking pwedeng maani at aking pwedeng masabi minsan ako ay naghari sa palasyo ng pangarap na aking inaasam walang nakahadlang kahit na my pasan pasan sa bawat letrang sinulat halika ikay sumama sa kapirasong papel na tinuturing kong diploma.
[Chorus:]
Ako si Gloc-9 taga binangonan rizal isang makatang maririnig sa kahit sa saang lugar at kahit di nkatapos ng pag aaral halika ang tula kong eto ay tinuturing kung diploma
Chorus:
Kung maibabalik ko lang ang takbo ng panahon
Kung ang matatanaw ko ay ang hinahanap sa paglingon
Kung maibabalik ko lang ang takbo ng panahon
Sasabihin ko na minamahal kita
Nahukay ang pantay na lupa
Nagalisan ang mga tao
Tumigil ang iyakan na di kailangan ng kabaong
At mga ilaw na may sindi kahit tanghaling tapat
Talulot ng mga bulaklak sa sahig kalat kalat
Sinoli sa funeraria ang hiniram na bentilador
Sinabing di na namin kailangan ng embalsamador
Tumigil ang pagdurugo naghilom ang mga sugat
Ang mga nayuping bakal ay dahan dahang naunat
Walang naulat na nasawi o kahit nasaktan
Lumabas sa ospital na saki'y pinagdalhan
At sa loob ng sasakyan sa kalsada'y walang sagabal
Ang dating mabilis na takbo ng kotse'y bumagal
Alam ko ako'y galit bakit ngayon ay huminahon
Pilit kong tinatandaan anong nangyari kahapon
Dumating ako sa amin walang tao sa labas
Nang biglang ang nakasarang pintuan ay bumukas
Chorus:
Kung maibabalik ko lang ang takbo ng panahon
Kung ang matatanaw ko ay ang hinahanap sa paglingon
Kung maibabalik ko lang ang takbo ng panahon
Sasabihin ko na minamahal kita
Pumasok sa loob ng bahay ngunit bakit ang tahimik
Iba ang pakiramdam parang ako'y nananaginip
Nang aking nakita kinilabutan ako'y napapikit
Umiikot ang segundo sa relo ng pabalik
Lumapit ang aking anak kumapit sa aking kamay
At sinabi sakin buti bumalik ka itay
Kawawa naman si inay nasa kwarto walang kasama
Lumakad at pinuntahan ko ang aking asawa
Nakalupagi sa sahig matay namumugto
Hindi ko malilimutan ang mga sumunod na yugto
Mga nagkabasag basag na salamin ay nabuo
At umaagos na luha sa kanyang matay natuyo
Bakit hindi kumikibo di naman nagbibiro
Ako'y kanyang minasdan tingi'y hindi lumiliko
Bigla kong naalala ang sigawan at ang tulakan
Parang balong puno ng tubig lahat ay natandaan
Chorus:
Kung maibabalik ko lang ang takbo ng panahon
Kung ang matatanaw ko ay ang hinahanap sa paglingon
Kung maibabalik ko lang ang takbo ng panahon
Sasabihin ko na minamahal kita
Alas kwatro ng madaling araw ay umuwing lasing
Dinadaan daanan lang kita't hindi pinapansin
Hindi mo na kayang tiisin parang mata na may puwing
Nang ako'y iyong tanungin aking paningin ay nag dilim
Parang malapot na dura ang lumabas na salita
Aking sagot sa iyong tanong ay kumikirot na pasa
Ako'y lumabas tumakas maangas ang pagmumukha
Na parang ahas matalas ang malas kapag tumuka
Halos wala nakong buhay nang ako'y datnan sa ospital
Gusto lo lang malaman mo kung pwede lang mangumpisal
Paano magumpisa aminin bawat isa
Pagtalikod sa pangako natin sa isa't isa
Sating pag sasama ika'y aking isinantabi
Ngunit sa kabila ng lahat ika'y nasaking tabi
Mahirap o madali, umaga man o gabi
Ang ako'y napagsilbihan hindi ka nagmamadali
Alam kong lahat ng nagawa ko sa iyo'y kabaliktaran
Ng tunay kong naramdaman para sa iyo nasayang lang
Nais ko mang malaman mo ngunit lahat ay huli na
Bago masabi ako'y nalagutan ng hininga
Chorus:
Kung maibabalik ko lang ang takbo ng panahon
Kung ang matatanaw ko ay ang hinahanap sa paglingon
Kung maibabalik ko lang ang takbo ng panahon
Sasabihin ko na minamahal kita
Chorus:
Kung nagkataon hanggang leeg mo'y baon
Iisa-isahin ko sa'yo mga mali mong baon
Malalaman ng iba na puro angas ka lang
Buti na lang hindi ako mayabang
Buti na lang hindi ako mayabang
Verse 1:
Kasi sabi ng aking Itay anak ko pang magyayabang
Wag mong buhatin ang bag ko kahit medyo magaan
Di pa napipisa ang itlog ay wag kang magbilang
Wag mong ibenta ng mahal kung ang timpla ay matabang
Wag kang magmamagaling kung hindi ka magaling
Wag mong doblehin ang pera mo kung hindi ka duling
Kasi halata naman at napapag-alaman
Kapag binuksan ang tinapay manipis ang palaman
Mas mabuti pang iba ang siyang nakakapuna
Sa huling mong ginawa wala pang nakakabura
Ikaw ay nakakaburaot para kang kulangot
Na mahirap dukutin kasi medyo malamot
Sige ipagpalagay natin na ikaw ay nakakaangat
Puro mamahalin ang dumadampi sa 'yong balat
Kailangang bang ipagkalat sumigaw hanggang sa mamalat
Kahit magulang mo lang ang nagbigay sa 'yo ng lahat lahat
Chorus:
Kung nagkataon hanggang leeg mo'y baon
Iisa-isahin ko sa'yo mga mali mong baon
Malalaman ng iba na puro angas ka lang
Buti na lang hindi ako mayabang
Buti na lang hindi ako mayabang
Verse 2:
Sabi ng aking Inay wag mong tawanan ang pilay
Wala kang karapatang magalit kung hindi ka nagbigay
Sa mga namamalimos, mga naghihikahos
Paggising ay trabaho hindi pa naghihilamos
Teka mali hilamos para maiayos
Wala kang tsinelas pano magkakasapatos
Wag mong ipagmalaki na ika'y pinangaralan
Alam naman natin na kalaban mo'y dalawa lang
Ilang taon ang dumaan lahat ay pinag-abang
Ibaba mo ang 'yong kamay bakit laging nakaharang (Representing South Side)
Masorpresa mga bato sa baybati
Sa kapitbahay niya doon sa monumento
Malabo pa sa tveng sira ang antennae nakagiba
Ayos lang namang suutin ang sombrerong pakabila
Basta't alam mo lang na talampakan mo'y nakasayod sa lupa
Para di ka madulas bago ang alikabok kong lupa
Chorus:
Kung nagkataon hanggang leeg mo'y baon
Iisa-isahin ko sa'yo mga mali mong baon
Malalaman ng iba na puro angas ka lang
Buti na lang hindi ako mayabang
Buti na lang hindi ako mayabang
Verse 3:
Madami akong pera magaling ako na rapper
Ang katropa ko ay ang pinakamatapang na gangster
Nakapila mga chicks pero hindi yong manok
Yong tipong mga sexy at mahahaba ang buhok
Madami ko nang award dala ng aking bodyguard
Hindi umiinom ng beer yung lang mamahaling na heart
Kita mo tong mga bling bling e pero maningning
Mga plakerang album nakasabit sa dingding
Magara aking auto bumabayaw ang cells ko
Hindi ito commercial homie ang the prize to
Madami akong pera magaling ako na rapper
[ Noise: Helicopter & Radio]
Tumalon na po mga kaibigan
Tumanlon na po sya
At kasalukuyan nag kakagulo ngayon dito pareng bushe
Dahil nga sa incidenteng ito
Pero susubukan nating kumuha ng taong makakapanayam
Ah Bot, Bot Live po tayo sa Radio Mo
Anu pong masasabi nyo sa nangyaring ito
Yung yung ng mainlove aku sa iyo
Ha? Nakatayo nga lang ako di eh bumabanat ng rap
Nagulo nalang ako nung nakita ko sya sa daan
Tapos yun, biglang tumalon, teka pwede ba kung bumati?
Ha Hello nga pala dyan sa mga backup rapper ko dyan sa tabitabi
At sa manager, maam asan na po kayo?
Eto na po yung mga kanta ko, Eto nga po yun ehh.
eheh dide, de.
Teka muna, anu bang pangalan mo?
Chorus:
(Francis M./Chito Miranda)
Wag kang mabahala may nagbabantay sa dilim
Nakaabang sa sulok at may hawak na patalim
Di ka hahayaan na muli pang masaktan
Wag ka nang matakot sa dilim
Ito ay kwentong hango na galing sa dalawang taong
Nagmamahalan ng tunay ang ngala'y Elsa at Lando
At kahit parang pagkakataon ay nakakandado
Dahil magkalayo ang uri ng buhay ang estado
Ng buhay ni Lando ay di nalalayo sa marami
Sinunog ng araw ang kulay ng balat at marami
Ng galon ng pawis ang kanyang naidilig sa lupa
Upang ang gutom ay di na masuklian pa ng luha
Habang ang babaeng kanyang minamahal ay sagana
Ngunit kabilang sa pamilya na di alintanang
Makipagkapwa-tao sa mga tulad niyang dukha
Gayon pa ma'y patuloy ang pagmamahal na pinula ng pagibig
Repeat Chorus
Kahit na ano pang bagay ang pilit na ihadlang
Sino man ay walang makakapigil sa paghakbang
Ng mga paa na ang nais ay marating ang ligaya
Niyayang magtanan di nag-atubili na sumama
Hawak ang pangarap at pangako sa isa't isa
Nagpakalayo-layo di namuhay na may kaba
Dahil alam nila na sa bawa't isa'y nakalaan
At ang pagmamahalan tangi nilang sinasandalan
Wala ng ibang bagay pa silang mahihiling
Kundi isang pamilya sa loob ng apat na dingding
At isang bubong na maaaring tawaging tahanan
Bakit may pangit na kabanatang kailangang daanan pa
Repeat Chorus
Isang gabi na Huwebes lumubog na ang araw
Doon tayo magkita pasalubong ko'y siopao
Upang ating paghatian pagdating ng hapunan
Meron palang nakaabang sa amin na kamalasan
Eskinita sa Ermita may sumaksak kay Elsa
Sa tagiliran isang makalawang na lanseta
Ang gamit upang makuha lang ang kanyang pitaka
Kami'y mahirap lamang bakit di na siya naawa
Hindi ko naabutang buhay ang aking mahal
At hanggang sa huling hantungan ay nagdarasal
Bakit po bakit po ang laging lumalabas
Sa 'king bibig palaboy-laboy ni walang landas
Akong sinusunod baliw sa mata ng marami
Siguro nga di ko na kilala aking sarili
Pangala'y taong grasa may patalim na gamit
At ang tanging alam ay isang malungkot na awit
At ang sabi
Repeat Chorus
Lagot ka sa nanay mo
Palo ka na ng tatay mo
Ba't ganyan ang ugali mo
huli ka, wag kang tatakbo
Mga salbahe, hindi kasali
Dun sa langgaman dapat itali
Mga salbahe, hindi kasali
Dun sa langgaman dapat itali
Makinig sa mga kwento na kahit medyo inimbento
Malamang ay yan ang dahilan kung bakit ka nakikinig ng radyo
Mga kapit-bahay ko si Kadyo, ugali niya'y tabingi medyo
Sa umaga'y pabili neto, sabay tungga sa bote ng anyeho
Bakit di pa ikaw ang nadedo, yun pang kapatid mo na si Beto
Na wala nang ginawa kundi kumayod para ang maysakit kumpleto
Di tulad mo na lasenggo, palaging nasa basag-ulo
Ikaw ay suki ng kalaboso, laging nasa punot-gulo
Kadalasan pa ika'y bastos, di ka marunong magkuskos
Isip-bata ka pa sa musmos, mukha ka na parang may luslos
Kelan ka pa magbabago, eh pano ?
Kung wala nang maniwala sa mga nagreklamo
Alam ko ang pwede mong sabihin sa akin ay
wag kang makialam
At ang lahat ng mga nangyayari sa bahay
o buhay mo'y di ko alam
Pero pano ba yan, palaging tandaan
Ito ay kanta ko hindi ba?
Kaya wala ka nang magagawa, narito na ang Tanya Markova
Lagot ka sa nanay mo
Palo ka na ng tatay mo
Ba't ganyan ang ugali mo
huli ka, wag kang tatakbo
Mga salbahe, hindi kasali
Dun sa langgaman dapat itali
Mga salbahe, hindi kasali
Dun sa langgaman dapat itali
Makinig sa mga kwento na kahit medyo inimbento
Malamang ay yan ang dahilan kung bakit ka nakikinig ng radyo
Itong guro ko na masungit, pangalan'y Ginang Buenaofra
Parang ayoko nang pumasok kase kung makatingin ay parang kobra
Pinagiinitan, ginigisa, ako'y animo'y talong na tinorta
Di na nga matapos sa pagsusulit, wala pang makuha na suporta
Pag minamalas ay merong batok, pag napalakas ay parang dagok
Kaliwa man o kahit na kanan, parang 3 points ni Ronnie Magsano
Ang pabaon lagi ay kurot, dapat mataas ang marka sa bunot
Buhok ay sanay na sa pagsabunot kaya noo'y natakot sa pagkakulot
Mawalang galang na po Ma'am, di po ba kayo makaramdam
Sino pong maysabing ang mga pananakit niyo'y
parang kagat lang ng langgam?
Alam mo ba ganito ? Sabihin sa akin ay wag kang makialam.
At ang lahat ng mga nagyayari sa bahay o buhay mo'y di ko alam.
Pero anumang balakid 'yan
Kaya wala ka nang magagawa narito na ang Tanya Markova.
Lagot ka sa nanay mo
Palo ka na ng tatay mo
Ba't ganyan ang ugali mo
huli ka, wag kang tatakbo
Mga salbahe, hindi kasali
Dun sa langgaman dapat itali
Mga salbahe, hindi kasali
Dun sa langgaman dapat itali
Makinig sa mga kwento na kahit medyo inimbento
Malamang ay yan ang dahilan kung bakit ka nakikinig ng radyo
Pinakikilala ko sa inyo kaibigan ko si Onse
Kase palaging may sipon, jumijingle dun sa kahit saang poste
At kahit pa sa edad na dose, madami na siyang nalooban na kotse
Palakad-lakad sa Mabalakad, nilalapitan kahit na sinong proste
Upang makahingi sa'yo ngkahit na konte, akin na bente pesos
kase pambili ng gamot, para dun sa kapatid ko na si Remedios
Pero ang totoo po niyan, para di kumalam ang kaniyang tiyan
Sa tindahan ng semento pagbilan, ng pandikit ng sapatos oh ayan !
E' e' enyelesef . pwede ba tigilan mo na nga yang rugby
Hindi ba tama naman ako sabi nila, tatay mo sakin exactly
Pero alam ko kung anong pweden mong sabihin sa akin
Ay wag kang makialam.
At ang lahat ng mga nagyayari sa bahay o buhay mo'y di ko alam.
Pero anumang balakid 'yan
Kaya wala ka nang magagawa narito na ang Tanya Markova.
Lagot ka sa nanay mo
Palo ka na ng tatay mo
Ba't ganyan ang ugali mo
huli ka, wag kang tatakbo
Mga salbahe, hindi kasali
Dun sa langgaman dapat itali
Mga salbahe, hindi kasali
Tumatakbo papalayo ubos na ang pasensya ko
Di ko alam ang gagawin sa kaliwa o sa kanan
Wala akong mapuntahan nagdidilim ang paningin
Chorus:
Makakayanan ko pa ba
Kailangan kong makawala dito
Verse 1:
Quaker Oats sa umaga may microwave na ensamada
May topping na vanilla ice cream tapos mais na nilaga
Madaming Nido'ng champorado paborito na adobo
Boneless na bangus na daing hot pandesal na merong maling
Chorus:
Makakayanan ko pa ba
Kailangan kong makawala dito
Verse 2:
Tumatayo ang balahibo pinapawisan ang mga balat ko
Medyo mainit ang ulo bumibilis ang paglakad ko
Parang ang lamig ng hangin wag mong itapat sa akin
Kulang na lang ay manalangin sana wag ako'ng abutin
Chorus:
Makakayanan ko pa ba
Kailangan kong makawala dito
Verse 3:
Hihilab ang aking tiyan wala akong matakbuhan
Ang taas pa ng hagdan kailangan ko ng banyuhan
Wag na wag kang lalabas parang nilugaw na bigas
Ibang klase ang antas pag ikaw ang naalingasan
Pag libre ay medyo mabaho pahiram naman po ng tabo
Sana di maraming tao baka kasi mahalata mo
Sana nama'y maayos na puwesto mahirap na ang mabisto
Tato lima o sampung piso depende to sa gagawin mo
Chorus:
Makakayanan ko pa ba
Kailangan kong makawala dito
Tumatakbo papalayo ubos na ang pasensya ko
Di ko alam ang gagawin sa kaliwa o sa kanan
Wala akong mapuntahan nagdidilim ang paningin
Chorus:
Makakayanan ko pa ba
Check this out, yo
(Chorus)
Pag ako ay lumaki ako ay bibili
Ng gitara dahil gusto kong maging isang sikat
Gusto kong maging isang sikat na rock star
Gusto kong maging isang sikat na rap star
Pag ako ay lumaki ako ay bibili
Ng mikropono para ako'y maging isang sikat
Gusto kong maging isang sikat na rock star
Gusto kong maging isang sikat na rap star
Verse 1:
Isang araw nang ako'y tumawag sa telepono
Gamit landline sabi sa 'kin ng kausap ko
Pumunta ka dito sa Las Pinas ngayon na
May pag-uusapan tayong bagay na mahalaga
Bumiyahe ng tatlong oras umuwing nagtataka
Akala ko kung ano masisisante lang pala
Simula noon ay itinaga ko sa bato
Kahit na anong mangyari ay maririnig mo to
Naaalala ko pa 'nun pag namumulot ng buto
Nangangarap ng gising na sa isip kaya ko to
Pero di naging madali isa pa wala kang pera
Parang batuta ang dala na sumugod sa giyera
Ganon talaga ang buhay pero handa kong suungin
Kapag hawak ang mikropono dapat laging sunugin
Itago ang pagkakataon lalo na kung mainit
Handa kong habulin kung sino ako sa panaginip
(Chorus)
Verse 2:
Parang gutom na aso lahat aking papatulan
Kahit na anong kanta lahat ay aking lalatagan
Sumali sa paligsahan ng pagsulat ng kanta
At ang pangsiyam na kalaban ko ay si Jimmy Antipota
Kahit talo kesihoda ang premyo keso de bola
Sako-sakong mga letra baon ko sa kaserola
Sino yon? Gloc 9, yung nag rap ng mabilis
Mukhang pandak sa TV ang boses ay medyo manipis
At ang buhok ay palinis sa'min ni Jose Rizal
Di pantay ang ulo ko kaya di pwedeng semikal
Kinabisadong mga bara kaya medyo kritikal
Hindi tumitigil parang may ininom na ketical
Sumabay ako sa koro ng kulay abo na aso
Binanatan ng bagsakan at masayang sumaludo
Sa mga idolo ng mga idolo
Laging kinakanta kahit di banggitin ang titulo
Pare wag mo kong kulitin alam mo ang aking sagot
Hindi ako ang susunod malapit na kong mayamot
Itanong mo kay sir ely, sir raims, sir chits
Isa lamang ang aking ituturo si sir kiks
Na na na na na na na na...
Chorus:
Wag kang matakot sumayaw
Katawan ay igalaw
Sige sumayaw ka
Kahit na sunod-sunod pang kamalasan ang abutin mo
Wag kang mag-alala limutin ang problema
Wag kang matakot sumayaw
Katawan ay igalaw
Sige sumayaw ka
Gumiling ka lang o gumalaw sa awitin kong ito
Hayaan mo sige sayaw sumigaw ka
Wag kang matakot sumayaw
Wag na wag kang bibitaw
Sadyang ganyan lang ang buhay
Magkumot kung maginaw
Wag kang matakot sumayaw
Katawan ay igalaw
Sige sumayaw ka
Kahit na sunod-sunod pang kamalasan ang abutin
Ganito lamang kasi yan mic check one two
Listen up eto nang pinakabaliw ‘pag dating sa rap
Meron akong sasabihin teka wag kukurap
Alam kong maraming daing na di mo matanggap
Pero bago ka tumalon makinig ka kay Gloc
Pag gising mo sa umaga harap sa salamin
Alam mo siguro kung bakit napapailing
Babaeng niligawan mo na di ka sinagot
Kasi kahit nakangiti mukha kang simangot
Tinangal ka sa trabaho kasi palaging late
Buong buhay mo wala ka pang babaeng nai-date
Pinutulan ka ng ilaw kahit na isa lang
Ang gamit mo sa bahay di uling pa na kalan
Maluwang na mga medyas na may tapal o dikit
Pero masikip ang mga pantalon pati damit
Di mabayaran utang mo sa tindahan
Pero gano'n pa man ok lang yan
Repeat Chorus
Sweldo mo pero naholdap ka
Tinapon mo ticket mo kaso nabunot ka
Marunong kang lumangoy pero nalunod ka
Tumakbo nadapa na pagulong-gulong pa
Naipit ang kamay sa electric fan
Siga pero laging napapagtripan
Pinaliwanag di mo naintindihan
Brownout may kandila di masindihan
Di matext di matawagan ang cellphone mo
Pinapawisan kapag bukas ang aircon mo
Pag tinatanong lagi sagot ay ewan ko
Lagi kang binabatukan ng erpat mo
Di mo na malaman ang iyong gagawin
Bahay na tinitigala'y gigibain
Wala ka nang alam na ibang paraan
Pero gano'n pa man ok lang yan
Repeat Chorus
Yeah say what now
Yeah check it out now
Yeah yo
Yeah haha
Whoo
Bago ko tapusin ang tulang ito 2x
May sasabihin lang ako
May sasabihin lang po
Haha game
C'mon everybody sa akin ay sumabay
Sama-sama sumayaw taas ang mga kamay
Kung maraming iniisip ulo umiinit
Ganyan lamang talaga wag ka nang mabadtrip 4x
Ipagpatawad mo aking kapangahasan
Ang damdamin ko sanay maintindihan
Alam kong kailan lang tayo nagkatagpo
Ngunit parang sayo ayaw ng lumayo
Ipagpatawad mo minahal kita agad
Dika masisi na ako ay pagtakhan
Dina dapat ako pagtiwalaan
Alam kong kailan lang tayo nagkatagpo
Ngunit parang sayo ayaw ng lumayo
Haaaaaaaaaaaaaa
Minahal kita agad
-matagal ko ng gustong sabihin sayo to
Haaaaaaaaaaaaaa
Minahal kita agad
-kahit na ngayon lamang tayo nagkatagpo
Haaaaaaaaaaaaaa
Minahal kita agad
-lagi kong pinapangarap na ikaw ay sumakay
Haaaaaaaaaaaaaa
Minahal kita agad
-sa aking pedikab akoy maghihintay
Ng ikaw ay unang beses kong masilayan
Diko malaman bakit nagkaganito
Inutusan lang naman ako ng aking inay na pumunta ng palenket bumili ng pito pito
Sinigang sa miso
Ang ulam namin sa umaga tanghali hanpunan abutin man ng gabi
Pabalikbalik mang lumakad sa harapan ng inyong tindahan kahit wala akong pera na pangbili
Nilakasan ang loob at nilapitan kita
Baka sakaling pwede kitang maimbita
Kahit di gaanong maayos ang aking suot
Ang polo ko na kulubot
Pagkatapos akoy nagsalita
Mawalang galang na miss
Teka wag kang mabilis
Lumakad yo pwede ba kitang maihatid
Gamit aking pedikab
Na aking pinakintab
Wag ka ng magbayad sana sa akin ay bumilib
Ako ng magdadala ng payong at ng bag mo
Paligi kong pupunasan ang mga libag mo
Kahit di ako ang pinapangarap hinahanap pag kaharap ay palaging binibihag mo
Ang katulad kong maralitang umiibig at pilit na inaabot ang mga bituin
Gano mang kadaming salitang aking ipunin balutin ilihim sabihin ang tangi kong hiling
Makinig ka sana sakin...
Haaaaaaaaaaaaaa
Minahal kita agad
-matagal ko ng gustong sabihin sayo to
Haaaaaaaaaaaaaa
Minahal kita agad
-kahit na ngayon lamang tayo nagkatagpo
Haaaaaaaaaaaaaa
Minahal kita agad
-lagi kong pinapangarap na ikaw ay sumakay
Haaaaaaaaaaaaaa
Minahal kita agad
-ang aking sidecar akoy maghihintay
Halika na saking pedikab girl
Sakin mainlove girl
Ipapadama ko sayo
Habang umaandar aking pedikab girl
Laging sayo lang girl
Pagibig kona ganito
Kahit ano pang iyong gustong gawin
Kapag nababagalan ay kayang kaya ko ng pabilisin
At kahit na ano pang hirap ay diko pansin
Mga daan na matarik ay aking pipidalin
Paligin ikaw ang nilalaman ng aking isipan mapaaraw man oh mapa gabi
Dika dadaaan sa putik kaw lamang nakaukit kahit mapasaisang tabi
Sa pagsikat ng araw inaabangan kana
Makita lamang ang iyong mga magandang mata
Palagi ko dinadalangin kahit di mapa sakin ay lagi kong sinasabi na mahal kita
Pero ang buhay ay talagang napakapait
Di pwedeng sumabay ang tag ulan sa tag init
Bakit laging minamaliit
Diko pwedeng makamit ang katulad mo pilitin komang dumikit
Pasensya kana sa wallet ko na manipis
Sa mumurahing pabango na dimo matiis
At kung talagang di pwede sabihin molang sa akin asahang hinding hindi ako maiinis
Di yata dapat ginawa to'
Parang delikado
Ang mahalaga'y maririnig ng mga tao
Hindi ko pipigilin
Hindi na sisilipin
Kahit na takpan aking bibig ay aking sasabihin
Sasabihin, sasabihin, sasabihin, sasabihin
Pwedeng tao, pwedeng hayop,
Sino kaya ang tinutukoy ko?
Parang tao, parang hayop
Sino kaya ang tinutukoy ko?
Malamang ang ibinoto mo'y kurako' tao
N'ang kanyang likod ang ginagawang harap
Tutungtong sa entablado at makikiharap
Dumudura ng mga kasinungalingang masarap pakinggan
na parang awitin na laging nasa tono
Pero ang kanyang ugali ay ubod nang sintunado
Tituladong abogadong milyonaryong mabaet
May isan dosenang anak sa patong-patong na kabet
Tingnan mo ang baet, parang di ka nahihiya
Napakarami ang gutom pero ika'y nakahiga
Nagpapasasa sa kayamanang kay bilis
mong nakuha sa pinagsama-sama naming buwis
Amoy panis, kay bangis, kapag ikaw ang kumagat
walang natitira, simot lahat, pati buto't balat
Nagkakalat ay isang garapal na mandaraya
Walang pinagkaiba sa nakaabang na buwaya
Sinasakmal ang lahat ng makita 'pag gutom
Panga'y laging nakabukas na parang bilasang tahong
Kaya parang alam ko na kung ano ang dahilan
at kasagutan dito sa laro ng hula-hulaan
Pwedeng tao, pwedeng hayop,
sino kaya ang tinutukoy ko?
Parang tao, parang hayop
sino kaya ang tinutukoy ko?
Di yata dapat ginawa to'
Parang delikado
Ang mahalaga'y maririnig ng mga tao
Hindi ko pipigilin
Hindi na sisilipin
Kahit na takpan aking bibig ay aking sasabihin
Sasabihin, sasabihin, sasabihin, sasabihin
Na para bang hindi ka makahinga
Natatakot na baka biglang maamoy nila
Ang mabaho at bulok na sistemang nakabara
Sa malaki at matigas na tiyan mo'y kakasya pa ba?
Araw-araw kang busog pero di ka makadighay
Hinay-hinay lamang, baka ho inyong ikamatay
Magtiwala ka, anak, yan ang sabi ni Inay
pero bakit ang lahat ay sanay na sanay sa lagay
Ganyan dito sa pinas, ewan ko lang sa iba
Magkano ba ang amin jan, yan lang ang mahalaga
Teka tulungan nio ako, sinong malinaw ang mata
Ituro niyo kung sinong di milyunaryo sa kamara
Pagpasensiyahan niyo na kung medyo hindi bilib
Tinuruan lang ako na maging mapagmasid
Sa tagal ng panahon, mahirap maging manhid
Parang sugat na tuyo na tinalupan ng langib
at binuhusan ng mertiolet, sa laman nakadikit
Iwan ang pamilya sa ibang bansa ipagpalet
May pag-asa pa ba ang bayang nakataya
Pwedeng tao, pwedeng hayop,
sino kaya ang tinutukoy ko?
Parang tao, parang hayop
sino kaya ang tinutukoy ko?
Pwedeng tao, pwedeng hayop,
sino kaya ang tinutukoy ko?
Parang tao, parang hayop
sino kaya ang tinutukoy ko?
Di yata dapat ginawa to'
Parang delikado
Ang mahalaga'y maririnig ng mga tao
Hindi ko pipigilin
Hindi na sisilipin
Yeah
Marahil ay iniisip nyo kung anong klaseng awitin ang inyong maririnig
Gloc-9
May sasabihin lang ako
Sa bawat araw na aking pagmulat ay lagi kong tinatanong
"Ito ba talaga ang dapat na gawin?"
Puro balakid at puro pasakit ang sa aki'y ibinabato
Laging sumasalubong sa hangin
Subalit sa tuwing masisilayan ko
Ang dalawang buhay na saki'y iniregalo mo
Naaalala ko ang tunay na pangalan ko
Batang taga-Rizal Aristotle Pollisco
Na daig pa ang tangkeng puno ng baril
Kapag kanya nang nahawakan ang lapis at papel
Sumabay ka sa 'king mga salitang hindi bumabara
Metro na di kumakapa tyempo na di nadadapa
Makinig ka 'kin
Sige subukan mong sabayan ang mga salitang aking binibitawan
Ang mga kalaban di nila malaman ang gagawin
Nang dumating mga pinakamagaling
Kaya bilisan mong tumakbo makinig ka para maintindihan mo
Sa dinamidami ng mga pinagdaanan namin
Nakabisado ko nang game na 'to
Alam ko na di mo kayang gawin
Kaya babagalan ko nang magsalita
Matangkad ka man saki'y nakatingala
Tuturuan kita kung pa'no dumura
Kahit kailan ay di mo nalaman kung ba't ako nabubuang
Kapag hinawakan na ang
Parang itinutumba ng mga salitang
Nagmula sa mga kagamitang
Simula nang aking malaman kung bakit ako'y natutong gumamit
Humawak ng lapis at papel at magpapalitpalit
Ng mga salitang hindi mo pa narinig sa ibang makatang
Humawak ng mikropono para bang tuluyan na nabuang
Sa kakaibang pag-agos ng boses
Matapos ang ilang beses
Na paulit-ulit isipin sabihin at kabisaduhin
Ang mga saloobing aking nais na maiparating
Sa pamamagitan ng isang awitin na hindi mo pwedeng baliwalain
Sa bawat hakbang ang mga katagang aking sinasabi at aking isinulat
Pilit kong binubuhat damdami'y maisambulat
Habang meron pa akong nalalabing kaunting panahon
Akin nang ilalabas sa kahon sandata sa mahabang panahon
Lapis at papel
Aristotle
Ang pangalan ko ika'y madidiskaril
Kapag narinig ang sinasabi ng aking bibig
Ay parang humahambalos ang mukha mo sa pader
Akala mo siguro ay di ko na kaya pang wasakin
Ang mga tula na isinulat mo
Ang mga mata iminulat ko
Sige sagutin mong mga katanungan ko
Bago pa matapos
Sino ka para tapakan ang lupang aking tinapakat ako ang naghari?
Sino ka para gayahin ang mga salitang nagmula sa 'king mga labi?
Sino ka para labanan ang mga nilalang na animo'y mga buhawi?
Sino ka?
Dahil sa king pagbalik ano mang akin ay akin nang binabawi
Yeah yeah
Whooo
Gloc-9
B-roc
Yeah Turbulence whoo
Kislap ng mga ilaw,
Sigaw at palkpakan
Ang lahat ng mga tao'y
Alam ang aking pangalan
Yakapin mo, isipin mo
Baka di na maulit 'to
Yakapin mo, isipin mo
Baka di na maulit ...
Ibalik mo ako sa araw na nung ako'y
Hinahanap ng aking inay habang lumalangoy
Sa ilog na lumalim dahil bumagyo kagabi
Walang tigil sa pagsisid kahit medyo madumi
Ibalik mo ako sa kalsada kong nilakaran
Patungo sa eskwelahan na aking pinasukan
Mula una hanggang sa ika-anim na baitang
Lubid ng aking turumpong nakatali sa'king baywang
Ibalik mo ako sa araw na nung ako'y
Pinagtatawanan dahil ang sapatos ko ay baduy
Di mamahalin ang damit simula sa umpisa
At ang aking pantalon ay di limang daan ang isa
Ibalik mo ako nung ako'y nasa silid
Nagiisa, nagiisip at walang bumibilib
Walang palakpakan at sigawan na nakakatulig
Upang ang tinig mo lamang ang aking marinig
Kislap ng mga ilaw,
Sigaw at palkpakan
Ang lahat ng mga tao'y
Alam ang aking pangalan
Yakapin mo, isipin mo
Baka di na maulit 'to
Yakapin mo, isipin mo
Baka di na maulit ...
Ibalik mo ako sa mga araw na
Nakadungaw sa bintana sige mangarap ka
Magrap ka nga dito sa vitaris bumanat ka
Baka mahulog ka sa jeep
Pare humawak ka
Ibalik mo ako sa araw na ko'y dinugas
Akala ko kaibigan, kaya naging tagahugas
Ng pinggan sa iba't ibang restaurant
Dun mo subukang magapply,
Pare da' best daw yan .
Lampas sa minimum ang sweldo
Libre ka pa sa kain
Di pwedeng pansustento
Di malayong hikain
Sa init ng kalan, lutuin mo isang banyera
Pagod ka na, heto pa itaas mo ang bandera
Ng mga manggagawang pinoy, may among mayamang tsinoy
Gusto kong bumalik sa mga panahong noong ako'y
Nananalanging palarin, mga adhikai'y makain
Malupit na makata kung tawagin
Paborito kahit di taga-samin
Ibalik mo ako nung ako'y nasa silid
Nagiisa, nagiisip at walang bumibilib
Walang palakpakan at sigawan na nakakatulig
Upang ang tinig mo lamang ang aking marinig
Kislap ng mga ilaw,
sigaw at palkpakan
Ang lahat ng mga tao'y
Alam ang aking pangalan
Yakapin mo, isipin mo
Baka di na maulit 'to
Yakapin mo, isipin mo
Baka di na maulit ...
Kislap ng mga ilaw,
Sigaw at palkpakan
Ang lahat ng mga tao'y
Alam ang aking pangalan
Yakapin mo, isipin mo
Baka di na maulit 'to
Yakapin mo, isipin mo
Baka di na maulit ...
Ibalik mo ako sa mga araw na
'Pag sumasakay ng jeep ay may kaagaw pa
Nung ang ilog sa may amin ay mababaw pa
Nang Sa kabila ng lahat ay madalaw ka
Ibalik mo ako sa mga araw na
'Pag sumasakay ng jeep ay may kaagaw pa
Nung ang ilog sa may amin ay mababaw pa
Nang Sa kabila ng lahat ay madalaw ka
[Featuring: Aia de Leon of Imago & Pointblanc]
[Gloc-9:]
Dekada nubenta nang ako'y magkagusto
Sa tugtugang pinilit kong pag-aralan ng husto
Tapos lahat ng utos mo ang lahat ay binuhos ko
Kahit pangit ang lasa ang lahat ay inubos ko
Simot lahat pati tinga dapat laging matindi ka
Parang sinasabi sa kandila na sumindi ka
Kahit wala kang posporo dapat laging umaapoy
Kahit may takip ang inidoro ay umaamoy
Ang ibig kong sabihin ay di ka dapat magpapapigil
Pag ako'y nadadapa ay lalo akong nanggigigil
Hindi puwedeng magpasupil ipunin bawat butil
Hawakan ng mabuti kagatin ang mga pangil
Ang bawat pagkakataon madulas parang sabon
Buhatin kahit hindi mo alam ang laman ng kahon
Puwedeng magsawala puwede kang magtagumpay
Alin man sa dalawa ito'y nasa yong kamay
[Chorus: Aia de Leon]
Kahit anong iharang mo itatawid ko ang kanta
Bilangin mo ang sugat ko sumusubasok sa lupa
Tinig ko'y maririnig sisigaw ka sa madla
Sumulat, gamiting tinta'y alugbati
Sa aking talumpati sa aking talumpati
Sa aking talumpati
[Gloc-9:]
Sumali sa drive-by show ni Andrew E
May lumapit sa'kin na myembro ng DTG
Sabi niya kilala mo ba ko sabi ko hindi
Kasi magkasing nipis ang braso nya at binti
All black ang damit may inabot na papel
Anong pangalan ko ako po si Aristotle
Nang silipin telephone number ng kanilang leader
Isang sikat na rapper ang pangalan ay Beware
Kinabukasan ay pumunta ako sa tindahan
Nagbayad ng limang piso para aking matawagan
Nag ring may sumagot ang sabi niya hello
Kahit kinakabahan sumagot ako hello
Ako po si Venom yong rapper kagabi
Yung kausap ng kalbong maputi niyong katabi
Kaya doon nagsimula kami'y naging magkaibigan
At nalaman ko ang landas nang siyang dapat kong lakaran
[Chorus: Aia de Leon]
Kahit anong iharang mo itatawid ko ang kanta
Bilangin mo ang sugat ko sumusubasok sa lupa
Tinig ko'y maririnig sisigaw ka sa madla
Sumulat, gamiting tinta'y alugbati
Sa aking talumpati sa aking talumpati
Sa aking talumpati
[Gloc-9:]
Makalipas ang panahon tinanong niya ako
Aalis kasi siya papalit daw ako
At isang rapper na hindi naman marunong mag rap
Okay lang gagawa kami ng demo tape para matanggap
Sa kumpanya na naglalabas din ng pelikula
Ayos lang kahit nagrarap ako na nakamaskara
Kahit na mukhang tanga yan ay okay lang sa akin
Ang sumulat ng kanta ay siyang pangarap kong gawin
Nakapaglabas ng mga album na hindi pinag-isipan
Puno ng galit at umaapaw sa kayabangan
Matapos na tanggalin napagisip-isip ko rin
Siguro may mas maayos pa ako na pwedeng gawin
Nalaman ang unang bahin na sa makapal na libro
Kaya't di pa nagtatapos ang talumpati kong ito
Puwede akong magsawala puwede akong magtagumpay
Alin man sa dalawa ito'y nasa aking kamay
[Chorus: Aia de Leon]
Kahit anong iharang mo itatawid ko ang kanta
Bilangin mo ang sugat ko sumusubasok sa lupa
Tinig ko'y maririnig sisigaw ka sa madla
Sumulat, gamiting tinta'y alugbati
Sa aking talumpati sa aking talumpati
Ako si Gloc 9
Pano yan ito na sya
Di ko naman kayang gayahin ang ginagawa nya
Ako si Gloc 9
Pano na yan ulitin
Manong manong
Bayad ko manong oh
Mama para.
Dyan lang.Diyan lang ako sa tabi
What's up men are you ready to do this?
Yeah
Are getting the boot?
Naka on na the yung mic?
Yeah
This is the last song
But it's definitely ain't my last
C'mon Mike let's go for a walk
Hingang malalim!
Chorus:
Kaliwa't kanan 3x
Hingang malalim
Kaliwa't kanan 3x
Kaliwa
Kaliwa't kanan 3x
Hingang malalim
Kaliwa't kanan 3x
Kaliwa
Marahil ay di nyo alam
Kung ano ba talaga
Ang nangyari sa isang
Magkaibigan na nangarap
Humawak ng mikropono
Narito ang kwento
Syam naput anim ang taon
Nakilala ko sya non
Halika tayo'y lumingon
Balikan ang nakaraan
Ang sarado ay buksan
Akin nang wawakasan
Ang yong sinimulan
Repeat Chorus
Naaalala mo pa ba
Noong tayo'y pumirma
Tayo lamang dalawa
Ang laging magtutulungan
Ngunit bakit ka ganyan
Bakit mo tinumbasan
Ang pagkakaibigan na
Ang sayo'y isinukli
Dahil ba sa salapi
Maliit na halaga
Para sa nasimulan
Ikaw ngayon ay nasaan
Ang buong akala mo
Nong tinapon mo ako
Di mo maririnig ito
Sa dami ng hirap na aking kailangang
Daanan dahil sa iyong kagagawan
Ay kasalanan mo
Repeat Chorus
Usap tayo
Makinig ka sa lahat ng sinasabi ko
Kumapit ka kasi nandito na naman ako
Di mo siguro inisip na mangyayari to
Halika sige sumama ka sa kin
Repeat Chorus
Nakalipas ang ilang
Taon ay ako naman
Ang di mo kayang tingnan
Dahil nalalaman mo na
Ang sinasabi ko ay ang syang nangyari talaga
At di mo kayang pagtakpan
Kahit ano pa man
Ang sakin ay yong iharap
Ang sinasabi nila bakit di mo matanggap
Hindi ka talaga magaling
Sagana ka lang sa bling
Kapag ika'y dumarating
Ang natitira ko na lamang
Gawin ay ang sinulid na minday nagdurugtong
Uh. uh uh uh uh
Uh. sabi ng mommy niya
Uh-ohhhhhhhhhhhhhh!
Yeah yeah!
Uh. uh uh uh uh
Uh. sabi ng mommy niya
Uh-ohhhhhhhhhhhhhh!
Marahil ay iniisip niyo kung anong klaseng awitin ang inyong maririnig
Alas dose dun sa Malate
Wala kong kotse pati pang taxi
Kaya naka jeepney mula sa Mabini
Meron akong mek-gi ang pangalan ay Jenny
Nakilala sa kanto papuntang Lepanto
Kumuha ng tiempo tapos nilapitan ko
Madalas nahihirapan ako sabihin ng harapan
Pero ngyon sasabihin ko na...
Chorus:
Kayo ang dahilan, kayo ang dahilan
Ang awit kong ito aking inaalay
Sa mga taong sakin ay umalalay
D nag babayad d rin naging maramot.
Sa pag mamahal na di ko malilimot
Ama ataking ina
Mga kapatid mahal ko sila
Mga pamangkin nag bibigay saya
Ako padin c aris wlang nag iba... at
[Chorus]
Salamat dea. salamat danyel salamat shony...
Luv kayo ni dady
Hindi mag babago ang aking pangako
Ano man ang mangyare ako ang aako.
Handa ko gawin ang lahat
Kahit alam ko hindi ito sapat
Ng malaman ng lalim ng pag mamahal
Kahit akin buhay handa ko isugal... dahil
[Chorus]
Ayoko tawagin kang tagahanga
Dahil batid ko akoy na niniwala
Ikw ay aking kapatid
Kaibigan sa sakin ay nag hahatid
Pa lakas ng loob kapag d ko na kayang hawakan ang mic
Laging mag pakilala itong liriko na tigabinangonan nakung tawagin ay gloc
Tapusin ko muna ung kanta ko bago pako maiyak
Kung san man makarating laging mong kasama
Sa aking awitin sana maalala
Ang bawat pawis at luha dinanas ko'y alay sayo, sa awitin kong ito (2x)
Chorus:
Nang aking madinig ang tinig mo
Laging hanap ka
Araw-araw pangarap ay makasama ka
Mga awit mo ang nasa isip ko
Sakin walang iba
Ang katulad mo'y sa puso ko ay nag-iisa
Dahil Lov na Lov kita
(Lov na Lov Kita)
Lov na Lov Kita
(Lov na Lov Kita)
ohh...
Ikaw ang aking mahal at
Ang katulad mo ang lagi kong dinadasal kasi.
Lov na Lov kita
(Lov na Lov Kita)
Lov na Lov Kita
(Lov na Lov Kita)
ohh...
Pwede ba tayong magdate,
Mayroon nga pala akong dala dito na chocolate
Let's go
Nang una kang masilayan naramdama'y parang hangin
Na dumaan sa palayan at hinawi ang dahon ng pusong tumitibok
Pag nandiyan ka salita ko'y nalulunok
Hindi makapagsalita kaya't dinadaan na lamang sa awit na ito
Sana'y matagpuan at tanggapin ang pag-ibig na inaalay ko
At papasukin ang katulad ko sa buhay mo kasi.
Nang aking madinig ang tinig mo
Laging hanap ka
Araw-araw pangarap ay makasama ka
Mga awit mo ang nasa isip ko
Sakin walang iba
Ang katulad mo'y sa puso ko ay nag-iisa
Dahil Lov na Lov kita
(Lov na Lov Kita)
Lov na Lov Kita
(Lov na Lov Kita)
ohh...
Tila walang kapantay
Langit ang nadarama ko hawak ang iyong kamay ahh...
Lov na Lov kita
(Lov na Lov Kita)
Lov na Lov Kita
(Lov na Lov Kita)
ohh...
At maniwala sakin,
Sana ika'y mapasakin na katulad ko'y palarin kasi.
Sa gabi nakatingala ang damdamin
Para sayo aking tinutula
Sa mga talang bumabagsak ay humihiling
Pag naalala ka na nakangiting umiiling
Kislap ng iyong mga mata, mga labi mong mapula
Laging nais na halikan, akapin o dika'y hagkan
At ipaalala sayo na kahit ganito lang ako
Ay hindi mo pagsisisihan
Ang araw na hinawakan mo rin ang aking kamay
Ang iyong maging gabay at
Pinayagan mong makatawid ako sa iyong tulay
At bago pa matapos ang awitin kong ito
Okay lang kahit di boto sakin ang parents mo kasi.
Nang aking madinig ang tinig mo
Laging hanap ka
Araw-araw pangarap ay makasama ka
Mga awit mo ang nasa isip ko
Sakin walang iba
Ang katulad mo'y sa puso ko ay nag-iisa
Dahil Lov na Lov kita
(Lov na Lov Kita)
Lov na Lov Kita
(Lov na Lov Kita)
ohh...
Ikaw ang aking mahal at
Ang katulad mo ang lagi kong dinadasal kasi
Lov na Lov kita
(Lov na Lov Kita)
Lov na Lov Kita
(Lov na Lov Kita)
ohh...
Talagang walang kapantay,
Langit ang nadarama pag hawak ang iyong kamay
Lov na Lov kita
Lov na Lov Kita
oh...
(Lov na Lov Kita)
(Lov na Lov)
Lov na Lov Kita
Lov na Lov Kita
oh...
(Lov na Lov Kita)
First time I saw you girl
I was amazed
On how a playa like me can never resist
Why I'd do anything just to be able to kiss
Hold your hand
Be reminiscing the bliss
Now will you picture this?
Can you see the both of us trying to get to know
Each and every single body part of each other
So baby let me show and teach you the art
Tell me will you be surviving even though we're apart
Every time I let you feel my touch
You can never do anything
But tell me you can never get too much
I'll be shifting into pleasure mode
As you remove your clothes
Take you to the limit without stepping on the clutch
Consider me automatic
Now you know why haters panic
Definitely delivering the static
Into your bloodstream
Now you're becoming a fiend
Hit you like a laser beam
Nobody can intervene
All day thinking about you
Just want to get to know you
See you every single day
Can I know your name?
She takes my breath away
Hang on every word she says
With you everyday
Can I know your name?
I know you believe in love at first sight
You be letting me walk you home the first night
Every single thing that you want me to do it's alright
Because I can see and I can tell that you so tight
Like me on the mic
With your body you can rely
I'll be rubbing your back creamy lotion that I apply
See you get high when I put the cream on your pie
You be asking me questions why I'm able to make you fly
Don't cry 'cause this ain't gonna be the very last
You just have to include it into your beautiful past
Relax as I continue collecting my cash
Every time I look into your eyes
I begin to cast my spell
I know that you really cannot repel
You be riding me and I be riding you like Montell
So well that you're gonna be wanting me to return
I'm a little bit concerned 'cause I might cause you to burn
Repeat Refrain
I need to know
If you want to get to know me girl
And baby I wanna know
Can I take you there?
Everywhere you wanna go
I wanna love you
Everyway you wanna be love
Baby don't you know
I'm all that you dream about
As I lay you back taking you on a steady track
I can feel your temperature snap you're with the daddy mac
Come on girl
Let me hold and caress you like a pearl
You be lying in front of me and all up in your world
Every time I serve
When I try to take you to the curve
You're only capable of following my every word
It's so superb
You tend to submit because you know
I will send my every passionate
Signals down to your toe
Before you let me leave
Do not want to be deceived
You're gonna have to believe unto my lyrical breed
Indeed nobody can ever make alady come back for more
Treating me like I'm the man of her dreams that's for sure
Surprise
My eyes I'll be holding your thighs
Every single tip of your fingers you be sending me signs
That you want me
You want to know a lot about me
Girl you got me inside your pretty body
Slick & Sly Kane:
Uh, yerr
We done got this game locked on the reload
One of the core foundations of Pinoy hip-hop
All set to give you an overdose of his lyrical virus
My man Gloc 9 spread the word
Gloc 9:
Sa pinagkatagal ng panahon ay di mo naintindihan kong pano ko ginigawa ito
Kahit sino mang lumapit kumapit ay bakit di makasabay sa awitin kong ito
Sa dinami-dami ng aking pinagdaanan at sa dami ng dalangin na kinabisado ko
Wala na munang uusap wag ka munang kukurap sige lunukin mo muna yang laway mo
Hindi ako nagbibiro pag hinawakan ang mikropono gusto ko lamang kumita ng pera
Magaling naman daw ako yan ang sabi sa'kin ni Chito Miranda at marami pang iba
Kahit na palagi pang binabato ng bote ng tubig kapag kumakanta
Ay hindi pa rin ako pumapalya sa mga salita kong ito'y kumapit ka (Makinig ka sa'kin)
Chorus:
Kapag hinawakan ang mikropono di na malaman kung ano ang gagawin
Kaya lahat ay napapasigaw sige subukan mong sumayaw (Sige makinig sa'kin)
Kahit sa lupanlupa nanggaling ay madami ang saking napapatingin
Pag ang dila ko na ang ipinagalaw bakit ganyan ka kung bumitaw (Sa awitin na medyo matulin)
Akalain mo ba maririnig mo muli akalain mo ba ako'y magbabalik
Ikaw pa'y nananabik sa salitang naghahasik
Slick & Sly Kane:
One more classic kit for your CD collection
On this one of a kind collabaration
Gloc nine busting to the scene
Slick and Sly Kane spittin' on the my pida
How many years have we been together
To the illest days and the vilest weather
However we somehow rollin' again
For the sweet swishes already a been
(Chorus)
Gloc 9:
Sa pinagkatagal ng panahon ay di mo naintindihan kong pano ko ginigawa ito
Kahit sino mang lumapit kumapit ay bakit di makasabay sa awitin kong ito
Sa dinami-dami ng aking pinagdaanan at sa dami ng dalangin na kinabisado ko
Wala na munang uusap wag ka munang kukurap sige lunukin mo muna yang laway mo
Hindi ako nagbibiro pag hinawakan ang mikropono gusto ko lamang kumita ng pera
Magaling naman daw ako yan ang sabi sa'kin ni Chito Miranda at marami pang iba
Kahit na palagi pang binabato ng bote ng tubig kapag kumakanta
Ay hindi pa rin ako pumapalya sa mga salita kong ito'y kumapit ka (Makinig ka sa'kin)
(Chorus)
Slick & Sly Kane:
Haha, I didn't told you y'all, I didn't told you
Ain't no buster gettin' on the way on this knocker
Trey knocker dash nine baby
He got rhyme for days, hell he got rhyme for years
So what? So what now, huh?
Enemy of the state? Uh-uh, you better get your act right kid
Haters keep your distance you might get sprayed by 16 bars
Honeys keep close you rollin' with the big balls now
Pasensya na kung ako ay hindi nagsasalita
Tandang tanda ko pa simula pa nang mga bata pa tayo
Una kang nasilayan nang lumipat ka saming baryo
Nilapitan ka't kinausap at tayo'y naging magkaiban
Laging mong kakwentuhan sa umagahan natin na tambayan
Di ko alam kung bakit damdamin sadyang napalapit
Gustuhin ko mang sabihin ako'y kaibigang matalik
Ng lalake na sayo'y gabi-gabi ang panliligaw
Ika'y sakin nagtanong at para bang nagpahapyaw
Na ako ang syang nakakaalam kung ano ang mas tama
Kung oo o hindi at kung saan ka liligaya
At sinabi ko ang taong yan ay mapagkakatiwalaan
Di ka sakin sumagot nabalitaan ko na lang
Chorus:
Wag mo na akong pilitin
Ako ay walang lakas ng loob para tumanggi
Walang dapat ipagtaka
Ako ay pinanganak na torpe
Sa ayaw at hindi
Lumipas ang 10 taon nasa Maynila ka na raw
Hindi kayo nagkatuluyan may trabahong di sa araw
At kinukulayan ang mga labi mo sa gabi
Upang takpan ang iyong lungkot at ang luha sa iyong ngiti
Ako'y nagsisi, kung alam ko lang di sana'y noon pa
Hindi ko na pinagpaliban ang aking nadarama
Kung bibigyan lang ako ng isa pang pagkakataon
Ibabalik ko kung ano man ang mayroon tayo noon
Isisigaw ng malakas hindi ko na ibubulong
Damdamin ko para sa'yo dalangin sana'y may tugon
Na ang noon ay mahawakan at makasama ngayon
Hanggang bukas at sa marami pang susunod na taon
Repeat Chorus
Isang gabi habang ako'y nakaupo sa harapan
Ng aming bahay at tila ba nakatulala sa buwan
Ay may isang babae na sakin lumapit at nagsalita
Hindi nakapagsalita ako'y napatulala
Lubos ang aking ligaya hindi makapaniwala
Siguro'y panahon na upang kami'y magkasama
Hinawakan ko ang kanyang malambot na palad
Singsing na may bato ang sa akin ay tumambad
Ikaw pala'y ikakasal at sa akin ay magpapaalam
Di na nakuhang sabihin at sayo'y ipaalam
Ang tunay kong nadarama bakit parang alam mo na
Sa pagtalikod at may tumulong luha sayong mata
Repeat Chorus
Ikaw ang babae na para sa akin
Pinilit ko rin maging para sa'yo
Pero bakit kailangan pa natin danasin
Balakid na ito
'Di mo kailangan pa (kailangan pa)
Magpaliwanag at (magpaliwanag at)
Pag-ibig sakin ay (pag-ibig sakin ay)
'Di tulad ng iba (tulad ng iba)
Dahil alam ko na (haah haa)
Ang tunay na kulay mo (tunay na kulay)(ang tunay na kulay mo)
Kahit mahal kita (haah haa)
Isa lang masasabi ko (masasabi ko)
Mahal kita ngunit wala ng dapat pag usapan pa
Dahil nakita na kita na may kayakap kang iba
Mahal kita ngunit walang dapat pag usapan pa (pag usapan pa)
Bakit mo sinayang pag-ibig na alay ko sa'yo
'Di mo kailangan na (kailangan pa)
Magpaliwanag pa (magpaliwanag at)
Naramdaman ko na (naramdaman ko na)
Nung tayo'y magkasama pa (tulad ng iba)
Nagpakabulag na (haah haa)
Ako sa pag-ibig mo (tunay na kulay)(ang tunay na kulay mo)
Kahit mahal kita (haah haa)
Isa lang ang masasabi ko (masasabi ko)
Mahal kita ngunit wala ng dapat pag usapan pa
Dahil nakita na kita na may kayakap kang iba
Mahal kita ngunit wala ng dapat pag usapan pa (pag usapan pa)
Bakit mo sinayang pag-ibig na alay ko sa'yo
Sabi mo sa akin walang iwanan
Lagi tayo lamang dalawa
At 'di pagpapalit'sa iba
Sumpaan ng tunay na pag-ibig
Mga pangako natin sa isa't isa
Ngunit nagkamali ata ako
Pinangarap ko ay nagkaganito
Bakit ang babaeng aking minahal
Ay siyang dahilan ng aking pagkabigo
Pero ngayo'y tatapusin ko na
Bibitawan ko kahit mahal pa kita
Dahil sinayang mo lang mga oras na para satin kaya.
Mahal kita ngunit wala ng dapat pag usapan pa
Dahil nakita na kita na may kayakap kang iba
Mahal kita ngunit wala ng dapat pag usapan pa (pag usapan pa)
Bakit mo sinayang pag-ibig na alay ko sa'yo
Mahal kita ngunit wala ng dapat pag usapan pa
Dahil nakita na kita na may kayakap kang iba
Mahal kita ngunit wala ng dapat pag usapan pa (pag usapan pa)
Wag Mo kong pansinin
Wag mo kong pakinggan
Pagkat ang sinasabi ko ay akin lang naman
Wag Mo kong pansinin
Wag mo kong pakinggan
Pagkat ang sinasabi ko
Ito ay akin lang naman, naman, naman, naman
Dedma, yan ang dapat mong gawin
'pag narinig ang bawat salita
Na basa ng laway sa aking bibig
Na aking dinudura sa mga pagmumukha
Ilan ba ang natutuwa kapag ako ang tumula
Wala naman naisip 'to lamang bigla ano kaya?
Kung isang araw ako ang siyang kumabig ng taya
Sa sugal na kung tawagin na ito'y pulitika
Malamang sa malamang kung di kilala lugi ka
Kaya't ang mabuti pa'y ipaubaya mo na sa akin
Hindi mo nakikita, susubukan kong baguhin
Isang araw lang naman ang iyong pagpapahiram
Ng kapangyarihang ang nakahawak lang ay ilan
Hindi tama ang magbintang, subukan nating magbilang
Ilang taon ang dumaan, bakit napagiiwanan
Hindi ko po kayo pinangungunahan, o dinidiktahan
Dahil ang sinsabi ko ay akin lang naman
Wag Mo kong pansinin
Wag mo kong pakinggan
Pagkat ang sinasabi ko ay akin lang naman
Wag Mo kong pansinin
Wag mo kong pakinggan
Pagkat ang sinasabi ko
Ito ay akin lang naman, naman, naman, naman
Alam kong di ito madali at medyo mabigat
Pero kung susumahin ang importante lang sa lhat
Ay marunong kang maawa sa mga naghihirap
Minsan kailangang sumagot kahit walang kausap
Nang wala nang batang namamalimos at nangaapak
Wala nang umiiyak dahil kinabukasa'y di tiyak
Libre ang makapagaral, hustisiya'y di mabagal
Ang mawalan ng pera sa ospital ay hindi sagabal
Wag Mo kong pansinin
Wag mo kong pakinggan
Pagkat ang sinasabi ko ay akin lang naman
Wag Mo kong pansinin
Wag mo kong pakinggan
Pagkat ang sinasabi ko
Ito ay akin lang naman, naman, naman, naman
Kung ako ang presidente, busog ka na sa bente
Ang lahat ay pantay-pantay, iskwater man o disente
Lahat ay mya bubong, lahat ay may dingding
Kung walng makian, di magsasangla ng singsing
Dahil ang pasweldo ay tama sa mga manggagawa
Sa dagdag-sahod ay di kailangang magmakaawa
Mga lagay-lagay, perang tangay-tangay
Kapag napatunayan, ikulong lahat sabay-sabay
Kase walang mayamayaman, dapat maya-maya lang
Tinuturuan ng leksyon, mga mayamayabang
Mga abusado sa kagawaran ng gobyerno
Nagaagawan lang sa pwesto mahawakan lang pursento
Pero, kahit suntok sa ulap, baka ika'y mamulat
Kinakalawang na pinto sabay nating itulak
Laging tandaan di ko po kayo dinidiktahan
Dahil ang mga sinasabi ko ay akin lang naman
Wag Mo kong pansinin
Wag mo kong pakinggan
Pagkat ang sinasabi ko ay akin lang naman
Wag Mo kong pansinin
Wag mo kong pakinggan
Pagkat ang sinasabi ko
Malakas! Bagong gawa ni Chito at ni Gloc
Malakas! Bagong gawa ni Chito at ni Gloc
Kahit ano mang mangyari, aking aabutin
Mga tanong na sinabi, lahat sasagutin
Itong gulong ko na bakal, lahat tatawirin
Kaya't wag kang haharang sa daraanan ng pison
Matagal-tagal na rin akong hindi gumamit na ganitong pamamaraan
Sa pagbigkas ng mga salitang nagbabaga
Samantala para bang andami ang naguunahan
Sino ba talaga ang pinakamabilis?
Hindi naman mahalaga
Kasi ang tunay na tanong ay kung gano ka kagutom
Mahawakan ang pangarap
Mayakap malawak ang balak itarak ang itak
Puso kong dumadagundong
Kahit na anong mangyari, kailangang madali
Madami mang beses na madapa, pagpagin ang alikabok
Lasang parang mapait, pilitin mo lang malunok
Dahil ang kinabukasan mo di pwedeng mabulok
Sige lang itulak mo ang kariton
Kung di abot ikaw ay tumalon
Pagkakataon na sitahin kahit nakalingon
Pawis na tumulo pag-inipon mo galon-galon
Sa buhay na mapagbiro di pwede dito ang pikon
Ang nauna sa tadhana pumikit lang ang pahinga
Isang ulo bawat letra, tandaan mo ang pahina
O pahina', kumain na kayo nakahain na
Ang pagmamahal na kailanma'y tinuro sa aking ina
Kahit na kung minsa'y nagkakalatay kay tatay
Ang kanyang mga payo sa akin ay siyang umakay
Di makinis ang daan anak kailangan mong masanay
Tandaan mo na hindi pwedeng madaliin ang palay
Tyagain mo lang,
Kahit ano mang mangyari, aking aabutin
Mga tanong na sinabi, lahat sasagutin
Itong gulong ko na bakal, lahat tatawirin
Kaya't wag kang haharang sa daraanan ng pison
Di mo kailangang pakinggan ang sinasabi ng mga ayaw maniwala
Kahit medyo pawisan diretso lang parang kalan at paliyabin natin ang baga
Ng mga pinapangarap mo dapat tibayan dahil natural lang ang mabaha
Malubog sa putik, ganyan paa ka lang,
Sagad mo lang kahit na gano kadambuhala
At ang umalis, sandal nga hindi pa ko tapos
Itupi ang tuhod kung dahilan sa kumot ay kapos
Paa'y hindi sumasakit, talampakan na pinaltos
Patipato at panabla, sige! Ubos na kung ubos
Kahit madalas nakatawa, pare hindi ito landian
Sa dami ng kalaban, di maiwasan ang sanggian
Dikitan to palagi, kaya malamang na mabalian
Sa laro na bilang ko lang ang tunay kong kaibigan
Hindi katulad ng bitak-bitak na mga palad
Tipak-tipak na sugat sa tubig ay nakababad
Mamasa-masa kaya hirap pagalingin kaagad
Agad tumatayo tuloy-tuloy pa rin ang lakad
Walang kapaguran, ikaw ay magpabalik-balik
Daanan mo ng daanan hanggang sa'yong madagit
Kahit ika'y pagdudahan ng kaibigang matalik
Wag mawalan ng pag-asa pare [?] magic
Kahit ano mang mangyari, aking aabutin
Mga tanong na sinabi, lahat sasagutin
Itong gulong ko na bakal, lahat tatawirin
(Gloc-9 ft Heart)
chorus: heart
puso koy natatanga,
meron kabang nadarama,
napapansin mo ba,
lagi na lang nakatingin
ibinubulong na lang sa hangin,
na minamahal kita.
bridge: heart
o kay tagal ko ng tinago,
ang damdamin ko sayo
di nga alam ang gagawin
kaya dinadaan na lang sa sulat ko
verse 1: heart (gloc9)
marahil ay iba
(marahil ay iba na man ang loob ng isip)
ang iyong nadarama
pero ikaw pa rin ang iniibig ko
(.di ko naman sinasadyang mahalin ka ng ganito)
kahit na sumpok sa buan
(alam kong para ma sumpok sa buan, munit ganon pa man)
ang ating kapalaran
(kahit na di ko matamaan, ang mahal ikay malaman)
ay maghihintay pa rin ako sa yo
(ay hindi naghihintay ng ating mga kapatid, and aking puso na kay lan man ayaw makasakit)
sa isang tulad mo
(at kaya sa halip, na lumapit ako't magtapat, di magawa dahil baka pagtawanan ng lahat)
na kulong, damdamin ko
(sa isat isa, basta alam ko na, ikaw at akoy sadyang mag ka iba)
parang tawag sa tanga, na sayoy nagaasa
(pilit na kinakabisado and mga kataga, at baka sakaling masabi ang mga salita)
tulad ko
(munit bakit kaw pag nan diyan ka ay nauutal, pasensya na dahil ikay aking minamahal)
chorus x 1
verse 2: gloc9
nakalipas ang mga araw,
naisin kuman dumalaw
ay di magawang umagaw,
at sakin ay mangibabawa
lakas ng loob,
puso kong tumitibok
pag sinubukan kausapin ka, sinisinok
kayat hayaan mo isalin ko sa papel,
aking nadarama, habang nasa tricycle
patungo sa lugar na kung saan ay lagi kang nakikita
palaging na sasalubong pag galling ka ng eskuwela
at pilit na hinahabol mga bakas na iniwan sa hangin
nang iyong buhok kahit di man sa malapitan
ay makapiling kita
di man tulad nila,
mayaman, may pera
may kotse, sa iyong mga mata
akoy nawawala pag nakita ka
tulala, lahat ng mata sa langit handa kong ibaba
hanging ditto na lamang at sanay yong unawain
na lagi kang nasaisip at aking dalangin
bridge x 1
[Hook: Ian Tayao]
Ako'y tutula mahaba, nako umupo na po
Tapos na nga hugasan ang mga kamay ng mga makata
Lahat na yata tayo ay makata
Lahat na nga ba tayo ay makata
Gusto ko sanang maniwala
[Verse 1: Gloc 9]
Ikaw na naman di ba kalalabas mo lang
Kung magsulat ka ng kanta para bang papasko lang
Tila lupang di tigang sa letra mong bilang
Walang tigil sa pag-agos pinapadulas mo lang
Hindi naman superlolo pero bakit sumasabog
Ang lahat na kuha mo kahit di makapal ang abo
Pinagmanhid manao ibang klaseng Tagalog
Parang altak preston sa kumakapal na batok
Tapos na ang biruan walang pala-palabo
Wag kang gumamit ng berdeng butas sa pagsalok
Magpaabot pag napagod pag humagok magpadagok
Laging handa sa pagsusulit kahit walang pasok
Ang bata na inaral ang aba-kada
E gahai-laman na nga o para sa tao waya
Kundi makasabay sa aking makakaya
Bumaba ka sa aking pasada mama para
Ibalik ang bayad sumayod ang speaker sa lakas
Ng tunog lumubog ang mga mapangahas
Na humahamig kahit na hangin lang ang kinahig
Nag-uunahan sa pagtampot ng putik at ipahid
Ako ang magaling palaging sinisigaw
Sa loob ng kaing na may kalboro ang manggang hilaw
O kandilang tunaw o itak na bingaw
Pag pinagsama natin ang dalawa, oo ikaw
Matagal-tagal na rin po akong nagtatampisaw
Sa tubig na kung minsan ay parang kanal sa hangin
Kaya may oras na parang gusto kong bumitaw
Ngunit salamat sa hindi nagdadala sa akin
Pero aaminin ko nakakapanghinayang
Lisanin ang trabaho na kailangan mong tibayan
Ang mukha mo panibago kasibado natula to
Sa mukha mo itaya mo patibato ano kamo
Bawat CD-ing nabenta mo walang pang limang piso
Ang babalik sa'yo teka wala kang pinipiso
Pero ayos lang kasi ito ang yong pinagdasal
Di man kasing bango ng lahat ng nahahalal
Mga nakakadinig sila ang sumatotal
Pagkataong humukay ng panibagong bukhal
Na humuhubog sa isip ng mga batang may pangarap
[Chorus: Bamboo]
The dates go on, we down for sure
But on my own (Now tell me everything's all right)
I pay my own way, sold my soul
We on the clock (You tell me name my price)
You reap what you sow but that ain't what I see
Whatever happened to the promise we would've dreamed
I'll just do my time and take what's due me
When tomorrow comes, it's just another day
[Gloc 9]
Mga daliring nakaturo, dugo na tumutulo
Pangalang nakasulat sa maputik na dipuho
Katanungan na mula pa sa ating mga ninuno
Saan ba ang daan bakit hindi niyo maituro
Kaing-kaing na hinaing, daang-daang daing
Ang lunas ba'y imposible parang dilag na baing
Lahat malinaw kahit bulag o mata'y nakapiring
Parang ang daming doktor pero di gumagaling
Ang bayan kong minamahal ganito na lamang ba
Na ang iyong kaunlara'y dinadaanan ng iba
Sa kanila galing ang bigas, di ka ba nagtataka
Bakit meron paring nagugutom na magsasaka
Kamusmos ang nasa lansangan kayod kahit maalinsangan
Patuloy sa pagdami tila di nababawasan
Ang problema teka kung gusto mo talagang malaman
Ay sumama ka sa amin at subakan nating pagmasdan ang
[Chorus: Bamboo]
The dates go on, we down for sure (Now tell me everything's all right)
I pay my own way, sold my soul (You tell me name my price)
You reap what you sow but that ain't what I see
Whatever happened to the promise we would've dreamed
I'll just do my time and take what's due me
When tomorrow comes, it's just another day
[Gloc 9]
Silang mga nagiging biktima tila dikit-dikit sila
Leeg na ginilid pinilipid kasi gipit sila
Makuha lang ang perang inipon sa alkansya
Sa isang gisap mata pabilisang magpasya na ang
(You just don't see why I try)
Sayo ay akin, at ang sa'kin ay akin palagi
Ganyan ang buhay na parang buhol-buhol na tali
Kailangang dumiskarte, kailangang makabawi
Kakapit sa patalim walang baka-bakasakali
Kasi walang trabaho makuha dun sa amin
At bihirang mapahiran ng mantika ang pagkain
Hindi naman ako kinukulang sa panalangin
O tinatamaan lamang ng aking suntok ay hangin
Ngayo'y nakakulong pero matagal ko nang nalaman
Na ang katarungan daw ay para lang sa mayayaman
Ang katotohanan ba ay gusto mong masilayan
Halika't sabay-sabay nating tingnan ang katibayan sa
[Chorus: Bamboo]
The dates go on, we down for sure (Salamin)
Had my own way, sold this soul (Salarin)
You reap what you sow but that ain't what I see
Whatever happened to the promise we would've dreamed
I'll just do my time and take what's due me
When tomorrow comes, it's just another day
The dates go on, we down for sure (Salamin)
I pay my own way, sold this soul (Salarin)
You reap what you sow but that ain't what I see
Whatever happened to the promise we would've dreamed
I'll just do my time and take what's due to me
When tomorrow comes, it's just another day
[Bamboo]
Fight or fly, or will we simply fade away
Tired of all the talking
We're still singing the same old songs
Yet things haven't changed
Bayad ko buhay ko, ba't ganun (Bayad ko buhay ko, ba't ganun)
Bayad ko buhay ko, ba't ganun (Bayad ko buhay ko, ba't ganun)
Bayad ko buhay ko, ba't ganun (Bayad ko buhay ko, ba't ganun)
Bayad ko buhay ko, ba't ganun
[Gloc 9]
Mama bayad bayad, utak kong sumayad
Malakas ang hangin baka nama'y walang layag
Oo nang oo pero di naman pumapayag
Mainit na tinapay na ang palaman ay amag
Sa bayan na laging malakas ang mga pulo
Kahit umusad ay tila di umiikot ang bulong
Mga bulag at pipi ang gamit lang ay ilong
Bakit nangangamoy bulok ang inyong mga barong
Mama bayad bayad, utak kong sumayad
Malakas ang hangin baka nama'y walang layag
Oo nang oo pero di naman pumapayag
Mainit na tinapay na ang palaman ay amag
Sa bayan na laging malakas ang mga pulo
Kahit umusad ay tila di umiikot ang bulong
Mga bulag at pipi ang gamit lang ay ilong
[Cathy Go]
O Inday, o Inday, o Inday
Inday ng buhay ko
O Inday, o Inday
Inday ng buhay ko
[Chorus: Cathy Go]
Katatapos ko lang ng highschool sa probinsya
Kapos lang sa kaunlaran kaya't walang makita't
Makuhang trabaho sa aming lugar
Ano ba ang gagawin ko
Bumiyahe na lang sa malayong lugar
Lahat ay titiisin ko
Katatapos ko lang ng highschool sa probinsya
Gusto ko sanang maging doktor ng medisina
Ngunit si Itay ay magsasaka nang
Ang kapatid ko ay pito
Mahainan lang ang hapagkainan
Ang trabaho ko ay ito
[Gloc 9]
Pantalon na maong labhan mo ng pakamay
Ang aking tira-tira'y takpan mo
Pagtapos ka nang kumain ang sahig punasan mo
Mula baba hanggang taas lampasuhin ang kanan ko
Dapat walang alikabok, ni katiting sa mga muebles
Ayokong inuulit ng higit sa isang beses
Ang lahat ng utos ko walang tanong kang susunod
Pagkausap mo ako kulang na lang ay lumuhod
Bilisan mong maglakad sige buhatin mo lahat
Wala akong pakialam kahit na ubod ng bigat
Kapag tinawag sa gabi dapat tulog ka ng dilat
At handa kang maglinis kapag ako ang nagkalat
Kahit gaano kadumi, ang mabaho'y amuyin
Sa tuwing ako'y malalasing lahat ng gusto ko'y sundin
Kung ayaw mong sayo ay mayroong mangyaring masama
Oo ang isasagot sa gusto kong ipagawa
O sa gusto kong gawin at sa gusto kong makita
Paulit-ulit hanggang sa hindi ka nagkabisita
Makaka-alis ka na, di na kita kailangan
Bago tumawag ng pulis dahil ako'y yong nikawan
[Chorus: Cathy Go]
Katatapos ko lang ng highschool sa probinsya
Kapos lang sa kaunlaran kaya't walang makita't
Makuhang trabaho sa aming lugar
Ano ba ang gagawin ko
Bumiyahe na lang sa malayong lugar
Lahat ay titiisin ko
[Cathy Go]
O Inday, o Inday, o Inday
Inday ng buhay ko
O Inday, o Inday
[Featuring: Allan Mitchell Silonga]
[Chorus: Allan Mitchell Silonga]
Ako ay isang taga-hanga mo
Ako na magdadala ng mga hawak mo
Pupulutin ko lahat ng binitawan mo
Ako'y iyong alalay...
Ako ay isang taga-hanga mo
Ako na magdadala ng mga hawak mo
Pupulutin ko lahat ng binitawan mo
Ako'y iyong alalay...
[1st Verse: Gloc-9]
Tandaan mo
Kahit ano
Man ang mangyari ay utang ko
Ang palakpakan at respesto nyo
Kapag hawak ang tumutunog na mikropono
Kableng nakapulupot
Sa kamay para di mahugot
Ay parang wallet sa snatcher, ako ang mandurukot
Mga linya kong sinulat
Ginamit ang panulat
Nagsimulang mag-ulat
Ang lahat ay nagulat
Sa kanya nanggagaling, mula sa itaas
Ngunit sayo pinaabot, ikaw ang nagbukas
Saakin ay nagturo, ipunin ang katas
At kung pano di matibo sa masukal na landas
Sa tuwing ika'y kausap, ako'y nahihiya
Parang nananaginip, ako'y tuwang-tuwa
Kaya sa gabi ako'y palaging nakatingala
Kasi pwede palang maging sigurado ang baka'
Sabay sa entablado
Ang lahat ay ganado
Ikaw rin ang nagpasakay sakin sa eroplano
Kahit sabihin ng iba na ako ay dehado
Pero dahil sayo ay matagal na kong panalo
[Chorus: Allan Mitchell Silonga]
Ako ay isang taga-hanga mo
Ako na magdadala ng mga hawak mo
Pupulutin ko lahat ng binitawan mo
Ako'y iyong alalay...
Ako ay isang taga-hanga mo
Ako na magdadala ng mga hawak mo
Pupulutin ko lahat ng binitawan mo
Ako'y iyong alalay...
[2nd Verse: Gloc-9]
First year high school sa Morong, Rizal
Hindi ka ba nahihiya? Medyo makapal
Daw ang aking mukha, bakit ka ba laging kasali?
Nagbabaka sakali na hindi matanggal
Kasi nung araw, doon sa amin ay di pa masyadong
Maraming rapper ang mapapakinggan mo sa radio
Kasi siguro'y naiiba pa noon ang uso
Ngunit lahat ng kanta mo ay aking kabisado
Pagcold summer nights ay napapraning
Meron akong ano, na di bading ang dating
Silang mga ubos biyaya na laging lasing
Mga nilamon ng sistema na andyan pa rin
Gabulok ang nangangamoy kahit dumaan sa contest
Sinong kumain ng isang kilong mahiwagang kamote
Kaya mga kababayan ito ang gusto ko
Hindi ka dapat mahiya kahit ilong mo ay pango
Kasi tayo'y mga pinoy, ano man ang mangyari
May man from Manila na palaging magsasabing
One can't talk peace if you have a gun
Handa ka bang ipaglaban ang 3 stars and a sun
[Chorus: Allan Mitchell Silonga]
Ako ay isang taga-hanga mo
Ako na magdadala ng mga hawak mo
Pupulutin ko lahat ng binitawan mo
Ako'y iyong alalay...
Ako ay isang taga-hanga mo
Ako na magdadala ng mga hawak mo
Pupulutin ko lahat ng binitawan mo
Ako'y iyong alalay...
[Allan Mitchell Silonga:]
Kahit ano pa man
Sabihin ng iba
Ika'y nag-iisa
At ako ang iyong tagahanga
Di ko lubos maisip
Nagbago na ang tinig
Nang ikaw ay mawala
Dumami ang nagpupumilit
[Chorus: Allan Mitchell Silonga]
Ako ay isang taga-hanga mo
Ako na magdadala ng mga hawak mo
Pupulutin ko lahat ng binitawan mo
Ako'y iyong alalay...
Ako ay isang taga-hanga mo
Ako na magdadala ng mga hawak mo
Pupulutin ko lahat ng binitawan mo
Kung may alak may balak
Lasing sa kasalukuyan ngunit malaman ang ala-ala
Gising at kasulukuyang malala na
Nadala na sa nakaraang magdamag na baon sa pagtulog
Bukas ang bakas ay may babaon sa limot
Eto ang mga kwento ng makata
Basahin ang mga nasa gitna ng talata
Siksik na parang delata, seksi pang dalaga
Sorry di na ako binata
Ang mga kwento ng makata
Inumpisahan sa tulang pinamagatang Balak
Isinulat na walang alak
Laman lamang ng utak ang pinadaloy sa panulat
Laman ng puso ang pangmulat na walang panggulat
Simple lang, kabado, easy lang
Kung busy, ngisi lang
Ngayon ang panahon ng pagbubuhat ng sariling bangko, keri lang
Di mo kailangan mag Ingles para malaman nilang matalino ka
Di rin naman kailangan managalog para malaman nilang Pilipino ka
Pilipino ka, kalabaw ka hindi ka baka
Hindi ka mansanas kundi mangga
At wag mo nang asahan datnan ang panahong tatangos ang iyong ilong
Tsong hindi ka puti, kayumanggi ang kulay mo
Mahalaga kung ano ang kaya mong gawin
Gawing magaling, tinitibok ng bawat damdamin ang gawang magaling
Sumigaw kung kailangan na mailabas ang nagbabagang galit sa dibdib
Ngunit sunog na ang daigdig sa mga sinasabing walang silbi
Kaya nakasalpak sa mga manhid ang panawid gutom, kumakalam ang tenga
Nakasalampak sa sahig ang mga patay-gutom, said walang kumakalinga
May mga pantas na di malaman ang tungo
Hindi puso kundi nguso ang panturo
Naging sinungaling ang mga labi ng mga bagong saling-lahi
Di pa huli ang lahat, hawiin ang ulam nakakabulag
Kini mao ang akong balak at ang balak namin ni Gloc
[Hook: Denise]
Mamang pulis
Pwede ba akong humingi sa inyo ng tulong
Dahil ako ay nadukutan
Mamang pulis
Pwede ba ako humingi sa inyo na saklolo
Upang di ako malapastangan
Ang pangalan ko ay SP-02 Ruben
Di ako mukhang pera kaya wag mo kong utuin
Tsapa ko'y aking dangalin di mo to kayang bilhin
Pero meron din naman parang tulog kahit gising
Sa kapangyarihan ay lasing budhi na tila maitim
Kapag kailangan ay tawagan pero ba't kaya walang dumarating
Eto meron dalawa na para bang walang pakialam
Sila pa ang pang-simuno ng gulo
Makikita mo sila lagi magulang at tiyan kumakalang
Kasama ang sakyan na bumubuto
Kaya pinipilit ko, pinipilit kong baguhin ang mga nasaisip niyo
Di lahat na pulis ay may ugali na para ba sa demonyo
Pero biro niyo mga droga nakolek ba't sila pumapatak
Kung sasalain na lahat na parak malamang madami ang latak
Pero mero pa kayong matuwid nakakabilib gumagawa ng mga tama
Kasi madami nakakatulig malakas humilig para mga sunog-baga
Teka muna tandaan mo to ako'y pulis na di kurap
Marami ring katulad ko marunong lang ako mag rap
Sangkot sa kotong at jueteng isang tiwaling hepeng
Laging nagpapalusot kung may padulas at may pwedeng
Maibulsa ang mairing parak na parang buteteng
Laot ano na bang nagyari dun sa kuratong baleleng
Laging patay na ang bida paglumabas sa eksena
Kapag tinanong ng reporter ay iisa lamang ang linya
Merong iba na sa tv ay tila nagpapatawa
Kulang na lamang ay sumigaw ng napaliligiran na kita
Mga taong nabubulag na hindi mo na mabilang
Paltik man o kwarenta isingko sa mga bewang
Ang gamit upang hindi ipagtanggol ang maliit
Bagkus ay nakatutok sa pagitan ng mga matang nakapikit
Pera kinurakot niyo sa mga bako niyo
Teka muna asan ang mga takot niyo
Gaano na kakapal ang putik na dumungi sa mga pagkatao niyo
Mero pa kayang ilang mga pulis na di kurap
Silang mga katulad ko marunong lang ako mag rap
-Hook-
Ang pangalan ko ay SP-02 Ruben
Di ako mukhang pera kaya wag mo kong utuin
Ang tsapa ko'y aking dangalin di mo to kayang bilhin
Kahit ang pasuweldo sa'min ay ilang pisong duling
[Chorus: Jaq Dionisio of Kiss Jane]
Lahat ay ginawa ko
Lahat ay tinaya ko
Para sa bayan ko
Pero teka, pano kung tama sya
Ano ang napala ko
Pati buhay tinaya ko
Para sa bayan ko
Pero teka, pano kung tama sya
[Gloc 9]
Tinta at panulat ang ginamit
Sa mga pahina ng libro ibinuhos ang galit
Nag-aral ng matuwid parang sangi saking anit
'Sang dalubhasang nahasa sa hasang na kay pangit
Ng amoy nung ako'y magpasyang ituloy
Ang pag sulat ng talata na mag sisilbing apoy
Sa bawat isang Pinoy na lubog sa kumunoy
Ng dayuhan ang mga balot sa kumot na tisoy
Kahit na sabi nila ako'y hindi pumapalag
Ang aking pagsulat ay isang gawain ng duwag
Bakit kailangang magpatayan ng maghapot magdamag
Kung sa kalaban ay bato at ang sandata mo'y libag
Makalipas ang isang daang taon at limampu
Ano ang aking namasdan ano ang aking natanto
Para bang ang panahon mula noon ay huminto
Sino na bang nakadaan sa nakasaradong pinto
Ito ba ang talagang gusto kong kahinatnan
Tandaan mo ang laman ng isang kasabihan
Aanhin mo ang kalayaan ng mga tinatapakan
Kung bukas sila naman ang syang mag hahariharian
[Chorus: Jaq Dionisio of Kiss Jane]
Lahat ay ginawa ko
Lahat ay tinaya ko
Para sa bayan ko
Pero teka, pano kung tama sya
Ano ang napala ko
Pati buhay tinaya ko
Para sa bayan ko
Pero teka, pano kung tama sya
Ito ang sa tingin ko'y tama
At ang syang nararapat
Pero teka lang...
(Kung Tama Sya?)
Sa kanila'y huwag kang maawa
Yan lang ang syang nararapat
Pero teka lang...
(Kung Tama Sya?)
[Gloc 9]
Ako'y isang batang Tondo na anak ng mananahi
At sa idad na katorse mga braso'y natali
'Di man natapos sa eskwela nagpatuloy magbasa
Nakadampot ng karunungan at namulat ang mata
Na ang nagaganap saking kapaligiran ay mali
At ang tanging sagot sa malalim na sugat ay tahi
Silang alipin ng ginto at amoy ng salapi
Mga dayuhan na dahilan ng maraming pighati
Abuso at kalupitan hindi mo dapat pagtakpan
Kung hindi ka lumaban wala kang dapat pagtakhan
Ayaw nilang magparaya may humaharang sa daan
Wala nang pakiusapan di mo subukang tadyakan
Dahil ang kinakayankayanan lamang ay mahina
Subukan mong sumigaw kahit maputulan ng dila
Ibinuwis aming buhay natunaw ang kandila
At nagbago nang itsura ng tinaas na bandila
Ito ba ang talagang gusto kong kahinatnan
Kung iisipin ang laman ng isang kasabihan
Aanhin mo ang kalayaan ng mga tinatapakan
Kung bukas sila naman ang syang mag hahariharian
[Chorus: Jaq Dionisio of Kiss Jane]
Lahat ay ginawa ko
Lahat ay tinaya ko
Para sa bayan ko
Pero teka, pano kung tama sya
Ano ang napala ko
Pati buhay tinaya ko
Para sa bayan ko
Pero teka, pano kung tama sya
Ito ang sa tingin ko'y tama
At ang syang nararapat
Pero teka lang...
(Panu kung tama sya?)
Sa kanila'y huwag kang maawa
Yan lang ang syang nararapat
Pero teka lang...
(Panu kung tama sya?)
Ito ang sa tingin ko'y tama
At ang syang nararapat
Pero teka lang...
Sa kanila'y huwag kang maawa
Yan lang ang syang nararapat
Pero teka lang...
[Chorus:]
(FRANCIS M.)
Wag kang mabahala may nagbabantay sa dilim
Nag-aabang sa sulok at may hawak na patalim
Di ka hahayaan na muli pang masaktan
Wag ka nang matakot sa dilim
(GLOC 9)
Ito ay kwentong hango na galing sa dalawang taong
Nagmamahalan ng tunay ang ngala'y Elsa at Lando
At kahit parang pagkakataon ay nakakandado
Dahil magkalayo ang uri ng buhay ang estado
Ng buhay ni Lando ay di nalalayo sa marami
Sinunog ng araw ang kulay ng balat at marami
Ng galon ng pawis ang kanyang naidilig sa lupa
Upang ang gutom ay di na masuklian pa ng luha
Habang ang babaeng kanyang minamahal ay sagana
Ngunit kabilang sa pamilya na di alintanang
Makipagkapwa-tao sa mga tulad niyang dukha
Gayon pa ma'y patuloy ang pagmamahal na pinula ng pag-ibig
[Repeat Chorus]
(GLOC9)
Kahit na ano pang bagay ang pilit na ihadlang
Sino man ay walang makakapigil sa paghakbang
Ng mga paa na ang nais ay marating ang ligaya
Niyayang magtanan di nag-atubili na sumama
Hawak ang pangarap at pangako sa isa't isa
Nagpakalayo-layo di namuhay na may kaba
Dahil alam nila na sa bawa't isa'y nakalaan
At ang pagmamahalan tangi nilang sinasandalan
Wala ng ibang bagay pa silang mahihiling
Kundi isang pamilya sa loob ng apat na dingding
At isang bubong na maaaring tawaging tahanan
Bakit may pangit na kabanatang kailangang daanan pa
[Repeat Chorus]
(GLOC 9)
Isang gabi na Huwebes lumubog na ang araw
Doon tayo magkita pasalubong ko'y siopao
Upang ating paghatian pagdating ng hapunan
Meron palang nakaabang sa amin na kamalasan
Eskinita sa Ermita may sumaksak kay Elsa
Sa tagiliran isang makalawang na lanseta
Ang gamit upang makuha lang ang kanyang pitaka
Kami'y mahirap lamang bakit di na siya naawa
Hindi ko naabutang buhay ang aking mahal
At hanggang sa huling hantungan ay nagdarasal
Bakit po bakit po ang laging lumalabas
Sa 'king bibig palaboy-laboy ni walang landas
Akong sinusunod baliw sa mata ng marami
Siguro nga di ko na kilala aking sarili
Pangala'y taong grasa may patalim na gamit
At ang tanging alam ay isang malungkot na awit
At ang sabi...
[Repeat Chorus]
(GABBY)
Lapit mga kaibigan at makinig kayo
Ako'y may dala dalang balita galing sa bayan ko
Nais kong ipamahagi ang mga kwento
At mga pangyayaring nagaganap sa lupang pinangako.
(GLOC-9)
Ako ay pilipino sa isip at sa gawa
Ngunit bakit mga pinuno puro lamang salita
Isang gobyerno na kayang sikmurain at magtawanan
May pamilyang kumakain na kulang sa dalawang
Beses sa isang araw minsan wala pang pang lugaw
Bakit ganito kababaw isang pagkaing nilangaw
Ang dadamputin at kakainin ng batang gutom
Alam ba ng mga husgado at lahat ng hukom
Na merong mas masahol pa sa hatol na kamatayan
Yan ay ika'y maging mahirap sa sarili mong bayan
Mga bata na ang dapat na ginagawa'y maglaro
Bagkus ay agos ng pawis at magbanat ng buto
Upang kumita ng ilang pirasong pisong madungis
Kalyo sa kamay at paa na manhid sa matulis
Hindi manika ang hawak ng kanyang mumunting braso
Bagkus isang taong gulang nyang kapatid at may baso sa harapan
Na nagbabakasakaling lagyan baryang pambili ng tinapay na pang laman sa tiyan
Mga pinunong bago mamatay at magkasakit
Sa sarap ng buhay sakin kayo ay makinig.
(GABBY)
Duul mga kaigsuunan ugpami naw kamo
Duna koy dala nga mga balita gikan sa banwa ko
Gusto ko nga ipahibalo ang mga istorya
Na naga gahitabo sa banwa gisaad na to
(GLOC-9)
Mga bakal na dumudura ng apoy at ng tingga
Tangan tangan at balot nakasuot ng pang digma
Bakit di mapag tugma ang mayaman at dukha
Sa pananaw ang kapalit ay hapis at pag luluksa
Pare-parehong sundalo muslim man o kristyano
Ilan man ang masawi di mo alam sinong panalo
Walang panalo dahil sa huli tayo ang talo
Pinoy ang nasa loob ng ataul na sinarado
Yan ba talaga ang sumpa dito sa lupang
Pinangako respeto't pagmamahalan ay pilit na tinatago
Lawin hindi maka dapo may pakpak na limitado
At naka kulong sa seldang may walang susing kandado
Kaylan kaya matatapos ang pag agos ng dugo
At ang kpayapaay mahawakan ng buong buo
Yan ba ang kwento o tanong na pilit na humahawi
Sa bawat taong bahagi ng watawat na hinapi
(GABBY)
Duul mga kaigsuunan ugpami naw kamo
Duna koy dala nga mga balita gikan sa banwa ko
Gusto ko nga ipahibalo ang mga istorya
Na naga gahitabo sa banwa gisaad na to
[Chorus: Billy Crawford]
Wag mangarap ng basta simple
At umasa lagi sa libre
Bakit hindi? Bakit Hindi?
Yan ang sabihin sa sarili
Pagbutihan mo ng maigi
Kamustahin kung may imposible.
Bakit Hindi? Bakit Hindi?
Yan ang sabihin sa sarili
[Gloc 9]
Dahil lang ba ang mga bagay na nakaharang
Sa'yong daraanang hagdanang
Mataas, madulas kahit na matumba
Ay hindi mo pababayaan at tuluyang mabahiran ng alinlangan
Bawat hakbang, tawirin mo man dagat,
Sabayan hanging habagat
Baga't apoy
Bawat patak ng dugo'y
Di mawawalan ng saysay ang mga boses at panaghoy
Dahil ang mga araw na dumarating ang nagsisilbing pag-asa
Sa kanila na sa pait ng buhay nawalan na ng panlasa
Walang trabaho, mawalang makain, bubungan na tinangay ng hangin
Humahaba na ang listahan sa tindahan ng saging
Lima ang anak mo na sanggol, kailangang ipagtanggol
Sa kahirapan na pumupukol, isip mo na buhol-buhol
Ano man ang kahantungan, palagi mong tatandaan
Kapag hindi ka na bumangon ay dun ka pa lang magiging talunan
Diinan ang tapak sa lupa, punasan mo ang luha
Kung hindi ka susuko, hinding hindi ka huhupa
[Chorus: Billy Crawford]
Wag mangarap ng basta simple
At umasa lagi sa libre
Bakit hindi? Bakit Hindi?
Yan ang sabihin sa sarili
Pagbutihan mo ng maigi
Kamustahin kung may imposible.
Bakit Hindi? Bakit Hindi?
Yan ang sabihin sa sarili
[Gloc 9]
Bakit? Bakit gumigising?
Bakit? Bakit dumidilat? (dilat)
Hindi pwedeng tumigil kahit mabigat ang buhat (buhat)
Hindi kumukurap kahit ilang beses ginulat
Hinda nang sumagupa sa lahat ganon kakunat
Ang balat, namalat sa lakas ng sigaw
Iangat, kumagat, lunukin ng hilaw
Higpitan mo lang ang hawak wag na wag kang bibitaw
Ang kalaban mo lang ay walang iba kundi ikaw
Lagi kang magpasalamat na ikaw ay binigyan
Ang isipin mo na lamang ay lamang tiyan din yan
Kahit tuyo na ang halaman sadtyagain mong diligan
Hanggang ikaw ay lumaguna na akala mo Binan
Lahat ng yong naaabot ay pilitin mong higitan
Patilimin ang patalim at maghanda kang gilitan
Kung hindi mo nagawa, wag mo na muling tignan
Marami pang pagkakataon ang nasa yong harapan
[Chorus: Billy Crawford]
Wag mangarap ng basta simple
At umasa lagi sa libre (sa libre)
Bakit hindi? Bakit Hindi?
Yan ang sabihin sa sarili (yan ang sabihin)
Pagbutihan mo ng maigi (pagbutihan pa)
Kamustahin kung may imposible. (oh-oh-oh)
Bakit Hindi? Bakit Hindi?
Yan ang sabihin sa sarili (Yan ang sabihin sa sarili)
Bakit Hindi? Bakit Hindi?
Yan ang sabihin sa sarili
Bakit Hindi? Bakit Hindi?
Yan ang sabihin sa sarili