Nagsimula ang kasaysayan ng Pilipinas nang dumating ang mga sinaunang tao sa Pilipinas sa pamamagitan ng mga tulay na lupa 30,000 taon na ang nakalilipas. Ang unang tala na pagbisita na mula sa Kanluran ay ang pagdating ni Fernando Magallanes sa pulo ng Homonhon, sa timog-silangan ng Samar noong Marso 16, 1521. Nagtayo ng mga permanenteng paninirahan sa Cebu kasabay ng ekspedisyon ni Miguel López de Legazpi noong 1565, at marami pang mga paninirahan ang itinatag pa-Hilaga hanggang sa maabot ng mga kolonyalista ang Look ng Maynila sa pulo ng Luzon. Nagtatag ng isang ciudad (town) sa Maynila at dito nagsimula ang panahon ng kolonyalisasyon ng Espanya na nagtagal ng tatlong siglo. Nagsimula ang rebolusyon laban sa Espanya noong Abril ng 1896, na pagkaraan ng dalawang taon ay humantong sa proklamasyon ng kalayaan at ang pagtatatag ng Unang Republika ng Pilipinas. Mga Negrito, Indones at Malay ang mga prinsipal na mamamayan ng Pilipinas. Naging laganap ang sosyal at pulitikal na organisasyon ng populasyon sa mga pulo. Ang mga magsasaka lamang ng Hilagang Luzon ang nagkaroon ng konsepto ng teritoryalismo. Ang simpleng yunit ng pamahalaan ay ang barangay, na isang grupong pinamunuan ng isang datu.
Ang pighati ay isang damdamin, emosyon, o sentimyento, na mas malubha kaysa sa kalungkutan, at nagpapahiwatig ng isang kalagayang pangmatagalan. Hindi ito katayuan ng pagiging hindi masaya, bagkus ay nagpapahiwatig ng isang antas ng pagpapaubaya o pag-sang-ayon na ng kalooban sa isang karanasan, na nagbibigay ng hindi karaniwang anyo ng pagkakaroon ng dangal. Inilalarawan din ang pighati bilang nasa gitna ng pagpunta sa pagtanggap at hindi pagtanggap sa pangyayaring naganap. May-akda ng larawan: Vincent van Gogh.