Si Chiune Sugihara (Hapones: 杉原千畝, Sugihara Chiune; Enero 1, 1900 – Hulyo 31, 1986) ay isang diplomatang Hapones, na naglingkod bilang isang Pangalawang Konsul para sa Imperyong Hapones sa Litwaniya. Daglian pagkaraan ng Pananakop sa Litwaniya (Pananakop sa mga estadong Baltiko) ng Unyong Sobyet, tinulungan niya ang ilang libong mga Hudyo upang makalikas sa bansa sa pamamagitan ng mga bisang transito (sa pasaporte) o pantawid sa mga Hudyo upang makapaglakbay sila patungong bansang Hapon. Karamihan sa mga Hudyong nakaligtas ang nanggaling sa Polonya o mga naninirahan sa Litwaniya. Dahil sa kaniyang mga ginawa sa pagsagip sa mga Hudyo mula sa mga Nazi, pinarangalan si Sugihara ng Israel bilang Matuwid at Makatuwirang Kahalubilo ng mga Nasyon (o Righteous Among the Nations). Ipinanganak si Chiune Sugihara noong Enero 1, 1900, sa Yaotsu, isang areang rural sa Prepekturang Gipu ng rehiyong Chūbu sa Hapon, sa isang panggitnang-antas na ama, si Yoshimizu Sugihara, at Yatsu Sugihara, isang uring-samurai na ina. Ikalawa siya sa limang magkakapatid na lalaki at iisang babae. Noong 1912, nagtapos siya ng may mga karangalan mula sa Paaralang Furuwatari, at pumasok sa Nagoya Daigo Chugaku (mataas na paaralang Zuiryo ngayon), isang magkasanib na mataas na paaralang pang-diyunyor at senyor.
Si Prinsipe Felipe, ang panganay na anak na lalaki ni Haring Juan Carlos I at dating Prinsipe ng Asturias, ay naluklok sa tronong Espanyol bilang Haring Felipe VI (nakalarawan).
Sa basketbol sa Timog Amerika, nanalo ang San Antonio Spurs laban sa Miami Heat sa Pangwakas ng NBA ng 2014.
Ginanap ang pambungad na seremonya ng FIFA World Cup, na sinundan ng unang laro sa Pangkat A sa pagitan ng Brazil at Croatia sa Arena de São Paulo na pinalunan ng Brazil sa iskor na 3-1.
Nagbitiw sa tungkulin si Senador Miriam Defensor-Santiago bilang hukom ng Pandaigdigang Hukumang Kriminal.