Ang Palarong Olimpiko 2008 o Palaro ng Ika-XXIX Olimpiko sa panahon ng tag-init ay isang pandaigdigang paligsahang palaro na kinasasangkapan ng iba't ibang mga laro, na isasagawa sa Beijing, Republikang Popular ng Tsina mula Agosto 8 hanggang Agosto 24, 2008, at susundan ng Palarong Paralimpiko 2008 (panahon ng tag-init) mula Setyembre 6 hanggang Setyembre 17. Inaasahang lalahukan ito ng may mga 10,500 atleta na magsisipagtunggali sa mga 302 kaganapan sa 28 palaro, kung saan isang kaganapan ang naidagdag kung ihahambing sa orihinal na pagtatakda noong Palarong Olimpiko 2004 na ginanap sa Atenas, Gresya. Iginawad sa Beijing ang pagganap ng Palarong Olimpiko makaraan ang nakahahapong botohan ng Pandaigdigang Lupon ng Olimpiko (IOC) noong Hulyo 13, 2001. Naglalaman ang opisyal na logo ng mga palaro, na pinamagatang "Sumasayaw na Beijing", ng isang ma-estilong kaligrapikong karakter na jīng (京, nangangahulugang kabisera), bilang pagtukoy sa nagpupunung-abalang lungsod. Ang limang Fuwa ay mga maskot ng Beijing 2008, kumakatawan ang bawat isa kapwa sa isang kulay ng mga Singsing ng Olimpiko at bilang isang sagisag ng kalinangang Tsino. Tinatawag ng sawikaing pang-Olimpiko, ang Isang Daigidig, Isang Pangarap, ang sandaigdigan upang magkaisa sa kaluluwa ng Olimpiko.
Ang Jupiter o Hupiter ay ang ika-limang planeta mula sa Araw at ang pinakamalaki sa loob ng Sistemang Solar. Isa itong higanteng gas (gaya ng Saturn, Uranus at Neptune) na may masa na mas kaunti lamang sa ika-isang libong bahagdan ng bigat ng Araw. Subalit ang bigat nito ay dalawa at kalahating mas mabigat kaysa sa pinagsamang bigat ng lahat ng ibang planeta ng Sistemang Solar. May-akda ng larawan: NASA.